One Saturday, nagpasya si Zion at Roan na lumabas kasama ang triplets. Family day sa isang sikat na mall. Naka-stroller si Apollo dahil di ito pwedeng mapagod dahil nagkaroon ito ng problema sa operasyon nito at hawak naman niya si Orion at si Artemis naman ay hawak ni Zion, habang naglalakad ay halata sa tingin ng mga tao ang admiration towards sa kanilang pamilya. “Ang cute nila…” bulungan ng mga tao. “Si Sir Zion pala ‘yan!” “At ‘yung asawa niya… ang ganda!” dinig niyang bulong bulongan. Kahit naiilang ay pinipilit niyang ngumiti sa mga tao. Pinag aaralan niya na ang tamang pakikitungo sa mga tao, lalo na ng malaman niyang marami palang fans ang lalaki. Sabi pa nga ni Daddy Zach sa kanya ay kinakailangan na niyang masanay na makipag plastikan lalo na sa mga nagiging kliyente ng asaw

