Charissa's Point Of View
I was left dumpfounded when Rin walked towards the door. Narinig ko na lamang ang pagbukas-sara nito, tanda na nakalabas na siya habang ako ay naiwang mag-isa sa silid. Nakatingin sa kawalan habang pilit na inaalala ang lahat. Wala sa sariling napahawak ako sa labi ko. Hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang labi niya rito.
Nasapok ko na lamang ang sarili ko nang maalala ang katangahang ginawa ko. Damn! Charissa, why are you always stupid?!
"Ugh!" I groaned out of frustration. Buong gabi akong ginulo ng pangyayaring iyon ang isip ko. Sa tuwing ipinipikit ko ang mga mata ko'y siya ang una kong makikita. Pakikiramdam ko ay mababaliw na ako sa kakaisip sa kanya.
Hating gabi na nang mapatingin ako sa phone ko. Notification bell.
From Dom:
Still awake? :)
A message from Dom. Bakit gising pa siya ng ganitong oras. I signed before replying his text.
To Dom:
Oo...
Ilang saglit pa ay muling nag-notify ang message niya.
From Dom:
Can I call?
Napaisip ako kung papayag ba ako. Hindi naman masama kung payagan ko siya, hindi ba? Isa pa, hindi rin ako makatulog.
To Dom:
Sige.
Ilang segundo pa lang ang nakakalipas simula nang mai-sent ko ang reply ko ay tumunog na kaagad ang phone ko.
Dom is calling...
Walang alinlangan ko itong sinagot.
"Hey," he said huskily. Ang gwapo ng boses niya kahit sa tawag. Kung isa lang ako sa mga tagahanga niya'y baka naglumpasay na ako sa kilig dito. Alam kong maraming gustong mapunta sa kinatatayuan ko. I should be thankful.
"Hi," naiilang tugon.
"Hindi ka rin makatulog?" tanong niya sa akin.
"Oo."
"Ganu'n rin ako..."
Ilang segundo kaming natahimik. Tila ba wala kaming mapag-usapan.
"I don't know what to say." Marahan siyang tumawa.
"Bakit gising ka pa?" Ako na ang nagtanong sa kanya.
"I don't know. Maybe someone is thinking of me right now," aniya. "Iniisip mo ba ako?"
"A-Ano?"
"Kidding. Baka ako lang ang umiisip sa iyo."
"Huh?" Napatanga ako. Hindi ko maintindihan ang pinagsasabi niya.
"Sabi kasi nila, if you can't sleep at night, it means someone is thinking of you." Natigilan ako sa sinabi niya.
Ibig bang sabihin ay gising pa si Rin dahil iniisip ko siya? Nasapok ko ang sarili ko nang pumasok sa isip ko ang ideyang iyon.
"Are you still there?" Bumalik ako sa reyalidad nang muling magsalita si Dom sa kabilang linya.
"O-Oo," utal kong tugon.
"Gusto mong kantahan kita para makatulog?" suhestyon niya.
"P-Pwede ba?" ilang kong tanong. Naging tahimik ang kabilang linya ngunit ilang segundo lang ang lumipas ay muli kong narinig ang himig ng boses niya.
"Kung tayo ay matanda na
Sana'y di tayo magbago
Kailan man
Nasaan ma'y ito ang pangarap ko~"
Napangiti ako sa lamig ng boses niya. Hindi siya singer gaya ng iba ngunit may tono ang boses niya.
"Makuha mo pa kayang
Ako'y hagkan at yakapin, ooh
Hanggang pagtanda natin
Nagtatanong lang sa iyo
Ako pa kaya'y ibigin mo
Kung maputi na ang buhok ko?~"
Ipinikit ko ang mga mata ko't dinama ang boses niya.
"Pagdating ng araw
Ang 'yong buhok
Ay puputi na rin
Sabay tayong mangangarap
Ng nakaraan sa 'tin~"
Suddenly, nakaramdam ako ng antok.
"Ang nakalipas
Ay ibabalik natin, hmmm
Ipapaalala ko sa 'yo
Ang aking pangako
Na ang pag-ibig ko'y laging sa 'yo
Kahit maputi na ang buhok ko...
Kahit maputi na ang buhok ko~"
Matapos niya akong kantahan ay naging tahimik ang kabilang linya.
"Maybe I am not the guy you see in your future right now. Just maybe... Maybe not now but soon." Bumuntong hininga siya bago nagpatuloy. "Sana darating ang araw na makikita mo ako bilang isang lalaking maghihintay sa 'yo sa altar."
Napaawang ang labi ko. I don't know what to say. I feel the guilt. I can't promise him anything. Wala akong kayang ibigay sa kaniya habang siya ay halos ibuhos sa akin ang atensyon niya.
"Good night, Charissa."
"Good night," mahinang tugon ko bago ipikit ang mga mata ko. Kinalaunan ay dinalaw din ako ng antok.
---
Unti-unti akong napadilat nang maramdaman ang mga patak ng tubig na tumatama sa mukha ko. Napaawang na lamang ang labi ko nang makita kung saan ako. Kinalaunan ay napasigaw nang mapagtanto ko kung ano ang sitwasyon ang kinatatayuan ko ngayon.
Nakahawak ang isang kamay ko sa gilid ng tulay. Ramdam ang pagkakabitin ng katawan ko sa ere. Napalunok ako nang makita ang malakas na agos ng ilog na sana'y babagsakan ko kung mahuhulog man ako rito.
"Waah! Tulong!" Naiiyak kong sigaw. Bumibigay na ang kamay ko hanggang tuluyan nang bumitaw ang kamay ko.
"Aahh!"
"Damn!"
Napadaing ako nang maramdamang parang hinatak ang kamay ko. Paglingon ko sa taas ay meron nang isang kamay na nakahawak sa kamay ko.
"Damn... Damn! You're f*****g heavy!"
Pagkarinig ko pa lang sa boses niya'y parang tumigil ang oras ko. Bumilis rin ang pagtibok ng puso ko. Akmang lilingunin ko ang lalaking may hawak sa akin nang biglang bumigay ang gilid ng tulay kasabay nang pagdausdos ng kamay ko. Napapikit na lamang nang salubungin ako nang malakas na agos ng tubig.
Hindi ko magawang makahinga nang sumabay na ako sa agos ng tubig. Hindi ko maiwasang hindi makainom rito. Ang iba pa ay pumasok sa ilong ko. Nawawalan na ako ng hangin. Huli na nang maramdaman kong nandidilim na ang paningin ko.
Nagising na lamang ako nang maramdaman nawawalan ako ng hangin. Agad akong napabangon at nilabas ang tubig na bumabara sa lalamunan ko. Napaubo ako habang hinahabol ang hininga ko.
"f**k!" The guy cussed. Hindi ko siya binigyang tuon. I almost died!
"f**k! Kung gusto mong patayin ang sarili mo, doon sa lugar na walang makakakita!" galit niyang sigaw. Ibinagsak niya ang sarili niya sa damuhan, sa mismong harap ko.
Napatingin ako sa mukha niya. Nakapatong ang braso niya sa mga mata nito. Tanging ilong at labi lang niya ang nakikita ko ngunit masasabi kong magandang lalaki siya. Gaya ko ay hinahabol din niya ang hininga niya.
"S-Salamat," pasalamat ko. Agad naman siyang bumangon. Dahil nakatalikod siya sa akin ay hindi ko makita ang mukha niya.
"Hindi ko binuwis ang buhay ko para lang sa isang salamat lang," naiiritang sabi niya.
Napalunok naman ako. "A-Anong gusto mong gawin ko?"
"Sisingilin kita kapag gusto ko na." Tumayo siya 'saka nagsimulang maglakad palayo sa akin. Habang ako ay naiwang nakaawang ang labi. Ilang segundo bago ako nakabalik sa sarili.
"T-Teka!" pigil ko sa kanya. Agad akong tumayo.
"A-Anong pangalan mo?" tanong ko na siyang ikinatigil niya.
Bumilis ang pagtibok ng puso ko nang makitang unti-unti siyang lumingon sa akin at...
-----
"Wake up, sleepyhead."
Unti-unti kong binuksan ang mga mata ko. Nagising ako na unang bumungad sa akin ang nakakunot na noo ni Rin. Agad akong napabangon.
"A-Anong ginagawa mo dito?" takang tanong ko sa kanya. Sa halip na sagutin ay tanging senyas lang ang itinugon niya sa akin. Napatingin ako sa side table ko. Ganu'n na lamang ang panlalaki ng mata ko nang makitang 20 minutes na lang ay magsisimula na ang klase!
"I'll give you 5 min to fix yourself," malamig niyang ani bago tunguhin ang labas.
Dali-dali naman akong nagtungo sa CR. 5 minutes are not enough for me! But I have no choice! Bakit ba kasi late na akong nagising?! Kasalanan niya ito!
Pakiramdam ko'y malagkit pa rin ang pakiramdam ko nang sumakay ako sa kotse ni Rin. Pumapatak pa ang buhok ko. Hindi ko na nagawang patuyuin sa pagmamadali. Nagawa ko ngang mag-ayos sa loob lang ng limang minuto ngunit mukha naman basang sisiw ang kinalabasan ko. Ramdam ko ang masamang tingin sa akin ni Rin. Tila ba hindi gusto ang nakikita.
"It's better late than being on time with that look," sarkasmong anito. Ramdam ko naman ang pag-init ng pisngi ko. Agad akong nag-iwas ng tingin. Lalo na't bumalik na naman sa alaala ko ang nangyari kagabi.
"Don't move."
Nang lingunin ko siya ay bumungad sa akin ang isang medyo may kalakihang towel. Napaawang ang labi ko nang simulan niyang patuyuin ang buhok ko. Walang kagana-gana ang mukha niya habang ginagawa niya iyon.
Sa hindi malamang dahilan ay muli na namang nagwala ang puso ko. Napansin niya ata ang pagtitig ko sa kanya dahilan para ibato sa akin ang towel.
"Dry yourself," walang ganang aniya bago pinaandar ang kotse. Tumingin naman ako sa labas. Alam kong pulang-pula na ako ngayon at ayokong makita niya iyon. Ayokong makita niya kung gaano ako naaapektuhan sa tuwing nasa paligid siya.
Walang kaming kibuan hanggang makarating kami sa campus. Wala sa sarili kong tinahak ang hallway papunta sa pangalawang klase ko. Mukhang late na naman ako. Nakakahiya naman kung papasok.
Napasinghap ako nang may yumakap sa akin mula sa likod. Ipinatong niya ang ulo niya sa balikat ko.
"Hindi mo sinabi sa akin na sa bahay nina Adrian ka umuwi," may pagtatampong tonong anito. Sa boses pa lang niya'y alam kong si Dom ito. I feel guilty somehow.
"S-Sorry, nakalimutan kong sabihin," naiilang kong tugon. Kumalas ako sa pagkakayakap niya't humarap dito. Bumungad sa akin ang bagsak nitong balikat.
"It's not like I want you to tell everything you do to me but..." He sighed before continued.
"We're now in a relationship and... And a-alam mo na---"
"Naiintindihan ko," I cut him off. Naiilang akong tumingin sa kanya.
"I-I'm sorry. Sa susunod ay sasabihin ko na kung saan ako pupunta."
Ang bagsak niyang balikat ay agad na napalitan ng saya. Napangiti siya agad sa narinig.
"Thank you." Marahan siyang tumawa saka ginulo ang buhok ko.
"I have to go. Pumunta lang ako dito para makita ka," paalam niya. He gave me a quick kiss on the lips that made me startled before he ran in a hurry. Habang ako ay naiwang nakatulala sa kinatatayuan ko.
Akala ko ay magiging maayos ang buong araw ko ngunit hindi pa pala. Mag-uuwian na nang mang-aya si Kris na manood ng sine. Hindi na ako nakatanggi. Sa dinami-dami ng iniisip ko ngayon ay gusto kong magkaroon ng peace of mind kahit sandali lang. Masaya kaming lumabas ng sabay-sabay ngunit natigilan kami nang makita ang pamilyar na pigurang nakatayo sa harap ng klase.
Napalunok ako nang makitang si Rin ito.
"A-Adrian, what are you doing here?" mahinhing tanong ni Kris. Matamis na ngumiti sa amin si Rin, bagay na minsan lang niyang gawin.
"Sinusundo ko ang pinsan ko." I doubt that!
"W-We're going to watch sana pero okay lang kung uuwi na kayo---"
"Where? I'm going with you."
Hindi ko gusto ang ideyang iyan!
"R-Really?" galak na tanong ni Kris. Of course, sino ang hindi matutuwa kapag magkaroon ka ng pagkakataong makasama ang taong gusto mo?
"Yeah."
I want him to be sweet sometimes. Ngunit hindi ko gusto ang ipinapakita niya ngayon. Rin is not like this.
"Hey!"
Napatingin kami sa bagong dating. Si Song at Dom lang pala.
"Dom, Song! Gusto niyong sumama?" aya ni Kris.
"Saan ba?" tanong ni Song.
"Sinehan--" Bago pa man matapos ni Kris ang sasabihin ay siniko siya ni Pat.
"What?" taas kilay na tanong ni Kris. Pinaglakihan siya ng mata ni Pat. Halatang ayaw makasama si Song.
"Game ako kahit saan," ngising ani Song.
Rinig ko ang pagbuntong hininga ni Pat. Tila ba sumusuko na't ayaw makipagbangayan.
"Let's go!"
Napatingin ako kay Dom nang akbayan ako. Sa hindi malamang dahilan ay nakaramdam ako ng kaba. Hindi ko na nilingon si Rin. Alam ko na sa mga oras na ito ay matalim na naman siyang nakatingin sa amin. Kung nakakamatay lang ang tingin niya ay baka naliligo na kami ni Dom sa sarili naming mga dugo.
"Tara na!"
Tahimik naming tinahak ang labas ng campus. Nangunguna sina Song, Pat at Kris habang nakasunod naman kami ni Dom. Nasa Likuran naman namin si Rin na hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin mga titig niya sa amin.
Bumilis ang pagtibok ng puso ko nang maramdaman ang isang kamay sa kaliwang kamay ko. Awtomatikong nanlaki ang mga mata ko nang makita si Rin na sumabay sa paglalakad sa amin. Wala pa ring gana ang mukha niya gaya nang dati ngunit nang lingunin ako ay sumilay ang ngisi sa labi niya. Nagtagal iyon ng ilang segundo bago nagpatuloy sa paglalakad na tila walang nangyayari.
Ramdam ko ang pagpisil niya sa palad ko mula sa likod habang naglalakad kami.
Ngayon ay tila naging mas komplikado na ang sitwasyon. Ngayon ko lang napagtanto kung gaano kahirap maipit sa ganitong sitwasyon.
Nakaakbay sa akin si Dominique while Adrian is holding my hand secretly.