Lucinda Napatingin na lang ako sa papalayong likod ni Clark nang sabihin niya sa akin iyon at halos hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan. Nang mawala siya sa aking paningin ay halos mapaupo ako at doon na ako humagulgol na parang bata. Nakalapat ang aking palad sa aking dibdib nang makita ko ang galit sa mga mata ni Clark kanina na para bang wala akong kwenta para sa kanya. Iyong poot at galit niya ay ramdam na ramdam ko kanina na para bang lahat ng pagmamahal na binigay niya sa akin ay nawalang lahat dahil lang sa pag-block ko sa numero ng kanyang asawa. Iyong paraan ng pagsumpa niya sa akin na kailan man ay hindi niya ako mapapatawad ay sobrang sakit na hindi lang tumagos sa aking dibdib kung hindi ay parang winawarak nito ang aking puso. Nagsimula nang umulan pero patuloy pa r

