Lucinda Pagkatapos ng naganap sa amin ni Ian isang linggo na ang nakalilipas ay napansin ko na iniiwasan na niya ako. Naiintindihan ko naman siya dahil alam ko naman na nasaktan ko siya pero mas mabuti na ang ganito kaysa naman saktan ko siya lalo oras na pumayag akong magpaligaw sa kanya. Napabuntong-hininga na lamang ako habang pasakay ako ng elevator. Paglabas ko sa nasabing elevator ay bumagal ang aking paglalakad nang makita ko ang sobrang daming bulaklak na nakapalibot sa buong palapag ng aking opisina. Napatingin sa akin si Steph at parehas kami na may pagtataka sa mukha ng isa’t isa. Nagtataka akong lumapit sa isang bulaklak sabay may kinuha roon na isang maliit na card. ‘I’m away, but I’m always watching you.’ Pinulot ko ang isa pang card at may nakasulat na, ‘I saw you yesterd

