“Shiit! Ang lakas talaga ng dating ni Damon! Nakakabaliw!” Bulalas ni Mitz na halatang kinikilig at hindi na magkandaugaga kung doon sisilip sa camerang hawak o titingin na lang mismo sa stage. Tumaas ang kilay ko at hinawakan ang braso n’ya. Halos tabigin n’ya ang kamay ko dahil ayaw maabala sa panonood. Hindi rin halos tumitigil sa kakasigaw ang mga nanonood dahil sa galing nilang sumayaw. I wonder how they come up with such complicated choreography? Hindi ko talaga maintindihan dahil ayaw naman akong kausapin ni Mitz para sagutin ang mga dapat sana ay itatanong ko. Ibinalik ko ang tingin sa stage at naabutan ko na naman ang ginawang pagbackflip ni Damon! What the hell? Para akong aatakihin sa puso dahil sa ginagawa n’ya! And he seems to be enjoying what he’s doing huh? Confident na con

