bc

My Boyfriend's Vendetta

book_age18+
574
FOLLOW
1.3K
READ
spy/agent
possessive
drama
sweet
bxg
mystery
city
secrets
like
intro-logo
Blurb

Warning SPG R-18

Lucinda Salazar is used to having a one-nighter relationships. She is used to using men to satisfy her cravings because no one would court her for being rich and beautiful. Which her suitors call her as ‘out of their reach.’ Weird. And she kept the ‘virginity’ façade from her father. Until she met a man who would change this practice of hers.

But when she got to know the man better, she found out that this guy has a lot to hide. A lot of secrets. And because of these secrets, attached are the pain, agony, sorrows, and a lot of negativities. She thought that this is already her karma from being the playgirl who wants love and attention.

How is she going to overcome the misery, suffering, and sadness, when she started falling in love with him? Deep. Will love conquers all? Is she going to give up and go back to having casual s*x relationships? Or will she fight once she founds out about her boyfriend’s VENDETTA?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Lucinda Paris, France Mahimbing ang aking tulog nang bigla na lamang akong nagising sa isang tawag mula sa aking cellphone. At dahil late akong dumating gabi dahil sa pakikipag-party ay late na rin akong nakatulog. Kaya naman agad kong tinakpan ang aking mukha ng aking unan at iniisip na magsasawa rin ang kung sinuman ang tumatawag sa akin. Ngunit pagkatapos ng isang tawag ay muling magri-ring ang aking cellphone at mas lalo lang sumasakit ang aking ulo sa kari-ring ng aking cellphone. Agad na hinanap ng aking mga kamay ang aking cellphone na nakakalat lamang sa ibabaw ng aking kama at mabilis na sinagot ito kahit na hindi ko man lang tinitignan kung sino ang tumatawag. Agad ko namang narinig ang boses ng aking kaibigan na si Paris na nangungulit ng sobrang aga. Pinilit kong umupo at inaantok pa rin habang kinakamot ang aking pisngi. “Oh my god! Lucinda! Are you listening to me?” “Yeah, yeah, I’m listening,” sagot ko kahit hindi naman talaga ako nakikinig at wala akong naintindihan ni isa sa sinabi niya. “O sige nga. Kung talagang nakikinig ka sa akin ay ano ang sinabi ko?” I groaned sleepily. “You see? Hindi ka nakikinig at sinayang ko lang ang lahat ng laway ko sa pakikipag-usap ko sa iyo.” “Pasensya ka na. I am just so sleepy because I just went home this morning. Nagkayayaan ang ibang kakilala kong vlogger dito sa Italy. Get to know each other, until I was so wasted that I don’t even remember how I went home.” Narinig ko siyang tumawa sa kabilang linya. “Alam mo ikaw sinabi ko naman kasi sa iyo na maghanap ka na ng boyfriend mo para naman naaaliw ka. Mamaya bigla na lang may mag-uwi sa iyo ng hindi mo nalalaman at bigla kang ibenta sa mga kano o kaya ibenta iyang mga lamang loob mo.” Napailing naman ako sa kanya. “Masyado ka lang nanunuod ng napakaraming Wrong Turn na movies kaya kung ano-ano na ang pumapasok diyan sa kukote mo.” Bumalik ako sa pagkakahiga sa aking kama habang nakikipag-usap pa rin kay Paris. “Hays. O siya hahayaan na kitang magpahinga pero maghanda ka mamaya dahil pupunta tayo ng bar mamayang gabi. Malay mo ay doon mo na makilala ang boylet mo.” “Whatever. Bye!” Binaba ko na ang tawag at sinubukan ko ulit bumalik sa pagkakatulog pero hindi na ako muling nakatulog pa. Nakailang baling na yata ako sa aking kama at kahit siguro mag-tumbling pa ako ay hindi na ako dadalawin pa ng antok. Kaya imbes na matulog ulit ay kinuha ko na lamang ang aking cellphone at kinabit ang stand nito sabay nagsimulang mag-video ng aking morning routine. As usual ay nag-video ako ng aking sarili at pinakilala ang aking sarili sa harapan ng camera habang halatang inaantok pa. Bilang isang vlogger ay mahirap din na gawain ito dahil kailangan mo talagang paglaanan ng oras ito. Pagkatapos ay i-e-edit ko pa ang video para maganda at kaaliw-aliw naman siyang panuorin ng aking mga viewers. Wala sana akong balak na maging vlogger dahil kung tutuusin ay may natapos rin naman ako at mayaman din naman ang aking pamilya. Kung tutuusin ay pwede sana akong magtrabaho sa kompanya ni Papa o ng aking nakatatandang kapatid na si Lucifer. Kung gugustuhin ko rin ay pwede rin akong magpatayo ng sarili kong kompanya pero mas pinili ko ang maging vlogger. Bukod kasi sa nae-enjoy ko ang pumunta sa ibang lugar ay gusto ko ring ibahagi ang aking mga pinupuntahan sa pamamagitan ng aking mga vlogs. Madaldal din ako at natural na palakaibigan gaya ng sabi ng aking mga kaibigan kaya bagay na bagay talaga ako rito. Ang mahirap lang naman talaga sa pagiging vlogger ay ang mag-edit at ang mag-isip ng bagong content pero kahit papaano naman ay nag-e-enjoy ako sa ginagawa ko. Nang matapos kong mai-video ang aking sarili sa aking cellphone ay pinatay ko na ito at mabilis akong pumanhik sa banyo upang maghilamos. Agad akong dumiretso sa aking kusina at naghanap ng maluluto sa aking ref. Tuwing nagluluto ako ay hindi pa rin ako makapaniwalang nagagawa ko na ang magprito ng isang perfect na sunny side up. Pinalaki kasi akong may yaya at lahat ay ginagawa para sa akin. Ultimo itali ang sintas ng aking sapatos ay yaya ko noon ang gumagawa nito. Kaya naman noong maisipan kong maging isang independent woman at tumira ako rito sa condo ng aking kaibigan ay doon ako natuto. Mahirap siya noong una dahil palaging sunog ang mga linuluto ko at hindi ko pa alam ang magtupi ng aking mga damit. Pero ngayon ay masasabi ko nang isa na talaga akong independent woman. Nakakalungkot nga lang minsan ang manirahan ng mag-isa rito sa condo ng aking dating kaibigan. Simula nang maikasal ang aking kaibigan sa aking kuya ay ibinigay na niya ang condo niya sa akin at naiwan akong mag-isa rito. Tama nga naman si Paris na kailangan ko na rin ang magkaroon ng boyfriend para may pinagkakaabalahan na ako. Isa pa single naman na ako ng ilang taon at siguro ay kailangan ko na rin siguro ang madiligan ulit para naman magkaroon ako ulit ng glowing skin. Gandang ‘di mo inakala na gaya ng sabi ni Kathryn Bernardo sa kanyang commercial noon. Hays. Halatang pati sa commercial ay hindi na ako updated kaya pati ako ay hindi na rin updated. Nang matapos akong magluto ay mabilis lang din akong kumain para naman makapaglinis na rin ako rito sa condo. Isang linggo na itong hindi nalilinis dahil palagi na lang iyong editing sa aking mga videos ang inaatupag ko. Mabilis lang na lumipas ang oras at masaya ako na kahit papaano linis na ang aking condo. Pagtingin ko sa aking orasan ay napamulagat ako na alas-tres na ng hapon at hindi ko man lang namamalayan na malapit nanamang sumapit ang gabi. Nagpahinga na muna ako bago ako maligo mamaya dahil naalala ko na pupunta kami ni Paris mamaya sa bar. Hindi ko alam kung ano’ng oras pero kung si Paris ang nagtawag ay sigurado ako na gusto niyang nandoon na kami sa bar sa mismong opening. Nang makapagpahinga ako ay dumiretso na ako ng banyo upang maligo dahil puno na ako ng alikabok at pawis. Nang matapos ay agad na akong nakatanggap ng tawag mula kay Paris. “Hello?” “Huwag mong kalimutan na may lakad tayo mamaya kundi ay kukurutin ko talaga ang singit mo.” “Oo na. Hindi ko nakakalimutan iyon at saka isa pa naghahanda na rin naman ako kaya sunduin mo na lang ako mamaya.” Masaya siyang tumili na parang excited siya na ewan. Pagkatapos ko siyang kausapin ay hinanda ko na ang damit na susuotin ko para mamaya at saka nag-browse na lang na muna ako sa aking f******k account habang pampalipas ng oras. Maya-maya ay namalayan ko na lang na halos dalawang oras na pala ang lumilipas kaya naman mabilis na akong nagpalit ng aking damit. Sineksihan ko ang aking suot at sinigurado ko na kita ang aking legs at backless pa ito para naman makabingwit ako ng papa mamaya. Nang makapalit na ako ay tumawag na si Paris sa akin at nasa baba na raw siya na naghihintay. Kinuha ko ang aking purse at sinigurado ko na nasa loob ang aking cellphone at pera. Lumabas na ako ng aking condo at pagbaba ko ay napatingin pa sa akin ang ilang kalalakihan na napasipol pagkakita sa akin. Sumakay na ako sa sasakyan ni Paris at agad na niya itong minaneho papunta sa bar.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.7K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
101.6K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.5K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
75.5K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.5K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook