ZION 6

1514 Words
Flashback Ulila na silang dalawa ng Ate Riva niya, sa edad niyang kinse, sabay na pumanaw ang kanilang mga magulang sa isang di maipaliwanag na sakit na dumapo sa mga ito. Wala din silang mga kaanak na iba, nung mga panahong iyon ay kagagraduate lang ng ate niya ng college. Walang wala sila kaya inakala niya ay pababayaan siya nito. Nasa Manila ang Ate niya ng mga panahong iyon, habang siya ang kasa kasama ng kanilang mga magulang sa probinsya nila sa Masbate. Takot na takot siya matapos na mailibing ang mga magulang nila, takot na mag isa nalang siya lalo at di naman sila nagkausap ng maayos ng ate niya mula ng dumating ito dahil abala silang dalawa sa pag aayos ng mga kailangan na ayusin sa pagpapalibing ng kanilang mga magulang. "Ate aalis kana?" Mahina niyang tanong dito nang makitang nag eempake na ito ng damit nito matapos ang libing ng mga magulang nila kanina. Tulala siya habang pinaglalamayan nila ang mga magulang nila na halos araw araw siyang nakatanghod lang sa kabaong ng dalawa. Parang gusto niya nalang din sumama ng mga sandaling iyon lalo na at alam niyang pag umalis na ang ate niya ay mag isa niya nalang na bubuhayin ang kanyang sarili. Tumingin ito sa kanya, at kahit mugto ang mga mata ay ngumiti ito. "Halika nga dito payakap." Sabi nito na ibinuka ang mga bisig upang mayakap siya. Nang makulong siya sa mga bisig nito ay saka siya humagulhol ng iyak, akala niya ay naubos na niya ang kanyang mga luha sa mga nakalipas na araw mula burol hanggang sa paglibing kanina, pero malalakas na hagulhol ang kumawala sa kanyang lalamunan. "Ate babalikan mo paba ako dito?" Malungkot na tanong niya dito. Ilang araw niyang naiisip na kung saka sakaling umalis na ang ate niya ay tatapusin nalang niya ang clearance niya at di na siya mag aaral pa. Maghahanap nalang siya ng trabaho para buhayin ang kanyang sarili. Di naman siya obligasyon ng ate niya lalo at may sarili naman itong buhay. "Anong babalikan ang sinasabi mo? Isasama kita sa Maynila. Wala na sila Nanay at Tatay hindi kita pwedeng iwanan dito dahil mapanganib para sayo lalo at babae ka." Sabi nito na ikinatuwa niya. "Talaga? Isasama mo ako? Salamat Ate, salamat akala ko iiwan mo akong mag isa dito." Naiiyak parin na sabi niya dito. Kinabukasan ay sinamahan siya ng ate niya upang tumungo sa kanilang school upang kuhanin ang mga school records niya. Nangako naman ang malayo nilang kaanak na teacher din doon na ito na ang bahalang magpadala ng kanyang mga School records. Isinama siya nito sa maliit nitong kwarto na inuupahan, pumapasok bilang isang secretarya ang kanyang ate sa isang firm. Kahit papaano ay nairaraos nila ang buhay nila sa Manila, ang dating pinapadala ng ate niya sa mga magulang nila ay naipapanggastos nila sa bahay. Magaling naman humawak ng pera ang ate niya kaya nakakapag ipon ito. Nang minsan na binaha ang lugar nila ay nagpasya ang ate niya na kumuha ng housing na pasalo. Isang matandang dalaga na guro ang may ari, mababa lang ang monthly at malapit lang sa trabaho ng ate niya. Pinag aral siya ng ate niya hanggang sa makagraduate siya at makapagtrabaho bilang flight attendant. Sobra sobra ang pasasalamat niya sa ate niya na kahit alam niyang may trabaho ito ay nagpapadala siya ng pera dito kada buwan. Di ito nanghingi pero kusang loob niya ang pagbibigay ng pera dito, sa isip niya ay wala siya sa kanyang kinalalagyan kung wala ang ate niya, kung di ito nagsakripisyo na pag aralin siya na kung tutuosin ay pwede siya nitong pagtrabahuin nalang matapos ang kanyang pag aaral sa high school. Nagpatuloy ang ganung set up nila, minsan lang siyang nakakauwe sa bahay dahil na din sa kanyang trabaho bilang flight attendant, kumuha siya ng isang condo unit at doon siya tumira dahil mas malapit iyon sa paliparan. Pag mga espesyal na okasyon ay di siya nakakalimot na dumalaw sa kapatid niya. "Roan pwede kabang umuwe ngayon?" Tanong ng ate niya nang sagutin niya ang tawag. Mas pinipili niya ang mahahabang flight o mga malalayong lugar na flight kagaya ng mga bansa sa Asia madalas ay sa turkey ang biyahe niya. Nakakapagod at talagang maninibago ka sa haba ng biyahe pero kalaunan ay ayos na, minsan na din siyang na assign sa Japan, lalo at yung airline company naman nila ay may ibat ibang branches all over the world. Mapalad siya dahil naging napakabilis ng kanyang naging aplikasyon kahit na wala naman siyang backer, samantalang ang mga extra rich niyang mga kaklase noon ay hanggang ngayon ay hirap na makapasok sa mga airlines na inaapplyan ng mga ito. Maraming beses na din na sinabihan siya na di daw siya makakapag flight dahil wala naman siyang backer o kakilala sa mga airline company. Pangarap niya talaga noon paman ang makapagtrabaho sa kompanya na kanyang pinagtatrabahoan sa kasalukoyan kaya sobrang saya niya nang matanggap siya sa isang attempt lang ng pag aaply niya. "Bakit po Ate may problema ba?" Tanong niya dito, kinakabahan siya sa ganung tono ng Ate niya, ni minsan ay di pa siya pinauwe ng Ate niya ng ganun. Mabilis siyang nagbihis kahit na di pa naman sumasagot ang ate niya sa tanong niya. "Wala naman, basta uwe ka muna. Wala ka namang flight ngayon diba?" Tanong pa nito, halata niya ang lungkot sa boses nito. Kaya ganun nalang ang kaba sa kanyang dibdib ng mga sandaling iyon. Hindi siya nag entertain ng manliligaw ever since dahil ayaw niyang ma disappoint ang Ate niya. Gusto niyang maging proud ito sa kanya lalo na at ito ang kanyang naging inspiration sa mga nakalipas na taon. Madalas na din niya ito na ireto sa mga kakilala niyang lalaki, gusto niyang pagtuonan naman nito ang sarili at habang kaya pa nitong magkaanak ay mag asawa na. Iba parin kasi pag may pamilya ka hanggang sa pagtanda mo. Nagbabalak din naman siya na mag asawa pero di pa panahon. Nasa kasagsagan pa siya ng kanyang career at wala siyang panahon para sa mga walang kwentang bagay. Habang bata pa ay kailangan niya munang e enjoy ang buhay dalaga, yung walang sinuman na magbabawal sa kanyang magpacute kahit kanino dahil wala namang aawat. "Wala, sige papunta na ako. Kung may problema ka wag kang mag iisip na magpakamatay ha, sasakalin kita!" Banta niya dito nahimigan niya kasi ang tila mabigat na problema ng kanyang kapatid. Sa mga nakalipas na mga taon ay silang dalawa ang nagsasandalan sa isat isa, sinasabi nito ang bawat nangyayari dito sa trabaho nito. Ang huling naalala niya ay may lalaki itong gusto pero sobrang taas ng posisyon kaya naman ay madalas itong malungkot lalo na pag nalalaman nito na may idini date ang lalaki na iba. Mahinhin ang ate niya kaya naman ay di nito gagawin ang magpapapansin sa lalaki, bihira naman kasi itong mag ayos. Ang alam niya ay may naging nobyo ito noon na gusto na pabayaan siya ng ate niya para magsama na ang mga ito, pero mas pinili nito na panindigan siya kaysa sa nobyo nito. Sabi pa nito sa kanya ang lalaki napapalitan pero ang kapatid na nag iisang kaanak ay hindi. Kaya ayun nag asawa ng iba ang lalaki, halos isang buwan din na iniyakan ng ate niya ang lalaki, kalaunan nalaman nila na nakakulong ang lalaki dahil binugbog ang asawa. After non ay nahimasmasan na ang ate niya at di na nag iiyak pa sa gabi. Parang blessing in disguise na din daw siya sa buhay nito. Dahil kung wala daw itong obligasyon sa kanya baka napapayag daw itong makisama sa lalaki at baka kung nangyari yun ay baka ang ate niya ang naka sparring ng lalaki. "Baliw! Bilisan mo." Sabi pa nito. Pagkadating niya sa bahay nila ay tulala ito habang nasa harap ang maraming pregnancy test kit. Inisa isa niyang tingin ang mga iyon na manghang mangha, alam niya na agad na sa ate niya iyon. Alangan naman sa kanya e kadarating lang naman niya, di niya napigilang di mapangisi nang matanto na buntis na nga ang ate niya. "Buntis ka?" Bulalas niya bago mahigpit na niyakap ang kapatid. "Di ka galit?" Tanong pa nito sa kanya. Ngumiti siya dito. "Bakit naman ako magagalit? Blessings kaya yan." Sabi niya dito. "Kasi wala akong asawa pero nagpabuntis ako." Sabi nito, tumawa siya at niyakap ito. "Matanda kana te, anuman ang desisyon mo ay igagalang ko iyon. Tayong dalawa nalang ang magkamag anak, tsaka e ano naman kung wala kang asawa? Pwede naman na ako nalang ang susuporta sa pamangkin ko kagaya kung paano mo ako itinaguyod sa aking pag aaral." Sabi niya, nakita niya ang pag iyak tawa nito. "Di nga ako nagkamali ng desisyon ko sayo, napakabuti mong bata at kapatid kaya tama ang iwanan ko ang mga lalaki noon na gusto kang ihiwalay sa akin. Salamat Roan. " Sabi nito sa kanya. Akala niya ay nabuntis lang ng basta basta ang kapatid, nalaman niyang nag resign din ito sa trabaho. At pinili nito na magtinda tinda nalang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD