Hindi alam ni Karen kung paano lumipas ang kan’yang maghapon. But here she was, sitting in the luxurious sofa in the office lounge ni Alex. Iniikot niya ang paningin sa kabuuan ng opisina nito. Everything inside of it screams luxury. Ang isa sa mga kilalang painting ni Rembrandt na nakaadorno sa hallway papasok sa pinaka-opisina ni Alex ay nagpapatunay na hindi ordinaryong tao ang nagmamay-ari ng lugar. Ang lahat ng mamahaling bagay na nakikita ni Karen ay walang impact sa kan’ya. She had a lot in her plate for now, upang bigyang pansin pa at humanga sa magagarang bagay na nasa paligid niya. In fact, it makes her loath the place. Hindi niya alam kung bakit, pero para kasing lalong pinamumukha ng mga gamit doon ang tunay na sitwasyon kung bakit siya naroroon ngayon at naghihintay na kausap

