Wala ang lalaki nang dumating siya sa bahay nito. Ngayon lang din niya nakita ng maayos ang buong kabahayan. Hindi biro ang mga kagamitan. Lahat ay pumapatak sa libong-libo halaga. Sabagay,mayaman naman siya eh. "Sandali?"pigil niya kay Dion nang aakyat ito sa hagdanan bitbit nito ang maleta niya. " Bakit?" "Sa taas mo dadalhin ang maleta ko? Wala bang kwarto dito sa baba?" "Sabi ni Kuya Dom,sa taas daw ang silid mo...saka wala siya kwarto dito sa baba.." anito at nagpatuloy na sa pag-akyat. Alright,mukha talagang secured sa lugar na ito. Nang makaalis si Dion,sinimulan na niya ang paglipat sa mga gamit niya sa isang closet. Malaki yun at maluwag. Bigla tuloy nahiya ang damit niya na iilan piraso lang ang meron siya. Namangha pa siya nang pumasok siya sa banyo. Malinis at malaki di

