Chapter 38

1627 Words

"Grabe asa Pilipinas na nga tayo ramdam na ramdam ko na ang init 'e," napapailing na komento ni Rose nang nakababa na sila ng private plane at nakatayo sa may labas ng airport na pagmamay-ari ni Timothy. "Sinabi mo pa pero namiss ko rin ganitong init," natatawang sabi niya nakahawak sa kanya si Theon habang si Timothy ay may kinakausap sa cellphone nito. "Ako rin pero mas gusto ko ang init na nabibigay ng lalaki, kaysa sa panahon," natatawang hirit ni Rose. Nanlaki naman ang kanyang mga mata at mabilis na tinakpan ang tenga ni Theon. "Oy, ang bibig mo, day! May bata," bulalas niya at pinanlakihan ito ng mga mata. "Lagyan mo na kasi ng headset ang tenga ni Theon at para rin maaliw siya," natatawang sabi ni Rose sa kanya. "Baka mabingi na siya mula pa kanina na headset iyan 'e,"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD