Tahimik lang siya bang paakyat ng hagdanan hindi niya alam kung ano ang kanyang sasabihin, tahimik lang din naman kasi ito na tila ba kay lalim ng iniisip. Parang nakakailang tuloy na mag-umpisa ng conversation dito. "Mauuna na ako." Nag aalinlangan niyang sabi nang mapuna na nasa pintuan na sila ng silid na kanyang inuukupa simula nung dumating sila sa mansyon. "Our room is there!" Sabi pa ng lalaki na itinuro ang dulong bahagi ng bahay. "S-share tayo ng room?" Nauutal pa niyang tanong dito. May idea na naman siya na maaring ganun ang maging set up nila after the engagement nilang dalawa. Pero nabigla parin siya, lalo na at panay naman ang pang aaway niya dito. "Of course bukod sa mag asawa na tayo ay di pa tayo dapat na maging kampante. It's better to be safe than sorry. There

