Chapter 4 - The Writer Of Magenta Academy

1532 Words
Chapter 04 Ana's POV NAGISING ako na nakahandusay sa labas ng bahay nila Natalia. Nakahawak ako sa ulo ko ng ako'y tumayo. Agad kong naalala si Natalia. Nagmadali akong Pumasok sa loob ng bahay nila at agad na hinanap siya. “Natalia?” Pumunta ko sa kwarto niya pero wala siya doon. Pumunta din ako sa kwarto ng mga parents niya, ganun padin, wala din siya doon. “Natalia, nasaan ka na?” Nagsimula ng mahilam ang mga mata ko. Naiiyak na ako. So, umalis nga siya? I remember, bago ako mawalan ng malay kanina, nakakita ako ng napakaliwanag na sinag ng liwanag and then nilamon nun si Natalia. Is that a dream or totoo ang mga nasaksikhan ng mga mata ko? Nakakainis! Naloloka na ako sa mga nangyayari ngayon. -**- “SAAN ka ba galing bata ka?” Bungad na tanong ni Mami ng pumasok ako sa bahay namin. Nakasibangot ang mukha ko ng tignan ko siya. “Galing po ako kina Natalia. Wala na siya. No, Hindi lang pala siya, silang buong pamilya po pala. Umalis na sila,” sagot ko kay Mami na siyang kinagulat naman niya. “Bakit? Anong nangyari?” “Hindi ko po alam. Ang huli niyang sinabi saakin, pupunta na daw sila sa kung saan doon daw sila nararapat.” Nakita kong kumunot ang noo ni Mami. Alam kong pati siya ay naguluhan sa sinabing 'yun ni Natalia. “At saan naman 'yun? Saan sila tutungo?” Tanong pa niya. “Hindi ko din po alam. Wala pong sinabi si Natalia. Nakakainis nga po siya eh.” Matapos ang pag uusap namin ay umakyat na muna ako sa itaas patungo sa kwarto ko. Im so very, very, very sad. I hate you Natalia! Your the only one i have, pero iniwan mo ako. Sino na ngayon ang magiging bestfriend ko sa School? Sino na ngayon ang magiging katawanan ko at kasama ko tuwing sabado na mag mo-movie marathon? Nakakasura ka talaga! Hindi ko alam na tumutulo na pala ang mga luha ko. Sa gitna ng pag-eemote ko ay bigla ko na namang nakitang umilaw ang libro ni Natalia. Ayan na naman. Astig talaga nito. Sa ngayon ito nalang ang natitirang ala-ala saakin ni Natalia. Binuklat ko na ulit ang libro. Sa pahina 14 na ako. Doon ay nakita ko ang lalaking may ari ng Birthstone na Diamond, si Zackery Brook. May picture siya. Ang birthstone niya ay nakalagay sa kaliwang braso niya. Kulay gray ang buhok niya at ganun din ang mata niya. Gwapo siya pero parang mukang masungit. Ang kapangyarihan niya ay lightning. Omg! Nakakatakot ang powers niya. Kidlat ba naman ang special ability niya. Napag alaman ko na sa lahat ng 12 birthstone ay siya ang may pinaka-malakas na majika. Kakaiba! Ang alam ko ay Fire ang pinakamaakas pero bakt lightning? Anyway, baka trip ito ng writer nito. May kakayahan siyang magpalabas ng lightning at ikorte 'yun ng kahit anong weapon na matutulis, like blade, Knife at kung ano-anu pa. Ayun naman pala. Kaya siguro siya ang pinaka-malakas ay dahil may kakayahan pa palang kumorte ang lightning niya ng isang weapon. Amazing! Nakakatakot talaga. Mahihiwa kana, makukuryente kapa. Sumond na malakas ay si Averil Snow. Pearl ang birthstone niya. Sa palad niya nakalagay ang birthstone niya. Mahaba ang buhok niya at kulay bluegreen 'yun. Ang mata niya ay ganun din ang kulay. Maganda siya at mukhang mabait. Nakikita ko sa kanya ang bestfriend kong si Natalia. Ang special ability niya ay Ice. Siya ang pangalawang pinaka malakas sa lahat ng may birthstone. May kakayahan siyang gawing yelo ang lahat ng tubig at pinaka nakakatakot ay may kakayahan din siyang pati ang taong patatamaan niya ay kayang gawing yelo ang dugo sa loob ng katawan. Omg! Nakakatakot din itong si Averil. Ang galing din ng kapangyarihan niya. Ang sumunod ay si Arlo Watt. Emerald naman ang kanya. Ang birthstone niya ay nakalagay sa may gawing kanan ng braso niya. Ang kapangyarihan niya ay tubig. Siya ang pangatlong pinakamalakas sa lahat ng may birthstone. May kakayahan siyang magpalabas ng tubig sa katawan niya. Pero hindi mo aakalain na ang tubig na pinapalabas niya ay minsan ay may halong poison na kapag nadikit sa balat mo ay malulusaw o masusunog. Hala siya! Ganun katindi si Arlo? Nakakatakot din siya. Naalala ko tuloy sila Sandy. Nagising na kaya ang mga bruha? Hmp! I wish matuluyan na sila hahaha! Ang huli sa apat ay si Draco Silvester. Nasa leeg naman ang birthstone niyang Garneth. Itim ang buhok niya at red naman ang mata. Gwapo din siya pero mukang seryoso. Ang kapangyarihan niya ay Apoy. Siya na ang pang apat na pinaka malakas sa lahat ng Birthstone. May kakayahan siyang maglabas ng Fireball na kasing laki ng isang bahay. Na kapag tumama sa'yo ay tiyak abo ka kaagad. Hindi ako makapaniwala na apoy pa ang pinahuli sa malakas sa apat nayun. Pero sa mga nabasa ko sa librong ito ay dapat pare-parehas at wala silang una, pangalawa, tatlo o apat dahil pare-parehas silang malalakas. My gosh! Pero nakakatakot din si Draco. Siguradong tupok ang katawan mo kapag tinira ka ng mala-higanti niyang Fireball. Ililipat ko na sana sa susunod na pahina ang libro ng bigla namang may lumabas na kulay violet na liwanag sa harap ng kama ko. Natakot at napaatras ako. Nanlaki ang mata ko ng iluwa ng violet na liwanag na'yun ang apat na tao. Tatlong lalaki at isang babae. Tila sila mga fairy. Pinagmasdan ko pa sila at ganun-ganun nalang ang gulat ko ng makita ko sa harap ko ang apat na tao na kanina ay sa libro ko lang nakikita. "Zackery, Averil, Arlo at Draco?" Wika ko habang dilat na dilat ang mata sa gulat. Nakita kong kumunot din ang mga noo nila. "Oh my gosh! Paano mo nalaman ang mga pangalan namin?" Nakangiting tanong ni Averil. Seryoso ba ito? totoo bang andito sila? Namamalik mata ba ako? Kinusot kusot ko tuloy ang mata ko pero andito parin sila sa harap ko. Grabe, kung ano ang itsura nila sa libro, ganun din sila sa personal. Si Zackery na mukang badboy, si Averil na mukang princess, ang maamong muka ni Arlo at ang seryosong si Draco. "Hey! Sabi ko paano mo nalaman ang mga pangalan namin?" Tanong ulit ni Averil. Sa Gulat ko ay nagsalita na ako. Dahan-dahan kong itinaas ang lirbrong hawak ko, "D-dito. N-nabasa ko kayo dito," nauutal kong sabi. Ngumiti si Arlo. "Confirm. Nararapat lang siya na isama natin sa Magenta Academy,"sabi niya na kinatuwa ni Averil. Napataas kilay ako sa sinabi ni Arlo. Nararapat lang akong isama sa Magenta Academy? Ako? “Tama ka, Arlo. Tanging taga Magenta Academy lang kasi ang may kakayahan na makabasa niyan. Tanging mga may special ability lang,” wika ni Averil. “Anyway, saan galing ang librong 'yan? At nasaan ang mga magulang mo and paano ka napunta sa mundo ng mga normal?” Sunod sunod pang tanong ni Averil. “Mga magulang ko? Wala, hindi ko alam kung nasaan sila. Walang silang kwenta! Itinapon lang nila ako sa kagubatan. Saka nakita lang ako ng Mami Pasing ko noon sa isang kagubatan habang umiiyak ako sa ilalim na puno. And about sa libro naman, bigay saakin ito ng bestfriend kong si Natalia,” sagot ko habang naka sadface. Naalala ko na nanaman si Natalia. Nasaan na kaya siya? “Bestfriend mo si Natalia? Si Natalia Diyosa?” Tanong bigla ni Draco. “P-paano mo nakilala si Natalia?” Gulat kong tanong sa kanya. “Kasi siya ang mahusay at kilalang writer sa mundo namin sa Magenta Academy. Siya si Miss Natalia. Isa siya sa mga matataas ang tungkulin doon,” mahabang sabi Draco. May something dito kay Draco. Bakit pagdating kay Natalia eh, naging active siya? Sumasakit ang ulo ko! Ano ba itong nangyayari? Malapit na akong mabaliw! Pero hindi parin ako makapaniwala. Si Natalia ang Writer ng librong 'to. Gagang 'yun! Napakarami pala niyang sikreto. “Hindi ako makapaniwalang totoo pala kayo. So, may Magenta Academy din?" Tanong ko pa. “Oo at doon ka na namin dadalin!” Bulyaw agad ni Zackery. “Tama na ang daldalan at naiinip na ako!" Dagdag pa niya. Ang sungit niya ah. Pero teka, tama ba ang nadinig ko? Ako dadalin nila sa Magenta Academy? “Teka, ako dadalin n'yo sa Magenta Academy?” Gulat kong tanong. “Oo,” maikling sagot Averil. “Bakit?” Naguguluhang kong tanong. "Dahil nasagap ka ni Miss Elidi. Siya ang Queen of the Sun sa Magenta Academy. Nakita niya na may special ability ka. Inutos niya saamin na dalin ka na sa Magenta Academy," paliwang ni Arlo Teka, seryoso ba ito? Ako dadalin sa Magenta Academy? At ako may Special ability? M-may kapangyarihan ako? At sino naman 'yung Queen of the Sun na'yun, o tinatawag nilang Miss Elidi? Oh my god! Nananaginip ba ako? Nagulat ako ng biglang may binanggit si Zackery na hindi maintindihang Lenggawahe at mayamaya'y unti-unting may lumitaw ng violet na liwanag at doon bigla nalang akong hinila ni Zackery. Lima kaming nilamon ng violet na liwanag na'yun. Hindi ko alam kung saan patungo ito, pero this time, i hate Zackery na. Kainis siya, badboy niya nga talaga!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD