ZION 5

1112 Words
Roan pov Damang dama niya ang tila disgusto ng isang anak na binata ni Zacharias dalawa ang anak ni Zach kambal na parehong lalaki, dalawa ang step son nito na pareho ding lalaki, yung panganay na step son ng lalaki ay nakausap na niya dati mabait naman ang lalaki kaya ayos lang. Zandro, Zeus and Zorrenn are good pero ang pinaka nakakatakot si Zion. Simula ng makaharap niya ang lalaki ay di na siya nito tinigila ng titig nito na tila ba tatagos sa kabilang bahagi ng bahay. Di man lang ito ngumiti at halata na ayaw nito sa kanya para maging madrasta nito. Wala naman siyang magagawa kung anuman ang iniisip nito tungkol sa kanya. Alam niyang di naman niya makakasama sa iisang bahay ang lalaki. Kaya ayos lang sa kanya kung di man siya nito gusto, gayunpaman ay may bahagi ng puso niya ang tila nasaktan sa way ng pagtrato nito sa kanya. Maayos naman nitong tratuhin ang kanyang triplets in fact nakita niya pa ngang nakikipaglaro ito sa mga bata. Sadyang ayaw lang talaga siguro nito sa kanya para sa ama nito. Kung sana ay naiba ang sitwasyon ay di niya ilalagay sa ganitong sitwasyon niya ngayon ang kanyang sarili. Alam niyang di naman kinakailangan na pakasalan talaga ang matanda kaya lang ay nag insist kasi siya na babayaran niya ang lahat at ito na nga ang hiniling nito na kapalit. "Mommy, maglalaro lang po kami sa garden." Sabi ni Orion, ito ang pinakamasakitin sa tatlo kaya mas inaalagaan niya ito, lalo na ngayon na pabago bago ang panahon. "O sige basta wag magkukulit kulit a." Bilin niya dito. "Yehey!" Sabi nito, nakangiting pinagmasdan niya ang pakinding kinding at nagharutan na mga batang paslit. Alam niya na mahirap ang magpalaki ng anak na mag-isa, lalo na at tatlong bata pa. Noong unang araw ay tila tuliro siya ng malaman niya ang pagpanaw ng ama ng mga ito, ang unang pumasok sa isip niya ay ang mga masasayang panahon ng mga bata kasama ang ama ng mga ito. Sa isang iglap lang ay nawalan ng magulang ang mga batang paslit dahil lang sa paglalaro sa kalsada, yung katuwaan lang pero nawalan ng boung pamilya ang mga inosenteng bata. Alam niyang hindi pa gaanong naiintindihan ng mga bata ang kanilang sitwasyon, kaya kahit halos dumarating na siya sa punto na gusto na niyang sumuko at bumitaw ay mas pinili niya paring lumaban at harapin ang mga pagsubok sa buhay, siya nalang ang inaasahan ng mga ito, ang nag iisang pamilya ng mga ito. "Anong ikinamatay ng ama nila?" Napaigtad pa siya nang marinig ang boses ng lalaki sa kanyang likuran. Kahit naman di niya lingunin ay kilalang kilala niya kung sino. Si Zion ang isa sa bunsong kambal na anak ni Zach, alam niyang nakita na niya ang lalaki. Isa sa mga naging pasahero nila during their flight before. "Car accident." Sabi niya rito, alam niyang naawa ito sa kanya. "Oh sorry about that, ilang taon na siyang patay?" Tanong nito sa kanya. "Five months ago." Mahina at tipid niyang sagot dito. "Five months? Pero ikakasal kana agad kay Daddy?" Nanlalaki ang mga mata na tanong nito sa kanya. "Hindi pa naman kami ikakasal-" sansala niya, ang pangit nga naman na isipin na kakamatay pa nga lang ay heto siya nagbabalak na mag asawa. Gusto niya sanang sagutin ang lalaki ngunit nang maalala niya ang kanilang sitwasyon ay mas pinili nalang niyang manahimik nalang. Alam niyang di na niya mababago pa ang nakatakda, siguro nga ay di siya ganun ka buo ang loob sa pagpapakasal pero dahil may isa siyang salita ay gagawin niya. Mahirap na para sa kanya ang sundin ang nilalaman ng puso niya, pero pwede naman niyang pag aralan na mahalin si Zach lalo at mabait naman ito sa kanila ng mga bata. "Hindi pa ikakasal, di mo man lang mahintay na magbabang luksa muna bago nakipag relasyon?" Puno ng panghuhusga na tanong nito sa kanya. "Di mo naiintindihan ang sitwasyon ko, wala akong masamang pakay sa ama mo, balang araw maipapaliwanag ko din sayo kung ano ang side ko." Sabi niya dito. Nakakalungkot talaga ang mahusgahan ka ng ibang tao without them knowing what is the real reason and story behind those events, hindi naman niya kailangan na mag explain palagi ng kanyang sarili dahil alam niyang kahit sampal sampalin niya ng katotohanan ang mga taong naghuhusga sa kanya ay di na niya mababago pa ang masamang tingin ng mga ito sa kanya. "I'm watching you, Roan. Kung si Dad ay hinahayaan kalang pwes ibahin mo ako, I can make everything worst for you of you foll us." Banta pa ng lalaki bago naglakad papalayo. Malungkot niya itong tinanaw, kung sana naiba ang sitwasyon niya. Kung maibabalik niya lang sana ang panahon, sana hindi nalang namatay ang ama ng mga bata para di nila nararanasan ang ganung trato mula sa ibang tao. "Anong sinabi niya sayo?" Napaigtad siya nang malingonan niya si Zach. Mukhang nakita nito ang ginawang paglapit sa kanya ng anak nito. Hindi naman malayo ang sala sa may terrace kaya marahil ay nakita nito. Wala namang namamagitan sa kanila ni Zach sa ngayon, nagsabi na ito na ikakasal na sila, pero wala pa silang pisikal touch sa isat isa, maski hawak kamay ay wala. Alam niyang sa malaon ay mangyayari iyon lalo na pag naging fiancee na niya ito, yung maganap na ang engagement nila. "Ah wala nagtanong tanong lang tungkol sa ama ng mga bata." Sagot niya na nginitian ang lalaki. "Di naman ba galit?" Tanong nito sa kanya. Mukhang alam na alam talaga nito ang likaw ng bituka ng anak nito, kaya naman ganun nalang ang pagdududa nito sa ginawang paglapit ng lalaki sa kanya. Parang mas gugustuhin niya pang makausap at makasama ang tatlo nitong kapatid kaysa dito. "Hindi naman, seryuso lang ang mukha. Pero maayos naman niya akong kinausap." Sabi niya dito. Di niya pwedeng sabihin dito na pinagbantaan siya ng anak nito na naka under surveillance Monitoring siya nito. Dama naman niya ang ginagawa nitong pagbabantay sa bawat kilos niya simula kaninang umaga. Alam niyang di pa ito nagtatapos dito, gusto niya na tuloy na mag disappear nalang. Kung may pagpipilian lang sana siya ay di siya papayag na mangyari ang kasal. Anuman ang mangyari ay isa lang naman ang mahalaga sa kanya iyon ay ang kapakanan ng tatlong bata. Artemis, Apollo and Orion is her life, ang mga ito ang kanyang nagsisilbing lakas sa kabila ng lahat ng sakit at hirap na pinagdaanan nilang apat sa mga nakalipas na limang buwan. Literal na extra challenge ang lahat na parang bangungot na ayaw na niyang alalahanin pa dahil masakit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD