Alam niyang galit ang lalaki sa labas, siya naman ay tahimik lang na naupo sa kama, patuloy sa pagdaloy ang kanyang mga luha ng mga sandaling iyon. Alam niyang isang maruming babae ang tingin ni Zion sa kanya. At ang sinabi nito bago lumabas ng pinto ang labis na nagpapagulo sa kanyang isipan. "Di ko hahayaan na maikasal ka kay Daddy, yan ang tatandaan mo. Sa akin ka ikakasal at titiyakin ko na magiging empyerno ang buhay mo sa akin! " Halata ang galit sa mga mata nito habang sinasabi nito sa kanya ang mga iyon. Alam niyang may kakayahan ang lalaki na gawin ang ganung bagay, pero wala siyang kasalanan. Di naman totoo na ikakasal sila ng ama nito pero bakit siya ang magdudusa gayong gusto lang naman niyang makatulong. Alam niyang kaya niyang patunayan na di totoo ang lahat pero maibabal

