Ilang linggo matapos ang eksena ng pa flowers at late-night tea ni Zion ay naging maayos at normal na ulit ang buhay nilang mag asawa. Masaya naman siya sa piling nito lalo na at hindi sila boring sa bahay dahil sa malakas naman ang sense of humor ng asawa, "Baby, sama ka sa opisina." Sabi nito sa kanya. "Hah? Bakit naman ako sasama?" Nagugulohan na tanong niya dito. “Para makita mo naman kung anong ginagawa ko, hindi lang puro gandang lalaki ko lang ang nakikita mo sa’kin,” biro pa nito sa kanya. "Saan banda ang gandang lalaki? Hehe." Biro din niya. Bagamat duda siya sa pa I love you nito palagi ay nag isip talaga siyang maigi kung totoo ba ang lahat ng sinasabi nito, pero ayaw niyang umasa pa. Siguro ay makokontento nalang siya sa pagiging mabuting asawa niya. She will do everythi

