"Grabe, mare! Hindi talaga ako makapaniwala na nagkaroon ako bigla ng bakasyon!" bulalas ni Rose nang magkita na sila sa may airport. Oo nasa airport na sila babayahe sila pa Pilipinas. "Mabuti nga't pumayag si Timothy na isama ka namin," aniya sa kaibigan at napangiti nakahawak sa kanyang kamay si Theon. Oo kasama nila ang bata. Kahapon pa lang ay excited na ito, kahit siya rin naman dahil matagal din siya hindi nakauwi sa kanyang bayan. "Oo nga, hindi lang pala gwapo at matcho si Caption kundi mabait pa! Ang swerte mo ale, huwag mo na pakawalan iyan, at tignan mo naman ang gwapo-gwapo ng anak," hyper na sabi ni Rose at tumingin kay Theon na ngitian rin naman kaagad ito. Hinhintay nila ang dalawang lalaki, sa palagay niya ay mag-private plane sila kasi sa ibang bahagi sila ng airp

