Isang malamyos na tunog ng wind chime ang siyang bumalot sa kabuuan ng unit ni Karen. Ikinagulat pa nilang dalawa ni Jessica ang pag-tunog nito. Nagka-tinginan silang mag-kaibigan, parehong may mga tanong sa kanilang mga mata. “May ini-expect ka bang darating ngayon, Bestie?” agad na tanong sa kan’ya ni Jessica, ito ang unang nakabawi sa pakagulat sa kanilang dalawa. Nasa may kitchen counter pa rin ito at hinihintay na uminit ang ginagawa nitong sandwich sa toaster. Agad namang umiling si Karen bilang tugon sa tanong ng kaibigan. Magsasalita pa sana siya ng muling pumaimbabaw ang tunog ng wind chime, dahilan upang hindi niya maituloy ang sasabihin. “Sino kaya ang pupunta dito ngayon sa bahay nang ganito kaaga?” tanong niya sa isipan. Bahagya niyang sinulyapan ang relong nakasabit sa ding

