Chapter 5 - Welcome to Magenta Academy

1731 Words
Chapter 05 Ana's POV HABANG patuloy kaming nalalaglag sa kung saan ay isang butas ang biglang lumitaw. Doon ay bigla kaming lumusot. Naka-pikit ako dahil alam kong babagsak kami sa lupa. Hinintay kong bumagsak ako sa lupa pero nagulat ako ng maramdaman kong sa isang tao ako bumagsak. Dinilat ko ang mata ko at nakita kong nakatayo na sina Averil, Arlo at Draco. Nasaan si Zackery? Wait, s-siya ba ang dagan-dagan ko? Oh my god! Patay! “What the hell! Hanggang kelan mo ba ako dadaganan?” Sigaw niya na nagpadali sa aking pagtayo. Nakakatakot talaga ang badboy na'to. “Siguro dapat pagsanayan mo nang makalabas ng maayos sa portal na dadaanan natin tuwing tutungo tayo sa ibang mundo,” ani Averil na natatawa sa nangyari saamin. “Oo nga. Dont worry, masasanay ka din d'yan. Ganyan naman din kami noong una. Hindi kami sanay lumabas sa isang Portal. May minsan nga na natatama din ang mukha ko sa lupa,” Arlo said. Nakakatawa siya. Magaan ang loob ko sa kanya. Mabait ang isa ‘to . “Ang saya! Finally nandito ka narin sa Magenta Academy,” ani Averil na nagpabalik sa wisyo ko. Oo nga. Nandito na ako sa kakaibang lugar na’to. Nagsimula na silang maglakad. Sumunod lang ako sa kanila at humarap na kami sa malahiganteng gate na kulay dark brown na ang kalahati ay gold naman. “Im sure, mamamangha ka sa pag pasok natin sa loob,” ani Arlo na umakbay pa sa balikat ko. “Portam…” sambit bigla ni Zackery. Nagulat ako ng unti-unting bumukas ang giant gate. Ang cool! Unti-unti ko nang nasisilip ang mala palasyong academy. Nang tuluyang bumukas ang gate ay lalo na akong namangha. “Wow!” 'Yun lang ang lumabas sa bibig ko. Wow lang talaga. Grabe! Hindi ko ina-akala na ang nakikita ko sa book cover ng libro na binabasa ko ay mararating ko pala. “Anyway, Kanina pa tayo magkakasama pero hindi parin namin alam ang pangalan mo. What's your name, Girl?” Tanong ni Averil. Lumunok muna ako ng laway bago sumagot. Ang tagal ko kasing nakanganga sa sobrang kamanghaan sa lugar na’to, “Im Ana Aletta,” sagot ko. “Ah, okay. So, Ana, ang ibig sabihin ng portam na binanggit kanina ni Zackery ay open the gate. Ang portam ay magic word para bumukas ang gate natin. And ito namang babanggitin ko, ang magic word para sumarado ang giant gate," aniya at saka humarap sa malaking gate. "PROPE IN PORTA!" Sigaw niya. Mayamaya ay unti-unti ng sumarado ang malaking gate. Ang cool talaga. Tinignan ko si Zackery at Draco. Parehas silang naka cross arm. Hindi manlang sila nagsasalita. Tanging si Averil at Arlo lang ang kumakausap saakin. “So, Ana, ano ang Special ability mo?” Biglang tanong ni Arlo. Lahat sila ay biglang napatingin saakin na para bang inaabangan ang isasagot ko. Kumunot ang noo ko. Hindi ko kasi alam kung ano ba ang special ability ko. Saka wala naman talaga akong magic kaya, hindi ko talaga alam kung bakit kailangan nila akong dalin dito. Sigurado akong hahanapin ako ni Mami Pasing. Dahil hindi ako makasagot at parang nakikita nilang di ko ma-gets ang tinatanong niya ay nagsalita at sinampulan ako ni Averil, “Special ability, gaya nito oh," nagpalabas ng yelo sa kamay si Averil na siyang kinamangha ko ulit. Oh my gosh! Astig. For the first time nakakita ako sa totoong buhay ng taong may kapangyarihan. ‘Ang galing! Pero W-wala akong powers. Hindi ko alam ang sinasabi n'yong special ability ko,” sagot ko. Nakita kong biglang ngumisi si Zackery. Para bang nanunura siya. Eh, sa hindi ko alam eh. Saka wala naman talaga akong kapangyarihan. “Dont worry, malalaman mo din 'yan kapag nag aral kana dito. Ang mabuti pa ay ihatid ka na namin kay Miss Elidi. Siya na ang magpapaliwanag sa'yo ng iba pang kailangan mong malaman," sabi ni Arlo. “Tama. Saka 'wag na nating ubusin ang oras natin sa taong hindi naman natin ka level. Remember guys, na hindi tayo dapat nakikipag usap sa mga taong mahihina at wala namang binatbat!” Sabat ni Zackery sabay sinunggo ako at tuluyan ng naglakad palayo. “f**k y…” mumurahin ko sana siya, kaya lang tinakpan ni Arlo ang bibig ko. Nakita kong biglang lumingon si Zackery saakin at tinignan ako ng masama. “What did you say?” Tanong nito at nakita kong may nag i-ispark na kuryente sa dalawa niyang kamay. “Babae 'yan, Zackery. 'Wag mo ng patulan,” pampipigil ni Draco sabay hawak sa balikat ni Zackery. “Tsh! Dont touch me!” Asik ni Zackery. Buti nalang napigilan siya. Natakot nadin kasi ako. Napaka stupid talaga nitong Zackery'ng badboy na'to. Nagpatuloy na ulit kami sa paglalakad. “'Yang badboy na'yan ang dapat mong iwasan dito sa Magenta Academy,” averil said. “Hindi lang s'ya pati din ang three bad girls na sina Arabella, Mithra at Brenna," sabi pa ni Arlo. “Hmp! Mahihina naman sila, kaya walang dapat ikatakot si Ana. Sa nakita kong video kay Miss Elidi, i think mas malakas pa ang kapangyarihan ni Ana kesa sa tatlong bruha na'yun!” Ani Averil. Mas lalo tuloy akong natakot sa mga pinagsasasabi nila. Sa mundo namin marami ding bull lord na student. Pati ba naman dito sa Magenta Academy? Well, bahala na si God saakin. Ito na kami ngayon, naglalakad sa napakahaba at napaka taas na hagdanan. Kita ko sa kaliwa't kanan ko ang mga magagandang halaman at mga mini lawa na disenyo ng lugar na'to. Grabe talaga. Super amazing lahat ng aking nakikita. Pakiramdam ko tuloy ay para akong nasa isang fairytale world. "Walang nagkalat na student ngayon ditto dahil monday ngayon. Nagsisi-uwian kasi sila sa totoong bahay nila kapag lunes. Every, friday at saturday lang kasing ang klase. Tuesday at hanggang thursday ay ang araw ng mga training dito. Doon sa training makikita ang galing at lakas mo. Si Miss Saskia ang teacher doon. Ang special ability niya ay kaya niyang magpalabas ng kahit anong weapon sa katawan niya. Mapa kampit, palakol, blade at kung ano-anu pa. Magaling sa martial arts si Miss Saskia kaya naman soon… eh, magiging teacher mo din siya. Dont worry, mabait si Miss Saskia,” mahabang sabi ni Averil. "Then, you need to know na kay Miss Freya naman dinadala ang mga batang pala-away at mga batang hindi marunong sumunod sa rules ng School. Si miss Freya ay may kakayahang gumawa ng love at war. Pero mas madalas niyang ginagamit ang love sa mga batang matitigas ang ulo. War naman ang ginagamit niya sa mga new student na hindi kayang palabasin ang kapangyarihan. Kapag kasi nagagalit ang isang taong may special ability ay doon lumalabas ang powers nito. At 'yun ang tiyak na gagamitin sa'yo ni Miss freya sa oras na ikaw na ang i-training niya,” mahabang sabi ni Arlo. “Oh, ayan, madami ka ng nalaman saamin. Siguro 'yung iba si Miss Elidi na ang magpapaliwanag sa’yo. Pati din ang mga rules dito siya na ang mag sasabi sa'yo," nakangiting wika ni Averil. I like, averil na. I hope maging kaibigan ko s'ya. Syempre pati din si Arlo at Draco. At si Zackery? No way, hindi ko siya papangaraping maging kaibigan. Nandito na kami ngayon sa harap ng malaking mala palasyong School. Oh my gosh! Ngayon lang ako nakakita ng ganitong kalaking School. Nakakaita! “Halika kana, pupunta na tayo sa room ni Miss Elidi,” aya ni Averil. Nagulat ako ng pumalakpak si Arlo at mayamaya ay biglang may lumabas na lumulutang na red carpet. Napasigaw ako, “Ano ‘yan?!” Natatakot kong sabi. Nangisi bigla sina Averil at Arlo. Nakita ko pa ngang napalingon sina Zackery at Draco kahit na malayo na sila. Inakbayan ako bigla ni Averil, “Huwag kang matakot, diyan tayo sasakay,” saad niya. Nakita kong naupo na doon si Arlo at ganun na din si Averil. "Come on, sakay na," aya ni Arlo saakin. My gosh! Sasakay nga kami diyan? Nagulat ako ng biglang may lumabas na yelo sa paanan ko at hinagis ako nun patulak sa tabi nila Averil at arlo. Dahil doon ay napa-upo na ako sa red carpet at maya maya ay lumipad na kami paitaas. “Sorry kung ginawa ko ‘yun,” saad ni Averil. So, siya pala ang nagpalabas ng yelo sa paanan ko. Ang galing talaga. “Anyway sasakyan naming ditto para makapunta sa mga itaas na bahagi ng magenta academy. Mahigit sampong libo ang magic carpet namin dito. Once na pumalakpak ka ay kusa na itong lumalabas," dagdag pa ni Averil. Ang galing! Mukhang mag-e-enjoy ako sa mundong ito. Pagdating naming sa ikatlong palapag ng academy ay huminto na kami. May siyam na kuwarto doon. Sabi nila Arlo at Averil ay dito sa ikatlong palapag ng academy naroroon ang room ng mga teacher o 'yung mga taong matataas ang tungkulin dito. Nandito na kami ngayon sa harap ng room ni Miss Elidi. Nabasa ko na kasi sa pinto ang nakasulat na Queen of the sun. Siya 'yung tinutukoy nila kanina nung nasa kwarto pa nila ako. “Sige na, hanggang dito nalang kami Ana, i-enjoy mo lang ang life mo sa bago mong mundo,” nakangiting sabi ni Averil. "Oo nga, saka kapag malakas kana isasama ka namin sa mga mission namin. Sigurado akong mamangha ka pa lalo sa mga lugar na pupuntahan natin," ani Arlo at saka na sila parehas na nag-paalam saakin. Matapos nun ay muli na namang lumipad ang magic carpet paibaba ng unang palapag ng academy. Bago tuluyang pumasok sa kwarto ni Miss Elidi ay tinanaw ko muna ang buong paligid ng Magenta Academy. Dito sa kitatayuan ko ay para bang ako ang princessa. “Nagpaka-ambisyosa ako nun.” Nasa pinaka center kasi ako ng Magenta academy. Lumanghap ako ng hangin at tinaas taas ko pa ang mga kamay ko. Mayamaya ay nagulat ako ng biglang magsi-ilaw ang lahat ng halaman sa buong paligid ng Magenta Academy. Nang mawala ang liwanag ay nakita kong punong-puno na ng ibat-ibang kulay na bulaklak ang buong paligid. Napapawow nalang talaga ako. Ganito ba talaga dito? Matapos noon ay humarap na ako sa pinto ng room ni Miss Elidi. Kinakabahan ako. Ano kayang mangyayari saakin sa loob at ano kaya ang kahihinat-natan ng buhay ko dito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD