ZION 9

1212 Words
Alam niyang kalaunan ay di naman niya kinakailangan na tiisin ang mga panghuhusga ni Beng, batid niyang mabigat ang loob ng babae sa kanya kaya sinabihan niya nalang ang tatlong bata na hanggat maaari ay iwasan nalang ng mga ito ang babae para walang gulo. Wala naman siyang masamang intensiyon sa bahay na iyon, ang pakay niya lang naman doon ay ang pagsunod sa kanilang napagkasundoan. Nakuha na niya ang pera at mapakinabangan na ng anak niya, magaling na si Apollo na tila di dumaan sa isang mapanganib na operasyon. Agaw buhay ito ng ilang araw matapos ang operasyon dahil nagkaroon ng komplekasyon sa isinagawang operasyon. At sa mga sandaling iyon ay di sila iniwan ni Zach, nasa tabi niya ito upang suportahan siya emotionally and financially, malaking pera ang kinailangan sa operasyon na kung wala siguro si Zach ay baka kung ano na ang kinahinatnan niya. "Pwede ba kitang makausap ngayon?" Basa niya sa chat ni Zach sa kanya. Mukhang mahalaga ang kanilang pag uusapan dahil ngayon lang nag chat ng ganun sa kanya ang lalaki. Maaari ding may sinabi na kung ano ano tungkol sa kanya si Beng, di naman impossible kung gagawa ng paraan ang babae para siraan siya hanggang sa magawa na siya nito na paalisin sa bahay at buhay ni Zach. Para kasing may hiwaga sa bahay na iyon, hiwaga in the since na parang may something else sa pagitan ni Beth at ni Zach. Sa kabila kasi ng edad ni Beth ay makikita mo parin ang ganda nitong taglay, alam din niyang mabait ito lalo na sa mga kapwa nito kasambahay sa kanya lang talaga mainit ang ulo nito. Di rin naman niya ito masisisi at baka nais lang nitong protektahan ang amo nito sa mga taong maaring manamantala sa kabutihan nito. Pero ipinapangako niya sa kanyang sarili na hinding hindi siya manloloko ng kapwa para sa lang sa pero, alam naman niyang consider as panloloko ang pagpapanggap niya as fiancee ni Zach. Pero serbisyo naman iyon at naniniwala siyang mabuti ang intensyon ni Zach sa pag alok sa kanya ng naturang trabaho. "Sige!" Matapos niyang mag reply ay bumaba siya, iniwan niya ang tatlong bata na natutulog. Alagain pa ang mga ito kaya nag aalala siya sa tuwing naiiwanan niya ang mga ito sa kung kani kanino. Di naman niya pwede na karay karayin sa kung saan saan ang mga ito lalo na si Apollo dahil kakaopera palang. Although unti unti ay nakaka adjust na ito at nakakapaglaro na ay may mga pagkakataon parin na hinihingal ito bigla at kinakapos ng hangin. Mahirap talaga pag nagkasakit ang anak, ayos lang na siya ang magkasakit wag lang ang tatlong anak. Para siyang mababaliw sa kakaisip at kung ano anong negative na mga thoughts ang pumapasok sa isip niya. Kaya sobrang alagang alaga niya ang mga ito, oo nga at hindi naman nanggaling sa matres niya ang mga ito pero kadugo niya ang mga ito at ang mga ito ang pinakamahalagang pangyayari sa buhay niya, nila ng ate niya. Alam niya kung gaano nito kamahal ang mga anak, kaya mamahalin niya din ang tatlo na kagaya ng pagmamahal ng ate niya sa mga anak nito. Kakayanin niya ang lahat para sa mga ito, at tamang dasal lang at tiwala sa process ni lord. Sabi nga noon ng isang pare sa isang homily, maaring di umayon sa kagustuhan mo ang lahat, pero there is something better na plan si God para sayo. You don't need to forced para lang sa gusto mo o sa ipinagdadasal mo, learn how to retreat ika nga kung alam mo na talo kana, di iyon karuwagan kundi acceptance. Oo maaring marami pa siyang pangarap para sa sarili niya, marami pa siyang gusto na marating na mga bansa. She have a choice to pursue her dreams and leave the children's to other people like Yaya para alagaan ang mga ito or to stay with them and live a simple life. And she choose the later. Mahirap lalo at bago naman iyon sa kanya pero ang tanging nag pupush sa kanya para patuloy na lumaban ay ang tatlong bata, sa tuwing pinagmamasdan niya ang mga ito ay nanunumbalik sa kanya ang mga masasayang alaala nila ng ate niya. Kung paano nito isinakripisyo ang sarili nitong kaligayahan noon para sa kanya, yung time na kung iisipin ay pwede naman siya nitong pabayaan pero hindi nito ginawa. Tiniis nito ang lahat para sa kanya at ngayon ibinabalik niya na ang sakripisyo nito para sa mga anak naman nito. Naabutan niyang nakatingin sa malayo ang lalaki at may hawak na kopeta, mukhang may bumabagabag sa lalaki. Gulat na gulat pa siya nang malaman niya ang edad nito dahil ang boung akala niya ay nasa thirty plus o nasa early forties palang ang lalaki. Sa kabila kasi ng edad nito ay napanatili nito ang kakisigan nito. Halatang alaga ang katawan nito sa exercise o kung ano ano pang mga body building activities. Di naman malinaw sa kanya kung maayos ba ang relasyon nito sa iba pa nitong mga anak, pero sabi naman ng mga kasambahay ay parehong abogado ang kambal nitong anak habang isang engineer naman ang isa pa nitong anak. Si Zandro naman ay isang architect, bukod pa sa mga professions ng mga ito ay may mga kanya kanyang negosyo pa ang mga ito. Sabi nga ni Zach e it runs in the blood na daw ng mga ito ang pagnenegosyo. Wala naman kasing yumayaman sa pagiging empleyado maliban nalang kung gagawa ka ng illegal. Sa isang negosyo ang may ari o boss ang pinakamalaki ang kita kaysa sa mga empleyado. Kahit anong trabaho na gawin ng isang empleyado ay mananatili sa minimum wage ang makukuha nito o kunting amount para sa overtime na rendered nitong trabaho sa kompanya. Same as sa government employees na naka fix ang sahod, regardless kung anong sipag at bilis mo ay pareho parin ang sahod na makukuha mo. Ang perks lang ng naging trabaho niya as flight attendant ay ang privilege na makapunta sa ibat ibang bansa ng di gumagastos, nag eenjoy din siya sa kanyang trabaho. Although di naman maiiwasan talaga sa mga working environment ang mga feeling tagapagmana ay nakakaya naman niyang i handle ang mga ito. Ginagawa niya lang ng maayos ang kanyang trabaho, di niya pinapakialaman ang trabaho ng iba. Mas effective na pangtaboy sa malas na kasama sa trabaho. Una palang ay ipinapakita na niya na di siya basta bastang makakanti ng mga ito, kahit na ng mga superiors na wala na sa lugar ang mga ginagawa. Lumalaban siya, kaya nga siguro siya tumagal sa trabaho. Kung anay ang mga ito sa buhay niya, siya naman ang pesti sa buhay ng mga ito. Di ko kailangan na tanggapin palagi ang mga bagay na nakasanayan na nila kahit mali. Minsan kailangan mo ring maging matapang na itama ang mali. "Bakit mo ako pinatawag?" Tanong niya nang makaupo na sa upoan kahit di naman siya sinabihan na umupo. "Di na ako magpapaligoy ligoy pa, gusto kitang pakasalan." Sabi nito na ikinapatda niya. Hawakan pa nga lang siya nito sa kamay ay kinikilabutan na siya paano nalang kung magpapakasal na sila? Para siyang naubosan ng hangin sa dibdib sa kanyang narinig. Para kasing hindi tanong ang sinabi nito kundi utos.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD