Charissa's Point of view
Wala sa sarili akong humakbang palayo sa kanya. Akala ko ay matutumba ako sa sahig dahil sa panginginig ng tuhod ko. Sa kabutihang palad ay hindi nangyari iyon. Pansin ko naman ang mas lalong paglaki ng ngisi sa labi niya. Tumayo siya ng tuwid saka nilagay ang kamay sa bulsa niya.
"Your lips tasted like the first time I kissed you. Too sweet yet addictive," he said in his husky voice. I stayed in silence. Ilang saglit pa ay iginalaw niya ang mga paa niya patalikod sa akin. He was about to walk away when I asked him.
"A-Aalis ka na naman ba?"
Parang gusto kong sapukin ang sarili ko sa tanong! I am too stupid to questioned him as if I want him to stay! Really? Pagkatapos ng nangyari kanina ay nagawa ko pa siyang tanungin ng ganu'ng klaseng tanong.
Natigilan siya ngunit hindi lumingon sa akin. I know he has his famous smirk in his lips again kahit hindi ko pa man nakikita ang mukha niya.
"Why? Do you want me to stay?" mapaglarong tanong niya sa akin. Hindi ako tumugon. Ano ba ang dapat kong sabihin?
Walang gana siyang lumingon sa akin.
"You don't have to ask me that if you don't want me to stay, Charissa. Dahil kung ako ang pagpipiliin, I will always keep my eyes on you to make sure that no one will dare steal you from me."
Natulala ako sa sinabi niya. Para bang dinaanan ng ilang libong boltahe ang buong katawan ko sa narinig. Muli niyang itinuon ang tingin niya sa harap niya bago muling magsalita.
"I already broke my rules for this, Charissa. At kapag gusto ko ang isang bagay, walang kayang pumigil sa akin na kunin ang bagay na iyon. Kahit sabihin pang meron nang nagmamay-ari rito."
Para akong tatakasan ng hininga sa huli niyang sinabi bago niya tunguhin ang labas.
"Anyway, sa akin pa rin ang bagsak mo whether you like it or not."
Wala sa sarili akong naupo sa gilid ng kama ko. Napahawak ako sa dibdib ko na ayaw pa ring kumalma hanggang ngayon.
Adrian, what did you do to me? Bakit ganito nalang ang epekto mo sa akin?
Days after...
"Guireno, could you answer the number seven?" tanong ng Math Prof. namin na siyang ikinabalik ko sa reyalidad. Agad akong napatayo at natatarantang tumingin sa harap. Napatingin naman ang lahat sa akin. Ang iba ay rinig ko ang marahan nilang pagtawa.
"P-Po?" wala sa sariling tanong ko.
Tinaasan niya ako ng kilay ngunit ilang saglit pa ay naging seryoso ang mukha.
"If you're not interested in my class, you're free to leave this room kaysa sa buong klase kang tulala diyan sa upuan mo!"
Napapahiya akong napayuko ng marinig ang tawanan ng mga kaklase ko.
"I'm sorry, Sir. Hindi na mauulit."
"You should be. Baka sa detention ang sunod mong bagsak. Nakakahiya naman at sa harap pa kayo ng mga kaibigan mo umupo," pamamahiya pa niya dahilan para kumunot ang noo ni Kris na nasa tabi ko lang.
"Sorry po ulit," paumanhin ko bago muling naupo sa inuupuan ko.
"Pigilan mo ako at susugurin ko 'tong baklang ito," bulong ni Kris sa akin. Sinenyasan ko naman siyang huwag nang magbigay reaksyon. Baka hindi lang detention ang abutin namin kapag nagkaroon ng gulo rito.
"Charissa, you're spacing na naman. Nag-sleep ka man lang ba last night?" tanong sa akin ni Pat matapos ang dismissal namin.
"O-Okay lang ako," sabi ko habang inaayos ang mga gamit ko.
"You're always nakatulala na lang," nag-aalalang sambit niya.
"Okay lang talaga ako, promise," giit ko. Pilit akong ngumiti sa kaniya. I'm okay for now. Ngunit hindi na sa tuwing nasa paligid lang si Adrian.
Napatingin ako kay Kris ng akbayan niya ako. "Charissa, can I come to your home? Is my Adrian there?"
Natigilan ako sa tanong ni Kris. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung bakit gustong-gusto niya si Rin. Yes, he's handsome, talented, he has the name and the fame but his attitude? Napakalayo sa pantasya ng mga babae.
Ungentleman, he doesn't care about his sorrounding, a selfish one, always poker face, rude and most of the time, he's a man with a few words. Sinong matinong babaeng magkakagusto ru'n? O ako lang talaga ang bulag dito at hindi ko makita ang mga bagay na kamangha-mangha sa lalaking iyon?
Ngayon ko lang napansing halos ipatay na siya ng mga babae dito sa tuwing naririnig man lang nila kahit pangalan lang niya.
"Charissa? Uy!" tawag sa akin ni Kris ng mapansing nawawala na naman ako sa reyalidad. Agad akong umiling sa kanya.
"Hindi siya natutulog doon. Minsan lang din siya sumusulpot sa unit," tugon ko.
"Why?" pagmamaktol ni Kris. "Ilang araw na pero wala pa ring paramdam sa 'kin."
"And who are you naman para magparamdam siya sa iyo? You're just one of his obsessed admirers," mapang-asar na singit ni Pat.
"Could you just shut up, girl, if you can't support me," nakasimangot na sabi ni Kris.
"Girl, I do want to support you in everything but not this. Feel kong you'll be failed na ma-notice ka man lang niya."
"Huwag kang magsalita ng tapos," ngusong giit ni Kris.
"Whatever."
Ilang araw na ang lumipas mula nang huli ko siyang nakausap sa unit. Pagkatapos nang gabing iyon ay hindi na siya muling sumulpot sa unit. Minsan lang din kami magkita dito sa campus dahil hindi naman araw-araw ang klase ng subject na pareho kami.
Sabay-sabay kaming nagpunta sa cafeteria nina Pat at Kris para mag-lunch. Gaya ng inaasahan ko ay sumabay ulit sa amin si Dom na mag-lunch.
"Dom," saway ko sa kanya nang mapansing halos lahat ng laman ng lunch niya ay nilalagay sa kinakain ko.
"Kain ka pa," nakangiting sabi niya habang pinapanood akong kumakain.
"Paano ko uubusin ito?" reklamo ko. Sa paglipas ng panahon ay nagawa kong maging komportable sa kanya. Nasanay na akong lagi siyang nasa tabi ko kaya't ang dating nararamdaman kong hiya ay nawala na.
"Subuan mo ako," parang batang sabi niya sabay buka sa bibig. Ramdam ko naman ang pag-init ng pisngi ko.
"You're blushing." Marahan siyang tumawa. Kinuha ko naman ang sandwich sa tray ko at nilagay sa bibig niya.
"E-Ewan ko sa 'yo! Kumain ka nga!" iwas tinging saad ko.
Napatingin ako sa dalawa nang tumikhim sila ng sabay.
"Pwede bang less sweet muna sa tuwing kasama niyo kami?"
"Yeah, it makes me p**e sometimes nga eh," saad naman ni Pat kay Kris.
"Sorry girls," paumanhin ni Dom.
Napatingin ako sa cellphone ko nang bigla itong tumunog.
From Adrian:
How sweet...
Kinabahan ako nang makita ang pangalan ni Adrian sa screen ko. Agad akong napatingin sa buong paligid ngunit ni anino niya ay hindi ko mahagilap. Muli akong napatingin sa phone ko nang muli itong tumunog.
From Adrian:
Are you looking for me?
"Okay ka lang?" Napatingin ako kay Dom ng magtanong ito.
"Sinong ka-chat mo?"
"W-Wala," giit ko. Napatingin ulit ako sa phone nang muli na namang tumunog ito.
From Adrian:
I told you to keep distance.
Behave, woman. If you don't want to be punished.
Napalunok ako sa huling message niya. Bigla akong nakaramdam ng kaba sa nabasa. Agad kong itinago ang phone at nagpatuloy sa pagkain.
Matapos ang buong klase ay wala pa rin ako sa sariling naglakad patungong labas. Nag-text kasi si Dom sa akin na may klase pa siya kaya't hindi niya ako maihahatid.
Malapit na ako sa gate nang napansin ang pamilyar na itim na kotse sa hindi kalayuan. Naka-park ito sa mismong gate ng exit. Napalunok naman ako nang makita si Rin na nakasandal sa gilid nito. Walang gana siyang nakapamulsa habang nakatingin sa akin.
Huli na para sa akin ang bumalik nang matunugan niya ako.
"Where do you think are you going?" tanong niya sa akin. Kinakabahan akong lumingon sa kanya.
"M-May nakalimutan ako." Napakagat labi ako nang mapansin ang utal kong boses.
"Liar," walang gana niyang sambit. Binuksan niya ang pinto ng front seat saka sinenyasang pumasok. Mariin naman akong napapikit bago sumunod sa kaniya na parang maamong tuta.
Tahimik ang lahat habang nagmamaneho siya. Napansin kong iba ang tinatahak naming daan kaya't hindi na ako nag-atubiling magtanong.
"S-Saan tayo papunta?" takang tanong ko.
"Home. Mom wants to have a family dinner with you," malamig niyang tugon. Tumango na lang ako at hindi na muling nagtanong pa.
Makalipas ang ilang minuto ay dumating na kami sa bahay ng mga Guireno. Agad akong sinalubong ni Tita pagkakita pa lang sa akin.
"Hija, buti at nakarating ka? Halika."
Hindi na ako tumutol nang hilain niya ako patungong dining habang si Rin ay tahimik na sumunod sa amin. Nadatnan ko roon sina Kuya Kin, Kuya Andrei at Tito Karlos. Kasama na rin si Manang na naghahanda ng makakain. Agad kong nakuha ang mga atensyon nila.
"Charissa!" tuwang-tuwang sambit ni Kuya Kin sa pangalan ko.
"Naku! Charissa, ikaw na ba 'yan?" nasasabik na tanong ni Manang dahilan para maasiwa.
"H-Hindi naman po ako nawala ng ilang taon," naiilang kong sambit.
"Hindi ba pwedeng nangulila ako sa alaga ko?" biro ni Manang.
"Yeah, I missed her too," singit naman ni Kuya Kin. "Couz', dito ka sa tabi ko."
"Charissa, magkwento ka naman. Naging maganda ba ang unang araw mo sa nilipatan niyo?" tanong sa akin ni Kuya Andrei sa gitna ng katahimik. Sa tagal ng panahon ay ngayon lang ulit kami naging kompleto sa hapagkainan.
"O-Okay naman," naiilang kong tugon.
"Don't starve yourself, Hija. Every week, may nilalagay akong luto doon at mga food supplies para sa tuwing hindi niyo kayang magluto ay meron kayong kakainin," ani Tita.
"Opo." Pilit akong napangiti.
"Kamusta naman ang pananatili mo kasama ang pinsan mo? Is he giving you a hard time?" muling tanong ni Tita.
Hindi lang hard time ang ibinibigay niya sa akin.
"Sigurado 'yan," singit ni Kuya Kin dahilan para mapatingin sa kanya ang lahat.
"H-Hindi naman po," agad na tugon ko.
"Make it sure, Hija. Baka binibigyan ka niya ng sakit sa ulo," biro ni Tita.
"I'll act like I didn't hear it," sarkasmong sambit ni Rin habang tahimik na kumakain. Napaiwas ako ng tingin ng sumulyap siya sa kinaroroonan ko ng ilang sandali.
"By the way, Charissa. Kaya kita pinapunta rito ay para ipaalam sa iyo ang nalalapit na debut mo," ani Tita.
"Po?" gulat kong tanong. Debut? Malapit na pala ang birthday ko.
"Yes at mawawala kayo ng dalawang linggo sa school dahil pupunta tayo sa isang island para paghandaan iyon. Isang linggo na lang at aalis na tayo," masayang tugon niya.
Napalunok ako sa narinig. "T-Tita, hindi naman kailangan eh. A simple celebration will do---"
"Oh, hija. Ito ang gusto ng Lolo Henry mo, para maipakilala ka rin niya as the youngest Guireno."
"P-Pero paano po ang studies namin? Sa isang linggo nalang ay magti-take na kami ng exam---"
"You don't have to worry about that. Nakausap na namin ang mga Prof niyo at pumayag sila na magkaroon kayo ng special exam. Don't worry, imbitado naman ang mga kaibigan mo pero kailangan muna nilang tapusin ang exam bago sila makasunod," paliwanag ni Tita.
Hindi ko na nagawang magsalita pa. Makalipas ang ilang minuto ay natapos na rin ang dinner.
"Gabi na, dito ka muna matulog," turan ni Tito.
"S-Sige po," naiilang kong sabi.
Tahimik kong tinahak ang hagdanan patungong silid ko. Nasa ikalawang palapag na ako nang biglang may humawak ng braso ko at hinila ako patungo sa kwarto ko.
"R-Rin?!" gulat kong sambit sa pangalan niya nang makapasok na kami sa silid ko. Hindi ko inaasahan ang sunod niyang ginawa.
Hinawakan niya ang batok ko saka siniil ng halik sa labi. Hindi ako makagalaw nang magsimulang gumalaw ang labi niya sa akin hanggang maramdaman ang dila niyang gustong pumasok sa loob ng bibig ko. Para akong nalulunod sa mga halik niya. Kinalaunan ay hinayaan ko siya sa ginagawa niya.
Naglakad siya paabante dahilan para mapaatras ako. Naramdaman ko na lamang ang pagbagsak namin sa kama. Ipinagtuloy niya ang paghagkan sa mga labi ko. Nagsimulang maglakbay ang kamay niya mula laylayan ng T-shirt ko hanggang maramdaman ang pagpasok nito sa loob. Ramdam ko ang marahan niyang paghaplos sa puson ko habang ipinagpatuloy ang paghalik sa labi ko.
Ilang segundo pa ang lumipas ay lumayo siya sa akin at ngumisi na tila ba natatawa sa nakikita.
"This is supposed to be punishment. Did you like it?" mapang-asar na tonong aniya.
Para akong binuhusan ng malamig na tubig at bumalik sa reyalidad.
For the nth time, parang gusto kong lamunin na lang ng lupa dahil sa nangyari.