Three

2015 Words
Charissa's Point of View "There's still one hour pa before the movie. Pwedeng let's try to ride first muna?" suhestion ni Pat pagdating namin sa harap ng cinema house. Hindi pa nagsisimula ang palabas pagdating namin dito. Ayon sa nakapaskil ay 8:00 pa ang simula nito. Lagpas 6 PM pa lang kaya't mahigit isang oras ang hihintayin namin bago makanood. Ang akala ko noong una ay sa loob ng mall kami manonood ngunit sa nakikita ko ngayon ay nasa isang peryahan kami. May iba't ibang klase ng palaruan at rides sa buong paligid. "May malapit na fish ball-an dito. We can eat there first. Hindi pa tayo nagdi-dinner," ani Song na siyang ikinangiwi ni Pat. "You mean you want us to eat that kind---Ugh? Anong name nu'n?" maarteng saad ni Pat. Napatirik naman ang mata ni Song habang nagmi-make face. "Arte." Inirapan siya ni Song. "Patty, we have no choice. Nakalimutan kong walang resto dito," saad naman ni Kris. Patricia rolled her eyes. "Fine," pagsuko niya. "Are you okay? Kanina ka pa tahimik." Napatingin ako kay Dom nang tanungin niya ako. Agad akong umiling bilang tugon. "W-Wala ito," ilang kong sagot. "You sure?" paninigurado niya. "Oo naman." Sinubukan kong maging masigla ang tono ng pananalita ko. Sa hindi malamang dahilan ay napatingin ako kay Rin sa kinaroroonan niya. Tahimik lang siyang nakatayo, isang metro ang layo mula sa amin. Agad kong nakuha ang atensyon niya kasabay ng pagsilay ng ngisi sa labi niya. Muli kong ibinaba ang tingin ko. Hindi ako mapakali sa bawat minutong kasama ko siya. He's unpredictable in every way. Mabibigla ka na lang sa gagawin niya katulad na lamang ng ginawa niya kanina. Kung hindi lang kami sasakay na sa isang jeep ay hindi niya bibitawan ang kamay ko. Nagsuhestyon kasi si Kris na huwag na lang gumamit ng kotse dahil mahirap makahanap ng parking lot sa lugar na pupuntahan namin. Labis-labis ang kabang nararamdaman ko. Akala ko ay may makakahuli sa ginawa niya. Pasalamat ko na lang at binitawan na niya ang kamay ko bago pa man may makahuli sa amin. "Ano pa ba ang hinihintay natin? Tara na! Sa ayaw sumama, maiwan dito." Tumingin si Song kay Pat, halatang siya ang pinapatamaan nito ngunit tila nagbingi-bingihan si Pat at siya pa ang unang naglakad patungo sa fish ball-an. "Manong, five more pa!" ani Pat habang itinuturo ang squid ball. Para siyang batang nagniningning ang mga mata dahil sa kinakaing paboritong pagkain. Napangiwi si Song na animo'y hindi makapaniwala sa nakikita. "Arte-arte kanina tapos ngayon, halos ubusin na ang paninda ni Manong." Masamang tumingin si Pat kay Song saka nito tinaasan ng kilay. "Are you saying something?" taas kilay na tanong ni Pat. Maang na umiling si Song. "Wala. May sinabi ba ako?" inosenteng tanong ni Song. Sarkasmong ngumiti sa kanya si Pat bago isubo ang kakabigay lang ni Manong na squid ball sa kaniya. Napangiti na lang kami nang makita nang napapikit si Pat na tila ba sarap na sarap kinakain. "A-Adrian, gusto mo?" Nawala ang ngiti sa labi ko nang makita si Kris na lumapit kay Rin na tahimik lang na pinapanood kami sa isang tabi. Ngayon ko lang napansing hindi siya nakikihalo-bilo sa amin. Nakapamulsa lang siyang pinapanood kami. Ngumiti si Rin sa kanya. "No, thanks." "Sigurado ka?" nahihiyang tanong ni Kris. Sa hindi malamang dahilan ay nakaramdam ako ng kaunting inis sa nakikita. I should be happy for Kris, right? Ngayon ay paunti-unti na siyang napapansin ni Rin. Ngunit bakit may kaunting paninikip sa dibdib akong nararamdaman sa nakikita? "Pwedeng akin na lang ang isa sa kikiam mo?" tanong ni Dom na siyang kumuha ng atensyon ko. "Sige," ngiting tugon ko. Nang kukunin niya ang stick niya sa baso niya'y bigla nitong nabitawan. "Teka, kukuha ako ng panibago." Akmang kukuha siya ng panibaging stick kay Manong nang pigilan ko siya. Tinusok ko ang gusto niyang kikiyam. "Oh." Ibinigay ko sa kanya ang stick. Akala ko ay kukunin niya sa kamay ko ngunit imbis na kunin niya gamit ang kamay ay sinalubong niya ito ng bibig. "Thank you," parang batang aniya saka ngumiti sa akin. Ako ang nahiya sa ginawa niya. Ramdam ko ang pamumula ko kaya't nag-iwas ako ng tingin ngunit muli rin akong napatingin sa kanya nang mabilis niya akong hinalikan sa pisngi. "D-Dom!" gulat kong saad. Sa halip na sagutin ay marahan lang siyang tumawa. Muli akong napalingon kay Rin at gaya nga ng inaasahan ko, nakakunot siyang nakatingin sa amin habang kinakausap siya ni Kris. Matapos naming kumain ay nag-aya si Pat na sumakay sa mga rides. Inubos namin ang natitirang oras namin sa mga game booth at rides hanggang lumipas ang dalawang oras. Agad kaming bumalik sa cinema house. Gaya nang inaasahan ay nagsisimula na nga ang palabas. Tahimik kaming nanood. Nasa kaliwa ko si Dom habang nasa kanan ko naman si Rin. Katabi naman ni Rin si Kris at Pat. Habang nasa kaliwa naman ni Dom si Song. ---- Sa simula ng palabas, may isang simpleng babaeng nagngangalang Camille Ramirez na nag-aaral sa isang publikong paaralan. Bagaman sa marangyang pamilya siya nanggaling ay mas pinili niyang maging normal ang buhay niya. Sa paaralang iyon, nakilala niya ang isang basagulerong lalaki na si Jerome Hernaez. Kinatatakutan siya ng lahat at ang binuo niyang grupo. Hindi maganda ang unang pagkikita nila. Hinahabol ng isang grupo ng kalalakihan si Jerome nang magkabanggaan sila sa isang pasilyo. Hindi pa man nakakapag-react si Camille ng hilain siya ni Jerome sa isang sulok at tinakpan ang bibig nito. Doon sila unang nagkakilala. ---- Napayakap ako sa sarili ko nang makaramdam ako ng lamig. Masyadong malakas ang air conditioner sa loob ngunit hindi ko na pinansin. Tutok na tutok pa rin ang mga tingin ko sa palabas. Hindi ko mawari ang nararamdaman ko. Pakiramdam ko ay napaka-pamilyar ang pangyayari sa palabas. Napatingin ako kay Dom ng ibigay niya sa akin ang varsity jacket niya. Napaawang ang labi ko ng ikumot niya iyon sa akin. "Nilalamig ka," aniya. "O-Okay lang. Baka lamigin ka," giit ko. Umiling naman siya sa akin. "No. Right now, you're my top priority." Hindi ako nagsalita. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Muli kong itinutok ang tingin ko palabas. Naramdaman ko na lang ang pag-akbay sa akin ni Dom ngunit hindi ko na binigyan ng tuon. ---- Nagpatuloy ang kwento sa palabas. Sa unang pagkikita nila'y may kakaiba silang naramdaman sa isa't isa ngunit hindi pinagtuonan ng pansin ni Jerome iyon. Umalis siya kaagad nang makalayo ang mga humahabol sa kaniya. Habang si Camille ay naiwang mag-isa sa kinatatayuan niya. Doon nagsimula ang kwento nila. Muli silang nagkita sa paaralang pinag-aaralan ni Camille. Sa muling pagkikita nila ay hindi maganda ang pakikitungo ni Jerome sa kaniya kahit si Camille na mismo ang lumalapit. She got bullied ngunit pa rin siya tumigil sa paglapit dito. Ewan niya sa sarili niya ngunit tila may nakikita siya sa binata na hindi makita ng iba. Pakiramdam niya'y kailangan niyang iligtas ang binata mula sa sarili nitong mundo. Kinalaunan, nahulog ang loob ng binata sa kanya at ganu'n rin siya. Naging sila. Paunti-unti ay binago ng lalaki ang sarili para kay Camille. Ngunit hindi naging madali ang lahat. Nalaman ng mga dating kaaway ni Jerome ang relasyon nila. Para makaganti man lang sa binata ay binalak nilang kunin si Camille mula sa kaniya. Isang araw, habang naglalakad si Camille sa kadiliman ng daan ay hinarang siya ng grupo ng mga kalalakihan. Dahil sa takot ay agad siyang napaatras at tumakbo palayo sa kanila. Mas lalo siyang kinain ng takot nang maramdamang sinundan siya ng mga ito. Napadpad sila sa isang kakahuyan at sa kasamaang palad ay inabutan pa sila ng malakas na ulan. Takot na takot si Camille habang lumalayo sa kanila. Basang-basa na siya't nanghihina ngunit hindi siya nawalan ng pag-asa na makalayo sa grupong iyon. ----- Napahawak ako sa dibdib ko nang magsimula itong manikip. Habang nakatingin ako sa palabas ay may isang senaryong nagsimulang mag-play sa alaala ko. "Tumakbo ka ba o dito natin sisimulan ang lahat?" Napaatras ako nang makita ang sarili kong pinalibutan ng tatlong lalaki. "H-Hansel," tanging sambit ko. Kita ko ang pagtiim bagang ni Hansel. "Stop calling me that name, b***h! Nasusuka ako sa tuwing sa bunganga ko mismo naririnig ang pangalan iyan!" "Pare, easy. Ayaw mo namang masira ang dapat sana ay magandang gabi, hindi ba?" Tumayo ang balahibo ko nang marinig ang nakakakilabot na boses ng isa pang lalaki. "Ano pa ang hinihintay mo? TAKBO!" Dahil sa takot ay agad kong iginalaw ang paa ko at nagsimulang tumakbo palayo sa kanila. "Ganyan nga, Charissa!" Nanginginig ang buong kalamnan ko habang tumatakbo papasok sa kakahuyan. Sa kalagitnaan ng pagtakbo ko ay ang pagbagsak ng malalaking patak ng ulan. Sinabayan ito ng malakas na ihip ng hangin at malakas na kulog. Madilim ang buong paligid sa loob ng isang kagubatan at tanging ang kidlat na nag-iingay sa kalangitan ang tanging nagiging ilaw sa daan. Nakita ko mismo ang sarili kong tumakbo sa kalagitnaan ng kagubatan na iyon. Nanghihina ang mga tuhod ko ngunit nagpatuloy pa rin ako sa pagtakbo. Napayakap ako sa sarili ko sa ginaw habang patuloy pa rin ang pagtakbo ko. Ramdam ko ang takot na naghahari sa buong katawan ko. Takbo lang ako nang takbo. Hindi ko maiwasang umiyak sa kalagitnaan ng pagtakbo ko. N-Natatakot ako. "BOO! HAHAHAHA!" Nawalan na ako ng balanse nang biglang lumabas ang isang lalaki sa harapan ko. Makisig ito ngunit nakakakilabot ang ngising nakaguhit sa labi niya. "PRE! NANDITO SIYA!" tawag niya sa mga kasamahan niya. Unti-unti ko namang narinig ang yabag ng mga paa at mga tawanan. "Pinapahirapan mo pa kami!" ngising sabi ng lalaking nasa harap ko. "Pero hindi naman magiging masaya ito kung walang thrill, hindi ba?" Nanginginig ang buong katawan ko dahil sa ginaw at takot na nararamdaman ko. Unti-unti siyang lumapit sa akin. Ramdam ko na rin ang dalawang taong papalapit sa akin mula sa likuran. "Buti naman at nabinguwit mo na HAHA." Kinabahan ako sa tono ng pagsasalita nila. "L-layuan niyo ako!" sigaw ko sa kanila. "Huwag ka nang magpumilit, Cha. Magugustuhan mo rin naman 'to," ani Hansel mula sa likod ko. Unti-unti silang lumapit sa akin. "H-Hansel, please! Huwag mong gawin sa akin ito," pagmamakaawa ko. Nagtiim-bagang siyang tumingin sa akin bago sumilay ang ngisi sa labi niya. "Huli na, Charissa. Masyado kang nakikialam sa buhay ko. Kung sino man ang dapat sisihin sa lahat ng ito, ikaw iyon. Sisihin mo rin ang sarili mo sa mangyayari ngayong gabi dahil sisiguraduhin kong hinding-hindi mo ito makakalimutan." Napalahaw ako ng simulan nila akong igapos. Pilit na pinapahiga sa maputik na lupa. Ramdam ko ang pagtulo ng luha ko. Pilit na ginigising ang sarili sa bangungot. Nahihirapan akong huminga. "Argh! Palaban pala 'to eh! Hahaha!" "Hindi magiging masaya kung hindi hahaha!" "Tulong! Tulungan niyo ako!" "Puta! Walang makakarinig sa atin dito! Sige, sigaw mo lang iyan! Hahahaha!" Nakatingin lang ako sa kawalan habang patuloy na nag-rereplay ang alaalang iyon sa utak ko. Mula sa pilit nilang paghiga sa akin sa putikan... Sa pagdating ni Kuya Paul... Sa isang lalaking yumakap sa akin... Sa pag-alingawngaw ng putok ng baril... Pinikit ko ang mga mata ko. Nawawalan na ako ng hininga sa sobrang paghikbi ko. Hindi ko kaya ang buong nasasaksihan ko. Nanghihina ako sa lahat ng nakikita ko. Tama na... Pakiramdam ko'y mamamatay na ako nang maramdaman ang malapot na likidong dumadaloy sa kamay ko. "H-Hindi..." "I-It's alright. It's alright. Everything will gonna be alright," bulong niya. Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin. Tumingin siya sa mga mata ko at pilit na ngumiti. "Okay na ang lahat..." mahinang bulong niya. Ramdam ko ang unti-unting pagkalma ng sarili ko. Nag-iba ang ihip ng hangin kasabay ng pag-iba ng sinaryo. Muli kong nakita ang sarili ko sa loob ng Cinema House. Napaawang ang labi ko nang makita si Rin sa harap ko. Hawak-hawak ang magkabilang pisngi ko. "Okay lang, okay lang," mahinang aniya. Napakagat ako ng labi at muling naiyak. Napalundag ko at niyakap siya ng mahigpit. "R-Rin... dito ka lang. Dito ka lang," paulit-ulit kong saad. Niyakap niya ako pabalik. "I'm always here, Charissa. Hindi ako aalis," bulong niya sa tenga ko. Now, I feel secured and protected. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD