She sighed. Maaga pa lang nasa labas na ng apartment niya si Dion. Tinulungan siya nito sa mga gamit niya na dadalhin niya sa bahay ng boss nila.
"Paano kayo nagkakilala ni Kuya Dominekk?" untag ni Dion habang nasa daan na sila.
Marahas sya napabuntong-hininga. "By accident lang.."
"Gaya ng ano?"
Mausisa ang isang ito pero ayos lang sa kanya gusto din naman niya may makausap.
Wala syang kaibigan dahil nga mababa ang tingin ng lahat sa kanya dahil sa pagtatrabaho niya sa Club.
"May humahabol sakin na holdaper tapos sumakay ako sa sasakyan niya.."
Napalingon ito sa kanya. "Talaga?! Mabuti hindi ka nasaktan?"
"Hindi naman,marunong naman ako magself-defense kahit papaano at saka isa pa lagi night shift ang duty ko.."
"Ano ba ang work mo before?" muli nito usisa.
"Waitress ako sa isang Club.."
Napalingon sa kanya ang lalaki. Pero wala siya nakikita pang-lalait sa mukha nito.
"Ganun ba..mas mabuti kung sa poder ka ni Kuya Dominekk mapunta..mas safe at secured ka.." anito na binuntutan pa ng pagkindat.
Yun nga eh,hindi niya alam kung safe nga siya sa lalaking iyun.
He's a seducer. Alam niya yun hindi man manyak ang dating nito sa pagtitig sa kanya alam niya na naaakit ito sa kanya.
Why so confidence,Lyn?
Hindi ba? Aware siya na ang pisikal anyo niya ay madaling makakuha ng atensyon ng isang lalaki.
She sighed.
"Huwag kang mag-alala,wala pa siyang girlfriend ..kailanman hindi siya nagkanobya.." pukaw nito sa kanya.
Hindi siya interesado malaman yun,sa karakas naman ng lalaki iyun alam niyang hindi ito nakikipagrelasyon ng seryoso.
"May isang babae na patay na patay sa kanya,si Clarisse..gabi-gabi nasa Bar siya,bantay-sarado niya si Kuya Dominekk.." bigla ang paglukot ng mukha nito. Disgusto sa babaeng tinutukoy nito.
Okay,nakuha niyun ang atensyon niya.
"Ex ba niya na gusto siya balikan?"may pait niya saad.
Ugh,what's wrong with you,Lyn?
"Hindi..hindi siya type ni Kuya Dominekk..kahit ako hindi ko papatulan yun,sobrang arte,clingy at higit sa lahat kung makaasta akala mo may relasyon sila ni Kuya Dom..lahat ng babae na makita niya kausap ni Kuya Dominekk sigurado gulo ang mangyayari.. Warfreak din ang isang yun!"
Alright,sanay na siya sa ganun mga babae. Marami na nanakit sa kanya. Kaya kung sakali man na pagsuspetsahan siya ng Clarisse na iyun. Well,Huh,hindi siya papatalo sa Clarisse iyun.
Hep! Bakit nag-aasume ka na mangyayari yun? Gusto mo bang pagkamalan ka na may relasyon kayo ng boss mo? sita ng isip niya.
Well,maganda na ang handa noh. Sagot niya sa kanyang isip.
Ang sabihin mo,baka type mo ang boss niyo!
Umangil siya at nagtataka naman napalingon sa kanya si Dion.
Nahihiya nginitian niya ito.
"Uh,may naisip lang ako nakakainis.."pagdadahilan niya.
" Ah okay..ganyan din ako lalo na kapag nakikita ko pa yung kinaiinisan ko!"
Nakangiti na tumango siya rito.
Sana lang maging maganda na ang susunod na araw niya.
Masasanay din siya sa boss niya mukhang Ewan...na gwapo.