Sa paglapit ni Damon sa likuran ko ay naamoy ko na kaagad ang alak na nainom n’ya. Ni hindi ko s’ya nagawang lingunin dahil sa sobra sobrang tensyong nararamdaman! “Damon! Kanina ka pa hinihintay ni Kira,” sabi n’ya at agad na sinenyas na umupo sa tabi ko. Nakita ko ang pagtingin ni Damon sa akin pero hindi ko magawang lingunin s’ya. Napalunok ako nang magsalita si Kuya Roco sa gilid ko. “Is he your boyfriend, Kira?” Tanong ni Kuya Roco. Damon immediately turned his head in his direction kaya gusto ko na lang mapapikit ng mariin at umalis na lang! “Why are you asking?” Narinig kong tanong ni Damon kaya napatingin na ako sa kanya. Hindi sumagot si Kuya Roco kaya lalo tuloy akong natuliro. Sinalubong ni Damon ang tingin ko. “Is this guy hitting on you, Mahal ko?” Tanong n’ya at saka humawa

