Hindi siya matatakutin na tao. Pero hindi sa mga oras iyun. May limang lalaki na malalaki ang katawan ang nakabantay sa kanya at nasa luma at sira bakante sila ng gusali naroroon. Kinidnap siya! May kumidnap sa kanya! Pinilit niya makawala sa pagkakagapos sa kanya sa may upuan pero napapangiwi siya dahiL sa higpit niyun. "Pakawalan niyo ako! Sino ba kayo?!" sigaw niya sa mga ito na abala sa pagbabaraha. "Sino may pakana nito?!" muli niya sigaw sa mga ito. Bored na nilingon siya ng limang lalaki. "Alam mo,Miss..tumahimik ka lang dyan..parating na ang may pakana nito.." May kutob na siya kung sino?! Malakas ang pakiramdam niya na siya ang nagpakidnap sa kanya. Lalo lamang niyun pinatunayan ang hinala niya ng makita ang babae kapapasok lang. Clarisse! Agad na nagsitayuan ang lim

