Chapter 3 - The Four Powerful Elements

1378 Words
Chapter 03 Ana's POV HINDI na ako nagtagal pa sa Hospital dahil wala naman na daw nang problema sa katawan ko sabi ng Doctor. Andito na ako ngayon sa kwarto ko. Hawak-hawak ko na ulit ang librong Magenta Academy. Nasa pahina 12 na ako. Doon nabasa kong may labing dalawang binatat' dalaga na may kakaibang kapangyarihang taglay na pinangangalagaan ng Magenta Academy. Ang labing dalawang tao na'yun ay may kanya-kanyang birthstone na nakaukit sa ibat-ibang parte ng katawan nila. Pinakamalakas si Diamond, sumunod si Pearl, sunod si Emerald at huli si Garnet. Silang apat ay puro Element ang kapangyarihang tanglay. Ang walong natitira na sina Bloodstone, Ruby, Peridot, Topaz, Opal, Sapphire, Amethyst at Turquoise ay pangakaraniwan nalang. Pero malakas din sila dahil kapag may birthstone kana sa katawan mo ay kinatatakutan kana doon sa Magenta Academy. Naalala ko tuloy 'yung nangyari saakin sa banyo sa hospital. Nakita kong may batong rainbow na nakaukit sa noo ko. Guni-guni ko lang kaya 'yun o talagang meron nga. Ewan, siguro naaapektuhan lang ang isip ko sa kakabasa ng librong ito kaya kung ano-anu na ang naiimagine ko. ** KINABUKASAN ay walang pasok kaya tumungo ako sa bahay nila Natalia. Miss na miss ko na kasi siya. Gaga kasing 'yun hindi na nagpapakita saakin. Nag-aalala na talaga ako. Pagdating ko sa harap ng bahay nila ay nakita kong bukas ang gate ng bahay nila kaya hindi na ako nag doorbell. Bukas din ang pinto nila kaya hindi narin ako kumatok pa. Bago pa man ako makapasok sa kanila ay nakaanig ako bigla ng malakas na nakakasilaw na liwanag. “Natalia?” Tawag ko bigla sa kanya. Nagulat kasi ako sa liwanag na nakita ko. “Ana?” Nagulat ako ng biglang lumuwa sa pinto ang kaibigan kong si Natalia. Gulat na gulat siya at tila ba may lungkot sa kanyang mga mata. “Okay ka lang ba, Natalia?” Tanong ko. Hindi niya ako sinagot. Lumapit siya saakin at bigla nalang akong niyakap. Pumiglas agad ako sa pagkakayakap niya ng madinig kong humihikbi siya, “O-okay ka lang ba talaga? Saka bakit ka umiiyak?” “Mamimiss kita, bestfriend,” saad niya na tila basag ang boses dahil sa pag-iiyak. ‘What do you mean?” Taas noo kong tanong. Gagang 'to, sa tono ng pananalita niya mukhang iiwanan na niya ako. “Ana, im going to somewhere,” sagot niya sabay baklas sa pagyakap saakin. “Saan at gaano katagal?” “Hindi ko alam. Baka isang linggo, dalawang buwan or maybe isang taon.” Nakita kong tuloy-tuloy lang sa pag-iyak si Natalia. “Ang tagal ah! Pero saan ka ba pupunta?” "Sa lugar kung saan doon talaga kami nararapat,"sagot niya. “Ha? Hindi kita maintindihan. At saka nga pala, akin nalang muna 'yung libro. Binabasa ko pa kasi ang Magenta Academy. Astig ng storyang 'yun. Astig ng Royal Family na sina king Zeus, Queen Tiana at Princessa Zuzana. Astig ng author nun. Idol ko na siya.” Nakita kong nanlaki ang mata ni Natalia at napatigil sa pag iyak. “Nababasa mo 'yung libro?” Gulat niyang tanong. “Oo naman, anong akala mo saakin hindi sanay magbasa? Luka ka talaga! Doon na nga ako sa labing dalawang tao na may birthstone na nakaukit sa katawan e. Astig din nun,” sagot ko sa kanya. “Paano? Paano mo nagawa 'yun? Paano mo nagawang basahin ang libro na ang tanging taga doon lang ang may kakayahan na makabasa. Sino kaba talaga Ana? Anong meron sa'yo?” Nagulat ako sa mga pinagsasabi ni Natalia. Nababaliw naba siya? “Gaga kaba, im Ana Aletta, your bestfriend! Hello, okay kalang ba girl?” Wika ko. “Hindi mo ako naiintindihan. Pero malalaman ko din 'yan sa tamang panahon. 'Wag kang mag alala, babalik ako at marami akong ipagtatapat sa'yo. Pero sa ngayon, aalis muna ako. Ingatan mo ang sarili mo at palagi mong tandaan na mahal na mahal kita bestfriend.” Bigla siyang kumuha ng ballpen at papel sa bag biya. Ang gara nung balllpen, kumikinang-kinang pa. Mayamaya ay may isinulat s'ya doon at pagkatapos nun ay nagpaalam na siya. "Bye, bestfriend," aniya at mayamaya ay bigla nalang umikot ang paningin ko. Nakita kong unti-unting nabuwal ang katawan ko. Huli kong naaninag nun ay may liwanag na biglang lumabas at nilamon nun si Natalia. --**-- Averil's POV NAKU naman! Ngayon palang ako makakatulog ng maayos dahil puyat ako kagabi tapos ito, pinapatawag na naman kami ni Miss Elidi at may nasagap na naman daw silang tao na may special ability sa mundo ng mga normal. Hay naku, tiyak na mission na naman ito para saaming apat. Nakasalubong ko sa hallway si Arlo. Nginitian niya ako at sumabay narin siya saakin patungo sa kwarto ng Queen of the Sun. Pagpasok namin sa kwarto ni Miss Elidi ay nadatnan na namin doon sina Zackery at Draco. Omg! Ayan na naman itong si Zackery. Nakakatakot siya. Nakasibangot na naman siya at tiyak mamaya ay makakasama ko siya sa mundo ng mga normal. Ayokong kasama ang lalaking 'yan. Masayado siyang mayabang at medyo badboy. Ay hindi medyo, Badboy na pala talaga. 'Wag lang niya akong iniisin at talaga namang gagawin kong buong yelo ang katawan niya pag ako ang sinura niya. Mabuti nalang kasama namin ang Arlo ko. Sa kanya nalang ako didikit. Mas gusto ko pa ngang kasama si Draco, kesa sa kanya eh. Hmp! “At dahil nandito na kayo, panoorin n'yo ito,” saad ni Miss Elidi at sa isang pitik ng daliri niya ay biglang may lumabas ng video sa puting ding-ding ng kwarto niya. Sa video, nakikita namin ang isang babae na binuhusan ng juice ng isang bad girl. Nakita naming parang nagalit ang ‘yung girl kaya’t nanginginig ang katawan nito. Mayamaya ay biglang sumigaw yung girl at pagkatapus nun ay yumanig ang buong paligid. Dahil doon ay nag na crack ang simento at may biglang lumabas na higanting halaman. “Hala! Ano ‘yan?” Gulat na wika ni Arlo. Wow! Astig ng majika niya ah! Mukhang may kapangyarihan siya na may tungkol sa mga halaman.. Mayamaya ay nakita naming nagulat ang mga nang-api sa kanya. Mismo pati si girl ay nagulat sa kapangyarihan na gawa niya. Sa lakas ng majika na pinakawalan niya ay doon nawalan siya ng malay. 'Yung ibang mga student na pinaluputan ng halaman ay nahimatay. I think may poison ang mga halaman. Mukang isa pa sa majika niya ay may kakahayan na gumawa ng potion. Astig ni girl. Gusto ko siyang maging friend. But, i know na hindi siya kasing lakas naming labing dalawang may birthstone, kaya medyo mahihirapan akong makipag kaibigan sa taong hindi naming ka-level. Bakit kasi may rules pang ganun! Sayang naman. “So, nakita n'yo naman. May special ability siya. Siguro naman hindi ko na kailangan pang sabihin ang dapat n'yong gawin. Mapanganib ang taong may majika sa mundo na mga normal kaya inuutos kong sa madaling panahon ay kailangan nyo na siyang dalin dito Magenta Academy.” Utos ng reyna ng araw. Sabay-sabay kaming tumango sa kanya. Matapos nun ay lumabas na kami. Paglabas namin sa kwarto ni Miss Elidi ay nagsalita na ang badboy na si Zackery. “Yes! Exciting ‘to! May bago na naman akong pagti-tripan,” aniya sabay nagpalabas ng lightning blade sa kamay niya. Siraulo talaga. "Hoy, Zackery, babae 'yun. Konting respeto naman!" Seryosong sambit ni Draco sabay ginawa niyang kulay apoy ang kaninang kulay itim niyang mata. Hahaha! Go! Go! Go! Draco. Tama 'yan. Awayin mo ‘yang badboy na'yan. Pasabugin mo ang mukha niyan ng fireball mo para mag tino. “Ayan na naman kayo! Tumigil na kayo bago pa 'yan humantong sa awayan,” saway ni Arlo sabay parehong binasa ng tubig ang dalawang ulo nila na galing sa kamay niya. “Gago! Bakit mo ginawa 'yun? Pinaka ayaw ko pa naman sa lahat eh, ang ginagalaw ang buhok ko!” Inis na sambit ni Zackery. Tumakbo agad si Arlo at tiyak na makakatikim siya ng kuryente sa kamay ni Zackery. Kahit mag bestfriend kasi sila ay walang sinasanto 'yan si Zackery na badboy. Hmp! Bahala kayong mag away-away. Basta ako, excited na akong makilala ang girl na'yun. Sisiguraduhin kong ako ang magiging bestfriend niya. Ano kayang pangalan n'ya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD