Kaya pala ipinaampon sa kanya ng ate niya ang mga anak nito ay dahil sa mga gahaman na kaanak ni Aljun. Nagsabi ang mga ito na kuhanin ang isa sa triplets dahil may karapatan daw ang mga ito sa bata dahil kaanak ng mga ito si Aljun. Baog pala ang tiyahin ni Aljun kaya kinukuha nito si Orion, ang isa sa tatlong triplets.
"Wala ho kayong makukuha sa mga bata, anak ko na ho sila." Matigas niyang sabi dito.
Nang ipakita niya ang mga papeles na hawak niya, mga documents na siya na ang ina ng mga bata ay umalis na ang mga ito. Akala niya ay tapos na ang panggugulo ng mga ito, pero di pa pala kinuha ng mga ito ang sasakyan ng bayaw niya na nasa kompanya na pag aari nito. Ayun sa mga ito ay wala na karapatan ang mga bata sa sasakyan dahil naipaampon na sa kanya ang mga ito.
Pero wala siyang pakialam sa sasakyan ng bayaw niya, kung ang kapalit naman niyon ay ang pamangkin niya, di bale nalang. Halos masaid ang kanyang ipon at isa pang malaking unos ang yumanig sa kanyang katatagan. Nagkasakit si Apollo at kinakailangan niyang ipaopera. Malaki ang halaga na kailangan at alam niyang kukulangin ang kanyang natitirang ipon, di na din siya makakapag trabaho dahil kailangan niyang alagaan ang kanyang triplets na pamangkin. Magtatatlong taon palang ang mga ito at baby pa talaga halos, nag gatas pa ang mga ito at tindahan nila sa bahay ang kanyang ipinangbubuhay sa tatlong supling.
"Kailangan na maoperahan siya sa lalong madaling panahon." Sabi ng doctor.
"Anong gagawin mo Roan?" Tanong ng kaibigan niyang si Freya. Ito ang karamay niya sa buhay, sa mga pagkakataon na halos lugmok na lugmok siya, gusto man niyang malugmok na ay di pwede dahil may mga anak siyang kailangan na isipin. Kailangan siya ng mga ito, at Nagpapasalamat siya sa ate niya na kaagad naasekaso ang adoption bago paman nakakilos ang mga kaanak ni Aljun, nang sumunod na araw kasi ay ang tita naman ni Aljun ang nanghihingi ng isa sa triplets.
Nakakagalit na tila ba mga kuting ang kanyang mga pamangkin para ganun nalang kadali sa mga ito na hingiin, kung kinakailangan na magsangla siya ng kaluluwa para maprotektahan ang mga ito ay gagawin niya. Para sa alaala ng ate niya, ang mga ito nalang ang tanging mayron siya sa ngayon.
"Di ko alam kung saan ako kukuha ng kalahating milyon Frey, di ko naman pwedeng ibenta ang bahay dahil wala na kaming matitirhan." Malungkot niyang sabi dito. Alam niyang di naman siya maiintindihan ng iba sa part na iyon, iyon nalang ang meron sila at ang natitirang alaala ng kabataan niya sa piling ng Ate niya. Pero pag wala na talaga siyang choice ay kaya niyang pakawalan iyon lalo na kung buhay naman ni Apollo ang kapalit.
"Ito ang sagot sa problema mo o." Sabi nito sabay pakita ng cellphone nito.
"Wanted: Perfect Single Mom." Basa nito sa ipinasa ng kakilala nito na ads.
"Patingin nga, magkano naman kaya ang bayad?" Tanong niya, lahat yata ng pwedeng trabaho ay papatusin niya, naiwan niya ang dalawang bata sa kinuha niyang Yaya habang nasa hospital si Apollo. Ang alam niya ay pinag iipunan na ng ate at bayaw niya ang operasyon ni Apollo, ang di niya lang alam ay kung nasaan ang naipon ng mga ito.
"Tawagan natin." Sabi pa nito.
At doon nagsimula ang lahat, dumating si Zach sa buhay nilang mag iina.
"Ano po ang rule?" Tanong niya dito nang una silang magtagpo.
"You'll play as my fiancee for a while." Sagot nito.
"Magkano po ang bayad?" Tanong niya, umaasa siyang mai cover ng lalaki ang boung operasyon ni Apollo para wala na siyang isipin pa.
"Three million pesos." Sagot nito na ikinapatda niya. Para na siyang nanalo sa lotto sa laki ng halaga ng pera na sinasabi nito. Parang napakahirap na paniwalaan pero batid niyang totoo iyon.
"Hanggang kailan po ang pagpapanggap?" Tanong niya dito.
"Until I say so, anyway walang ibang dapat na makaalam sa pag uusap nating ito. I already paid your friends silence. " Sabi nito, halatang natakot din si Freya na magsalita kaya tinanggap ang pera na ibinigay ng lalaki.
"Ano po ang gagawin ko as fiancee? Kinakabahan siya na baka hilingin nito ang kanyang katawan. Although handa naman siyang isakripisyo ang kanyang katawan kung saka sakali mang kailanganin para magdugtongan ang buhay ng pamangkin niya ay gagawin niya.
"Just play along to what I'm doing, don't worry no s****l involved." Sabi pa nito, kaya naman ay nakahinga siya ng maluwag.
Gulat na gulat siya nang dumating ito sa bahay nila at sundoin silang mag-iina limang buwan matapos ang operasyon ni Apollo. Magaling na ang bata at normal na itong nakakapaglaro ulit, di na siya nangangamba pa na baka isang araw ay mahimatay ito o mawala sa kanya ng tuloyan.
Akala niya ay nakakagulat na iyon, pero mas nakakagulat pa pala ang malaman niya kung ilang taon na ang lalaki. Fifty eight years old na pala ito at may anak itong apat na lalaki na pawang mga binata pa lahat.
"Meet Zandro my eldest son." Pakilala nito sa gwapong lalaki na nasa harap nila ngayon. Mabait si Zandro at mababakas ang paggalang nito sa kanya, di niya alam kung ano ang purpose ni Zach kung bakit nito kinakailangan na magbayad ng isang kagaya niya para magpanggap as fiancee nito.
"Ang bata mo pa para kay Daddy." Sabi ng lalaki, napatungo nalang siya sa sinabing iyon ng lalaki.
"Akala ko din bata pa ang daddy mo e." Parang lutang na sagot niya dito, dahilan para mapahalakhak ang lalaki.
"Haha really? Di mo alam na matanda na si Daddy?" Tanong nito sa kanya.
"Tsss I'm not old young man." Sabat ni Zach sa anak nito, nakikinig pala ito sa kanilang pag uusap.
"You can still run, what about marry me instead of marrying Dad." Biro pa ni Zandro na halata namang inaasar ang ama.
"Mabait ang ama mo." Sabi nalang niya.
"How lucky this old man!" Palatak nito.
Kasundo niya ang halos lahat ng mga nasa loob ng bahay maliban sa Yaya ng mga anak ni Zach, mula ng dumating sila sa bahay ay sobrang bigat na nito sa pakiramdam. Maging ang mga anak niya ay takot din sa babae.
"Para siyang monster Mommy!" Bulong ni Orion sa kanya.
"Wui bad yan boys a." Saway niya sa tatlong bata.
"Sorry po Mommy, pwede po ba akong kumain Mommy?" Tanong ni Artemis sa kanya.
"Tara sa kusina." Sabi niya sa tatlong bata. Sabi naman ni Zach ay kainin nila ang lahat ng pwede nilang kainin. Kung saka sakali mang pagdamutan sila ay may pera naman siyang pang order ng pagkain para mapakain ang tatlong anak niya.
"Bakit dito kayo nakatira? Wala ba kayong bahay?" Halata ang galit sa tinig ng babae habang tinatanong iyon sa kanya.
"Kinausap ako ni Zach na kung pwede na dito na muna kami hanggang dumating ang iba pa niyang anak." Sagot niya dito. Gusto niya sanang sabihin na wala itong karapatan na kwetiyunin ang mga desisyon ng amo nito dahil Yaya lang naman ito.
"Ang swerte mo naman masyado, may mga anak kapa niyan pero nakabingwit ka ng malaking isda." May kahulugan na sabi ng babae sa kanya.
Alam niyang may mga tao na nababalutan ng inggit sa katawan at ang nakikita niya sa babae ay di lang basta basta inggit. Mabait ang babae hindi iyon peke lalo at sanay naman siyang makisalamuha sa ibang tao sa uri ng trabaho na meron siya. Parang may mas malalim na hugot ang galit na meron ito.
"May problema kaba sa akin ate?" Tanong niya dito, ayaw niya kasi na may nasasagasaan siyang tao. Noon ngang na promote siya ay tinanggihan niya dahil nalaman niyang nagagalit ang ibang mas nauna pa sa kanya dahil dapat daw ang mga ito ang nagka promotion at di siya kaya ibinigay na niya para wala ng isyu pa.
"Wala ho Ma'am, sige po." Sabi nito na iniwan na siya. Alam niyang kahit na anong tanggi ng babae na wala itong problema sa kanya ay malakas ang kanyang pakiramdam na mayron nga itong problema sa kanya.
Lumipas ang mga araw ay lalong bumibigat ang pakiramdam niya sa tuwing malapit ang babae. Nakita niyang nagtatalo si Zach at ang babae kanina lang. Di na siya lumapit pa sa mga ito, alam niyang labas na siya sa kung anuman ang problema sa pagitan ng mga ito.
"Hayaan mo na yang si Yaya." Sabi sa kanya ng isa sa mga kasambahay doon nang makita ang ginawang pag irap sa kanya ni Yaya Beng kanina. Gusto niyang matawa dahil sa naiisip niya, iba kasi ang pumapasok sa isip niya ng mga sandaling iyon.
Sa kanyang palagay ay may naging relasyon si Zach at si Yaya Beng, pero mas pinili niyang ipagsawalang bahala iyon, bayad na naman siya at di naman siya habang buhay na nandun sa bahay na iyon. Isa siyang temporary fiancee ni Zach na di niya alam kung hanggang kailan ang effectivity. May nakakatipid sila ngayong nasa bahay sila ng lalaki, lahat ng gastos nilang mag iina ay sagot nito hanggang sa gatas at mga damit ng mga bata.
"Zach tama na itong mga binili mo para sa mga bata. Marami na naman yan silang mga damit." Sabi niya nang pauwe na sila. Nag aya itong mamasyal kasama silang mag iina at nauwe sa pag malling.
Masyado na itong maraming binili at ibinigay para sa kanilang mag iina, at para sa kanya ay pang aabuso na iyon sa kabutihan ng lalaki. Ayaw niyang mamulat ang mga bata sa luho at syempre ayaw din niyang isipin ng mga kasama nila na sinasamantala niya ang pagiging generous ng lalaki.
"Hayaan mo na Roan, di mo ba nakikita ang saya ng mga anak mo? look at them lalo na si Orion o." sabi pa nito na itinuro si Orion na tuwang tuwa na dala ang binili nilang laruan.
Alam niyang di naman deprived ang mga bata sa mga magagandang bagay na kagaya ng mga laruan dahil sagana ang mga ito sa kanyang pang spoiled noon. Madalas siyang bumili ng mga mamahaling laruan pag napupunta siya sa ibang lugar. Masaya siya sa tuwing nabibilhan niya ng mga kung ano ano ang mga ito.