Masaya at madamdamin iyun ang unang buwan nila pagiging magkasintahan na may kasama ng pag-ibig. Ngayon araw ang 1st monthsary nila ni Dominekk. Kaya naman bago magdilim bumili siya ng lulutuin niyang adobo baboy na paborito ng binata. Naiinis pa nga siya dahil nasabay siya sa maraming tao at isang oras ata ang hinintay niya bago nakwenta ang mga pinamili niya sa cashier. Dalawang plastic ang bitbit niya pagkalabas ng grocery store at dahiL rush hour na mahihirapan na siya makasakay ng taxi dahiL una-unahan na. Nyemas naman,bakit ba kasi hindi na lang siya umaga namili?! Naisip niya lakarin na lang niya. Hindi naman kalayuan ang kinaroroonan ng bahay ni Dominekk ang store. Mabigat nga lang ang bitbit niya. May oras pa naman siya para makapagluto bago dumating mula sa Bar ang kasinta

