Naririnig niya ang harutan ng mga nasa loob ng office, lumabas kasi siya nang matapos na ang kanilang naging discussion about sa engagement party sa sunod na araw. Gusto na niyang umuwe pero mukhang wala man lang balak na magmadali na umuwe. Parang nananadya pa nga kanina na pahapyaw na sabihin sa event coordinator na fiancee niya ito. At di na siya binigyan pa ng pagkakataon pa na itama iyon dahil nag open up na ito ng tungkol sa planning sa araw ng engagement party. "Lalo ka yatang gumaganda ngayon." Sabi pa ng maharot na lalaki sa isang magandang babae na kasama nito mula sa loob ng opisina, mabait naman ang babae at kinamayan pa nga siya nang dumating ito kanina. "Gago to nang uuto na naman, pag ako sinapak ng girlfriend mo." Sabi ng babae na lumingon pa sa kanya. Parang walang wal

