Chapter 15
Ana's POV
PAULIT-ULIT na sumasagi sa isip ko ang duguan at sugatan na nakatingin na si Zackery habang yakap ko si Draco. Parang nakaramdam ako ng awa sa kanya kahit na masama ang ugali niya. Sino ba naman kasi ang hindi maawa kung ganoong sugatan at duguan siya.
Napatigil ako sa paglilinis ng homeroom ko ng may biglang kumatok sa pintuan ng homeroom ko. Pag-bukas ko ng pinto ay nagulat ako ng tumambad doon si Miss Elidi. Napayuko ako at agad akong nag-bigay galang. “M-magandang hapon po, Miss Elidi,” bati ko.
Ngumiti siya. "Magandang hapon din sa'yo, Miss Ana.” Sagot niya. “Anyway, napapunta ako dito dahil gusto kong itanong kung ano ba ang nangyari?” Bago paman ako magkwento ay pina-pasok ko muna siya sa loob. Nang maupo siya sa sofa ko ay agad na akong nag-kwento sa kanya. Sinabi ko lahat ang nangyari saamin. Ang pagpunta namin sa kung saan-saan, ang pagkalaglag namin, ang pag-sugod ng mga lalaking nakaitim at ang pag patay ko sa pinuno nila. Sinabi ko din sa kanya na dahil saakin ay kaya sila sumugod. Nalaman nila na ako ang pumatay kay Seraphim
“Dapat pala tayong mag ingat. Sinasabi ko na nga ba't hindi sila makakapayag na hindi makaganti. Delikado tayo, lalo kana Miss Ana. Sa tingin ko ay sa lalong madaling panahon ay kailangan mo ng matutunan ang pag gamit ng kapangyarihan mo.”
Sa mga sinabi ni Miss Elidi ay tila ba bigla akong natakot. Ito na 'yung kinakatakutan ko. Ang labanan, ang awayan at patayan. Noong una, laro-laro lang saakin ang pagkakaroon ng kapangyarihan ko pero sa mga nangyayari ngayon ay dapat sigurong magseryoso na ako.
“Miss Elidi, natatakot po ako,” sagot ko bigla sa kanya.
Ngumiti siya saakin. “Miss Ana, wala kang dapat na ikatakot. Sila ang dapat na matakot sa'yo dahil ngayon eh, nakahanap na sila ng katapat nila.” Ani Miss Elidi na medyo nagpabawas ng aking takot na nararamdaman. “Saka halika ka nga sa tabi ko. Gustong kong silipin kung ilang percent naba ang kapangyarihan mo,” sabi niya na agad ko namang sinunod. Naupo ako sa tabi niya ay saka niya ako hinawakan.
“Wow! Tumataas na siya. Nasa 20% na ang kapangyarihan mo.”
Tumayo ako ng makita kong pumasok din si Miss Saskia sa homeroom ko.
“Magandang hapon po, Miss Saskia," bati ko.
“Magandang hapon din sayo, Miss Ana.” Bai niya din saakin. “Anyway, nasabi mo na ba sa kanya, Miss Elidi?” dugtong na wika ni Miss Saskia.
Kumunot ang noo ko. “A-ang alin po?” Tanong ko. Nakita kong ngumiti silang parehas. Dahil doon ay napatayo si Miss Elidi.
“Miss Ana, ipadadala ka namin sa palasyo ni Mr. Zell,” miss Elidi said. Kumunot ulit ang noo ko. Sinong mr. Zell? “Actually, hindi lang ikaw. May kasama ka,” duktong pa niya.
“S-sino pong mr. Zell? At sino po ang makakasama ko?” Tanong ko.
“Si Mr. Zell ay kapatid ni King Zeus. Sa malaki niyang palasyo ay tiyak mai-te-train ka ng maayos,” wika niya, “Tungkol naman sa makakasama mo. Si Zackery ang aking tinutukoy. Sa oras na gumaling na siya ay agad-agad na kayong tutungo do'n, kaya naman maghanda handa kana dahil maaring bukas ay umalis na kayo.”
Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Gulat na gulat ako. Hindi kay mr. Zell, kundi kay Mr. baodboy na si Zackery. Bwisit! Sa dinami-dami na mangkakasama ko siya pa talaga?
"B-bakit siya pa po? I mean, bakit pa sasama si Zackery eh, malakas naman na po siya at hindi na niya kailangang mag training pa,” wika ko habang napapakunot-oo. Hay naku, hindi ko kayang makasama ang badboy na'yun sa palasyong ‘yun. Feeling ko ay pag iinitan lang ako ng ulo nun.
Hindi ko alam kung bakit biglang nangiti si Miss Elidi sa sinabi ko. “Miss Ana, hindi naman niya kailangang mag training. Kasama mo siya dahil si Zackery ang magiging bodyguard mo. Mahirap na kasi at baka mamaya eh, bigla biglang may sumugod na kalaban. Mabuti ng may taong poprotekta sa'yo. Saka alam naman nating hindi mo pa galamay ang kapangyarihan mo kaya mabuti ng kasama mo siya.”
“Tama si Miss Elidi. Dont worry, Miss Ana, paminsan-minsan ay talaga lang mainit ang ulo ni Zackery, pero ang totoo ay mabait naman 'yun," miss Saskia said. My gosh! Hindi ko talaga kayang makasama ang lalaking 'yun. Bakit hindi nalang si Draco? Atleast mas ma e-enjoy ko ang training kapag siya ang kasama ko.
Teka, hanggang kaylan naman kaya ang training na'yun? Hanggang kelan ko makakasama ang badboy na'yun?
“Hanggang kailan po kami doon ni Zackery?” Tanong ko.
“Isang buwan. Pero kapag wala paring nangyari sa isang buwan na pagte-training mo doon ay baka dagdagan pa namin ng isa pang buwan. Hindi ka makakabalik dito kapag hindi mo pa natututunang gamitin ang sarili mong kapangyarihan,” mahabang sabi ni Miss Saskia.
“Kailangan po bang doon pa? Hindi po ba pwedeng dito nalang po? Feel ko po kasi ay mas panatag ang loob ko kapag nandito ako sa Magenta Academy.” Seryoso ba ito? Isang buwan? Isang buwan ko makakasama ang lalaking 'yun? Mamaya kapag nagalit 'yun kuryentihin niya ako. Naku, nakakatakot talaga ang Zackery na'yan.
“Miss Ana, hindi ka kasi pangkaraniwan lang. Isang kang misteryosong babae na maraming kapangyarihang taglay. Saka isa pa, hindi ka dapat matakot sa palasyo ni Mr. Zell. Ang palasyo niya ay may matibay na barrier na hindi kayang wasakin ng basta-basta lang kaya hinding-hindi makakapasok ang mga taong may black magic doon. Saka mas matutulungan ka ng mga magiging guro mo doon at mas malaki pa ang training field nila kaya kahit magpalabas ka ng malakas na kapangyarihan ay hindi ka makakapinsala dahil hindi basta-basta ang barrier ng training field nila.”
Matapos nilang sabihin saakin ang lahat ng 'yun ay lumabas nadin sila sa homeroom ko. Pumasok ako sa kwarto ko at nahiga sa kama kong malambot. Doon inisip ko kung anong magiging buhay ko doon kasama ng badboy na si Zackery. Nakakalungkot. Malalayo ako kina Natalia at Averil.
Dapat siguro magpaalam na ako sa kanila. Hay! Ayoko talaga doon pero hindi ko kayang suwayin sina Miss Elidi. Sinabi ko nga sa kanila kanina na si Draco nalang ang kasama ko pero sabi nila hindi pwede dahil maraming inaasikaso si Draco ditto.
Lumabas ako ng homeroom ko at tumungo ako sa Hospital para tignan ang lagay ni Draco. Pag-pasok ko sa kwarto niya ay nadatnan kong gising na siya. Nagulat panga siya ng makita ako eh.
“Kamusta ang pakiramdam mo?” Tanong ko sa kanya. Ngumiti siya. Ayan na naman ang puso ko. Ngiti lang niya nagkakaganito kaagad ako. Pero kahit sugatan ang lalaking 'to, gwapo parin siya ah. Ang landi ko. Hindi naman ako ganito dati ah. Tsk! What happen to me?
“Okay naman na ako. Salamat Miss Ana atnadalaw mo'ko. kanina pa nga kita hinihintay eh,” sabi niya na nagpainit ng mukha ko. Bakit naman niya ako hinihintay? Oh my! Dont tell me na naiinlove na saakin ang lalaking 'to?
“B-bakit mo naman ako hinihintay?” Tanong ko. Nakita kong biglang nanlaki ang mata niya na para bang nagulat sa tinanong ko. “Ah, eh, ano kasi, g-gusto kong alamin kung okay ka lang ba talaga? Hindi ka ba talaga nasugatan o napilayan?” wika niya na tila iniiba ang usapan.
“Okay ako, Draco. Walang kang dapat na ipag-alala saakin. Dapat nga ay sarili mo ang atupagin mo. Magpagaling ka at baka sumugod na naman ang mga masasamang taong ‘yun dito.”
Nakita kong napangisi siya. “Bakit? Anong ginagawa mo? Nandiyan ka naman ah! Miss Ana, alam kong kayang kaya mo ang mga 'yun,” Saad niya na kinangisi ko. Nagiging pala-joke na siya minsan. Nalungkot tuloy ako bigla. Tiyak na magugulat siya kapag nalaman niyang pupunta kami ni Zackery sa Palasyo ni Mr. Zell.
“Draco, aalis ako dito sa Magenta Academy kaya hindi pwedeng ganyan ka. Actually, kami pala ni Zackery.” Tama nga ako, nagulat nga siya.
“B-bakit? S-saan kayo pupunta?” Tanong niya.
“Sa palasyo ni Mr. Zell. Doon daw ako mag te-training,” sagot ko sa kanya. Nakita kong nalungkot ang mukha niya. Kainis. Ayokong ganito siya. Kapag ganito siya ay baka mahulog na ako sa kanya. Hindi pa ako nai-inlove sa lalaki kaya hindi ko alam kung love na ba talaga itong nararamdaman ko sa kanya. Pero ayoko 'yung nakikitang nalulungkot siya.
“Hoy!” Nagulat ako nang sumigaw siya. “B-bakit makasigaw ka naman.”
“Training ang aatupagin mo doon ah? 'Wag kang titingin sa kung sino-sinu. Lalo na kay Shawn,” sabi niya habang lukot na lukot ang noo. Sino naman ang Shawn na'yun?
Matapos ang pag uusap namin ay napagpasiyahan kong tumungo naman kay Natalia. Paglabas ko ng kwarto ni Draco ay napatingin ako bigla sa kwarto kung saan nandoon si Zackery. Hindi ko alam kung bakit bigla nalang ako hinila ng paa ko patungo doon. Nagulat si Zackery ng pumasok ako sa kwarto niya.
“A-anong ginagawa mo dito?” Tanong niya na agad iniwasan ang tingin ko. Ayan na naman siya. Binungad niya agad saakin ang pagiging masungit niya.
“T-tatanungin ko lang kung alam mo n…” hindi pa ako tapos sa pagsasalita ko ng sumabat agad siya.
“Oo, alam ko na. Pero teka, bakit hindi mo sila pakiusapan na si Draco nalang ang ipasama sayo tutal ay mas panatag naman ang loob mo sa kanya.” Malamig niyang sabi habang hindi manlang ako tinatapunan ng tingin.
Ngumiti ako. Naisip din niya 'yun? Nagustuhan ko siya sa side na'yan. “Kaya nga eh. Dapat siya nanga lang. Kaso hindi daw pwede dahil marami daw ginagawa dito sa Magenta Academy si Draco.”
“Ang ingay mo. Nanggugulo ka lang ditto. Gusto ko ng katahimikan kaya sige na, umalis ka na. Saka diyan sa kaliwang kwarto ang room ni Draco, dalawin mo at baka miss na miss kana nun!”
Napataas ang kilay ko. Napaka mean niya talaga! Ano kayang problema ng lalaking 'to? Noong mga nakaraang araw naman ay okay naman na siya. Bakit naging tigre na naman bigla ang ugali niya? Grabe, hindi ko talaga maisip na 'yang si Mr. badboy a.k.a tigre ang makakasama ko ng isang buwan. Bwisit! Isang malaking goodluck talaga saakin ang pagpunta namin sa Palasyo ni Mr. Zell.