Sinamahan niya ang ate niya sa mga check ups nito, nagulat nalang sila na may lalaking naghihintay sa labas ng bahay ng ate niya pagbalik nila. May dala dalang maleta ang lalaki at pamilyar ito sa kanya, ito ang boss ng Ate niya.
"Anong ginagawa mo dito Aljun?" Tanong kaagad ng ate niya nang makita ang lalaki. Alam niyang matanda na ang mga ito para maging referee pa siya ng mga ito, at may tiwala siya na kaya na ng ate niya na i handle ang kung anumang issue sa pagitan ng dalawa.
"Papasok na ako Te, papasukin mo na din yang bisita mo para di kayo nakatayo diyan sa labas, hahasain ko lang ang gulok natin sa loob para naman may panghabol tayo mamaya pag may masamang masabi. " Biro niya sa mga ito, pero wala man lang ngumiti sa dalawa.
Alam niyang handa naman ang ate niya sa kung anumang pakay ng lalaki, kung tatakbo ba o maninindigan? Basi sa kaninang observation niya ay ang lalaki yata ang ama ng ipinagbubuntis ng kanyang Ate, alam niyang di madali ang sitwasyon ng ate niya pero sa nakikita niya sa lalaki ay mukha naman itong responsable kaya ayos narin ang kanyang pag iisip. Ayaw naman niyang isipin na maaring lumaki ng walang ama ang anak ng ate niya.
Tatlong taon na din na di niya nagagamit ang kanyang leave sa trabaho at mukhang alam na niya kung kailan niya iyon gagamitin. Sa nalalapit na panganganak ng kanyang ate. Di sila nakapagpa ultrasound kanina dahil sira ang sonography machine ng clinic at ayaw naman ng ate niya na sa public dahil bukod sa mahaba ang pila ay masusungit daw ang ibang mga staff doon. Ang nangyari ay nagpa schedule nalang sila kinabukasan para maultrasound ang ate niya.
Wala paman ay excited na siyang maging Titang ina, iniimagine na niya ang hagikhik ng sanggol. Nakaka excite isipin na makakakarga na siya ng baby na kadugo niya, madalas kasi ay sa mga kakilala niya na baby siya nakikikarga kaya lang ay bawal naman i kiss ang ganun. Baka mamaya maka acquire ng sakit si baby ay masisinat mapagbintangan pa siya, yun din ang kabilin bilinan ng ate niya.
Muli siyang sumilip sa labas upang tingnan ang dalawang masinsinan na nag uusap sa may pinaka terrace nila. Di naman mukhang umiiyak ang ate niya, para pa ngang masaya ang ate niya ng mga sandaling iyon. Wala naman siyang inggit na nararamdaman dahil alam niyang mahirap ang maging isang magulang at di pa siya prepared sa mga responsibilidad na kaakibat ng pagiging isang magulang. At alam niya sa sarili niya na di pa siya handang i give up ang kalayaan na meron siya ngayon.
Di niya pinagtutuonan ng pansin ang mga pesting lalaki na umaaligid aligid sa kanya. Para sa kanya ay sakit sa ulo lang ang magiging hatid sa kanya ng love life, feeling niya magiging burden iyon sa kanyang career na palago palang. Ang pag aasawa ay hindi minamadali, you have to think twice, trice or even million times before you enter marriage. Di iyon kanin na pag mainit ay iluluwa lang.
"Ikakasal na kami ni Kuya Aljun mo Roan," sabi ng ate niya, di na naman nito kailangan na magpaliwanag sa kanya ng mga desisyon nito sa buhay, matanda na ito. It's long overdue na nga dahil dapat noon pa ito nag asawa ngayon ay thirty four na ito.
"Sige Ate, ano ba ang maitutulong ko?" Tanong niya sa mga ito.
"No need to worry about anything, ako na ang bahala." Sagot ni Kuya Aljun.
Ikinasal ang dalawa sa isang simpleng seremonya lamang pero solemn dahil tanging dalawang kapamilya lang ni kuya Aljun ang dumating. May ilang mga katrabaho ng dalawa ang dumating din sa reception, kita niyang napalitan ng saya ang mukha ng ate niya na malungkot simula pa noong pagdating niya.
"Triplets ang pamangkin mo Roan!" Masayang balita ng ate niya sa kanya.
Kinabukasan after ng kasal ay bumalik na siya kaagad sa trabaho upang mag relieve sa kasama niyang regular na nagkaroon ng emergency. Ayos lang naman sa kanya ang mga ganung changes dahil wala pa namang naghihintay sa kanyang pag uwe. Malungkot din minsan ang mag isa kaya naman minsan sumasama sama din siya sa mga gimmick.
"Talaga? Anong gender te?" Tila nagising ang kanyang antok pang diwa.
"All boys at healthy silang lahat." Masayang sabi nito. Tila nakahinga naman siya ng maluwag sa kaalamang iyon.
"Hay salamat, mabuti naman kung ganun, kumusta ka naman sa bahay? Maayos ba ang pagsasama niyo ni Kuya Aljun?" Tanong niya dito.
Mukha namang mabait at mabuting tao si Kuya Aljun dangan nga lamang ay tila napakahirap na kasing humanap ng sincere na tao, yung tipong totoo ang kabaitan. Looks can be deceiving ika nga nila. Kaya ayaw niya ding magpakakampanti na pabayaan ang ate niya. Iniisip niyang baka sa una lang mabait ang lalaki pero kalaunan ay di naman pala.
"Mabuti naman ang kalagayan ko, ikaw kumusta ka diyan? Baka naman nagpapalipas kana naman ng gutom a." Sabi pa nito sa kanya.
"Paano mo nalaman? Hehe on time po akong kumakain Ate, alagaan mo ang mga pamangkin ko a. Uuwe ako next month diyan." Sabi niya dito.
Kinuha niya ang number ng mga kapitbahay ng ate niya para at least may makakapag contact sa kanya kung anuman ang mga ganap sa bahay ng ate niya. Di naman kasi niya lubosang kilala ang napangasawa ng ate niya.
"Siguraduhin mo lang na makakauwe ka a, baka drawing na naman yang uwe mo na yan." Parang na imagine na niya ang mukha ng ate niya habang sinasabi ang bagay na iyon, ilang beses na kasing nangyari iyon. Yung tipong nangako ka na uuwe ka pero nagkaroon ng biglaang tawag ng trabaho, kaya wala siyang choice kundi ipagpaliban ang kanyang pahinga. Sa nakalipas na mga taon ay may naipon naman siya kahit papaano na mula sa sahod niya.
"Oo na po Ate, love you te. Ingat kayo diyan! Call time na te tatawag nalang ako bukas uli pagdating namin." Sabi niga na ibinaba na any tawag at nagmamadali na tumakbo pahabol sa mga kasama niya.
May mga nanliligaw naman sa kanyang piloto, negosyante at iba pa pero mas mailap pa siya sa lahat ng mailap. Para sa kanya kasi ay di pa napapanahon para pagtuonan niya ng pansin ang mga ganung bagay. Kung ang mga kasama niyang flight attendant ay paiba iba ang mga idinidate, siya naman ay di talaga nakikipagdate at all. Napagdududahan pa nga siyang tomboy daw at kaya ayaw niya na magpaligaw kasi kapwa babae ang type niya, which is lie dahil may mga crushes naman siya sadyang malakas lang ang self control niya kaya nakakaya niyang umiwas sa mga sakit ng ulo.
Nagpatuloy ang buhay niya na normal lang, napatunayan niya na minahal nga ng husto ng asawa ng Ate niya na si Aljun ang ate niya kaya panatag siya na kahit nasa malayo siya ay naaalagaan ito ng maayos. Pag may mga pagkakataon siya ay gumagawa siya ng paraan para makauwe at makasama ang ate niya.
Nang ipanganak naman ng ate niya ang triplets ay sobrang saya niya, mas marami pa yata siyang nabiling gamit ng mga ito kaysa sa mga magulang ng mga bata. She fell in love with her nephew instantly the moment she saw them. Dahil Mama at Papa ang tawag ng mga ito sa ate niya at kay Kuya Aljun ay Mommy ang naging tawag ng mga ito sa kanya, spoiled niya ang mga ito sa ibat ibang bagay.
Lumipas ang tatlong taon at ganun parin ang kanilang set up. Umuuwe talaga siya sa Ate niya sa mga espesyal man o hindi espesyal na okasyon sa bahay ng mga ito. Hanggang isang araw.
"Hello?" Tawag mula sa kapitbahay ng ate niya.
"Hello ate Beth? Bakit po?" Wala paman ay malakas na ang kabog ng kanyang dibdib at masama na ang kutob niya sa tawag na iyon. Lalo na nang mahimigan niya ang namamalat nitong boses, nasa Qatar siya ngayon dahil iyon ang napili niyang sakyan for almost a month na din.
"Si Ate at Kuya mo bhe nadisgrasya malubha ang lagay nila. Pwede kabang makauwe na ngayon?" Sabi nito.
"Sige Ate uuwe po ako agad ngayon!" Namamalisbis ang mga luha sa kanyang mga mata habang patakbong lumabas ng hotel room niya.
Kaagad siyang nagbook ng flight pabalik sa bansa. Patay na ang asawa ng ate niya, ayon sa kapitbahay ay dead on the spot ito ang napurohan pero malala din ang tama ng ate niya na comatose sa hospital ng abutan niya.May malay pa daw ito at nagawa pang ihabilin na ampunin niya ang tatlong pamangkin niya. Wala siyang nagawa kundi ang lumuha lang hanggang sa tuloyan nang bawian na ng buhay ang ate niya.
Tinulongan siya ng kaibigan ng ate niya sa pag aasekaso sa adoption papers ng mga pamangkin niya. Di niya alam ang purpose ng ate niya kung bakit pinamadali nito ang proseso ng kanyang pag adopt sa triplets. Matapos mailibing ang kanyang ate at ang kanyang bayaw ay doon niya nalaman ang mas malala pa palang sitwasyon.