Inihatid lang nila ng tanaw ang mag anak na lulan ng police patrol car, alam niyang hindi inasahan ng mga ito na alam na nila ang plano ng mga ito. Panay pa ang palag ng mga ito habang pinuposasan ng mga pulis kanina. Sinabihan pa ni Zion na maghanap sila ng magagaling na abogado para makapag piyansa sila. "At least you got the justice kuya." Sabi ni Zion kay Zandro. "Kaya nga e, ang tagal ko ding halos di makauwe dito dahil sa kanila." Naiiling na sabi ni Zandro. Tila napansin naman ni Zeus ang pagtataka sa mukha niya kaya nagpaliwanag na ito. "Muntik na din kasing mapikot si Kuya Zandro nung maliit na pinsan ni Hannah, nailigtas lang namin on time." Sabi nito. Napatango tango nalang siya sa kanyang narinig, alam niyang taghirap na ang buhay sa ngayon pero parang ang pangit parin na

