Chapter 16
Ana's POV
HINDI pa kabutihan pakiramdam ni Zackery Kaya naman ngayong umaga ay ipinag-paliban muna ni Miss Elidi ang pag alis namin. Salamat naman dahil may pagkakataon pa akong mag saya dito sa Magenta Academy. Maaga akong gumising para galain si Natalia. Sinabi ko nga sa kanya ang pag alis ko. Ang gaga hindi manlang nagulat. Mukhang alam na din niya dahil isa nga pala siya sa may mataas ang tungkulin dito sa Magenta Academy.
“Ayoko talagang umalis. Malulungkot ako na hindi ka makita ng isang buwan.”
“Ano kaba Ana, ako din naman ay nalulungkot din, pero para sa'yo naman ang ginagawa ng Academy. Isa pa, isa ka sa mga alas namin. Isa ka sa pinapahalagahan namin. Ang swerte mo nga eh. Sa lahat ng naging student ditto ikaw pa lang ang makakapagtraining sa training field ng palasyo ni Mr. Zell.”
Bumuntong hininga ako bago ako sumagot sa kanya. “Kahit na. Mas masaya parin ako kung dito talaga ako mag te-training. Saka, Natalia, sa lahat pa talaga ng ipapasama saakin si Zackery pa talaga?!” Nakita kong parang nagulat siya. “B-bakit? Anong problema mo sa kanya?” Tanong niya.
“Napaka-badboy nun eh, ang sama-sama ng ugali niya. Ang sungit sungit niya palagi saakin!" Wika ko habang nagmamaktol ako sa kanya.
Tumawa si Natalia na kinagulat ko. "B-bakit? May nakakatawa ba sa sinabi ko?" Inis kong sabi sa kanya.
Nakakabanas dahil tinatawanan niya talaga ako. “Alam mo, may naamoy ako," aniya na kinagulat ko. Inamoy ko tuloy sarili ko. Mabaho ba ako? Kakaligo ko lang naman ah!
“Bakit? Mabaho ba ako? Sorry ka! Kakaligo ko lang noh!" Nakairap kong sabi sa kanya. Lalo siyang tumawa sa sinabi. Nababaliw na ba'tong si Natalia?
“Hindi 'yun ang ibig kong sabihin. I mean, may naamoy ako sainyong dalawa. Feeling ko may namumuong bagyo na pangangalanang pag-ibig.” Gustong sampalin si Natalia sa sinabi niya. May namumuong pag ibig? My gosh! Tigilan niya ako sa mga salita niyang 'yan. Nakakakilabot at naalibadbaran ako.
“Kilabutan ka nga sa mga sinasabi mo, Natalia!”
Sa sobrang inis ko ay nilayasan ko na siya sa Room niya. Kaasar! Ako? Maiinlove sa badboy na'yun? Isang malaking NEVER! hinding hindi mangyayari 'yun!
“Pwede ka bang maka-usap?” Nagulat ako ng may magsalita sa likuran ko.
“D-draco?”
Inaya niya ako sa park dito sa Magenta Academy. Naupo kami sa isang bench kung saan kaming dalawa lang ang nandoon.
“Bakit? Ano ang gusto mong sasabihin?” Bungad kong tanong nang maupo na kami.
Ngumiti siya bago siya magsalita. Isa talaga sa mamimiss ko ay 'yang mga ngiti niyang napaka-aliwalas. “Nais ko lang sabihin na, mag iingat ka do'n. Pagbubutihan mo pag te-training mo para hindi ka magtagal do'n. Saka si Shawn, 'wag kang mahuhulog do'n. Bundol 'yun kaya 'wag kang naglalapit sa kanya.”
Konting konti nalang eh, iisipin kong may gusto na talaga saakin ang lalaking 'to.
Natatawa ako sa mga sinasabi niya. “Para kang eng-eng!” saad ko sa kanya.
Kumunot ang noo niya. “Eng-eng? Ano 'yun?” Tanong niya.
Tumawa ulit ako. “Wala. Eng-eng ka eh,” panunura ko sa kanya.
Tumayo siya at lalong kumunot ang noo. “Ano nga 'yun?!” Pamimilit niya.
“Secret!” Sambit ko siya tinawanan pa lalo.
“Ana, naman eh, ano nga 'yun?”
“Wala lang 'yun. Ibig sabihin nun cute ka,” pagsisinungalin ko. Maniwala kaya ang bundol?
“C-cute? 'Yun ba ibig sabihin nun?” Taas noo niya pangta-tanong.
Ngumisi ako at saka ako tumango. Mukhang naniwala nga. Napaka-bungol! Hahaha!
“Draco, pinapatawag ka ni Miss Elidi.” Nagulat kami ni Draco sa pagdating si Arlo.
Umalis si Draco kasama ni Arlo. Nagpa-iwan ako ditto dahil gusto kong mag-muni-muni. Naisip ko ano kayang mangyayari saakin sa palasyo? Matutunan ko na kaya ang kapangyarihan ko? Sana naman makaya ko ng i-kontrol ‘yun.
Teka, mag training kaya ako mag isa ngayon? Tama. Mag tete-training ako. Nag clap ako ng isa. Pag labas ng rainbow carpet ko ay tumungo ako sa training Field. Swerte lang at walang gumagamit ngayon sa training field. Bumaba na ako do’n at saka ako pumuwesto sa gitna.
Ano nga ba ang gagawin ko? Ano ang una kong gagawin? Wala akong idea? Mas mahirap pala kapag mag-isa lang.
Una kong ginawa ay pumikit ako. Sa unang kong pag pikit ay hindi ko inaasahan ang sumunod na nangyari. Bigla akong nakadinig ng isang umeecho na boses ng babae. Sa gulat ko ay napadilat ko. Sa pagbukas ng mata ko ay ganun-gano’n nalang ang gulat ko ng makakita ako ng isang babaeng green na green ang buhok. Kumikinang-kinang pa'yun at puro bulaklak ang katawan. Tapos ang kasuotan niya ay ang gara. Napakaganda niya. Tila siya isang anghel na bumaba galing sa langit.
“S-sino ka?” Tanong ko. Grabe! Ngayon lang ako nakakita ng ganitong kagandang babae.
Mayamaya'y bigla itong ngumiti na lalong nag paganda pa sa kanya.
“Ako ay ikaw…" matapos niya 'yung sabihin ay bigla na 'tong nawala na parang bula.
Ano nga ulit sabi niya? Ako ay ikaw? Ano 'yun? Nananaginip ba ako? Hindi ko maintindihan.
Mag te-training nanga lang ako.
Sinimulan kong itapat ang kanang kamay ko sa sahig ng field. Pinilit kong magpalabas na kapangyarihan. Ang hirap talaga. Ayaw! Hindi ko talaga kayang ikontrol ang sarili kong kapangyarihan. Hindi ko kayang palabasin sa oras na kailangan kong pag-aralan.
Sa pangalawang pagkakataon ay itanapat ko na ulit ang kanang kamay ko sa sahig ng lupa. Ginawa kong pang iinis sa sarili ko si Zackery. Inisip ko ang pagka-inis ko kay Zackery. Mayamaya ay may liwanag na lumabas sa kamay ko. Tinama ko 'yun sa sahig. Nagulat ako ng may tumubong bulaklak na kulay violet sa sahig at ang bulalak nayun ay may mukha ng tao.
Ano ito? Mapanganib kaya 'to? Ano na naman ba 'tong napalabas ko? Kung may mukha siya ng kagaya sa tao, nagsasalita din kaya ito?
“Nagsasalita ka?” tanong ko habang nakalayo sa kanya. Baka kasi kung ano ang mangyari saakin.
“Yes, Miss Ana.”
Nalaglag ang panga ko ng magsalita nga siya at kilala pa ako.
“A-anong klaseng bulaklak ka?” Tanong ko.
“Violet rose. Ako ang bulaklak na kapag tinanong mo ay hindi nagkakamali ng sagot.”
Astig! Pero ano na naman ba itong nagawa ng kapangyarihan ko? Teka, baka makatulong ito saakin. “Pwede mo ba akong tulungan kung paano ko makokontrol ang kapangyarihan ko?”
“Simple lang 'yan. Humugot ka lang sa puso mo ng emosyon mo at makakaya mo ng magpalabas at makontrol ang kapangyarihan mo.”
“Paano?” Tanong ko pa.
“Mag-concentrate ka mabuti. Ipikit mo ang mata mo. Isipin mong nasa isang maaliwalas kang lugar kung saan nadidinig mo ang paghampas ng alon ng dagat at maaliwalas ng hangin. Kapag malinis na ang kaisipan mo. Maari ka ng humugot ng emosyon sa puso mo. 'Wag lang galit ang hugutin mo. Mapapasama sayo ‘yan. Love ang isipin mo para maganda ang kalalabasan.”
Sinunod ko ang tinuro niya. Nagconcentrate ako mabuti. Nag imagine ako na nakaupo ako sa batuhan sa maliit na lawa kung saan maaliwalas ang sikat ng araw. Nang magawa ko ‘yun ay naging malinis ang daluyan ng puso’t-isip ko. Dahil doon ay sinubukan ko ng gamitin ang kapangyarihan ko.
Sinubukan kong magpalabas ng fireball sa kamay ko. Sa unang pagkakataon ay madali ko ‘yung nagawa.
“Wow! Nagawa ko! Nagawa ko!” Masaya kong sabi habang nakalutang sa kamay ko ang maliit na fireball na gawa ko.
“Salamat sayo Bulaklak ko.”
“Dahil nagpasalamat ka na ay kailangan ko ng maglaho. Paalam, Miss Ana. Hanggang sa muling pagkikita natin,” matapos niyang sabihin 'yun ay nawala na siya ng parang bula.
Ang saya! Kaya ko na. Sa tuwa ko ay Pinaglalaruan ko pa yung fireball sa kamay ko. Nakakatuwa din dahil hindi manlang ako napapaso sa kamay. Ang saya talaga.
“Nice! Sa wakas nasanay ka rin.” Nagulat ako kay Zackery na biglang sumulpot sa likod ko.
“Oo nga, Zackery. Tignan mo ang fireball na nasa kamay ko,” pagmamalaki ko sa kanya.
“Nakikita ko nga. Very good!” Bigla akong napatingin sa sinabi niyang 'yun. Saka 'yung tono ng pananalita niya. Bakit ang malumanay.
“S-salamat!”
“Patayin mo na 'yan at baka kung mapaano kapa.” Saad niya. Kakaiba. Bakit ang aliwalas ng awra niya. Bakit ang malumanay niyang mag salita. Napapasunod tuloy ako.
“Oo, sige. Itatama ko ito sa sahig para doon tumama,” saad ko at saka ko ‘yun ginawa.
Malakas ang pagsabog pero 'di naman ako nagalusan.
“Maupo ka muna ditto Miss Ana, kakausapin lang kita saglit.” Saad pa niya. Kinakabahan talaga ako sa inaasta ng lalaking 'to. Wala kong nagawa kundi ang sumunodsa kanya.
“B-bakit?” Nauutal kong tanong. Nakakatakot kasi kausap ang lalaking 'to.
“Miss Ana, mabait ako. Hindi ako gaya ng iniisip mo. Sana naman 'wag mong isipin na masama ako. Kaya lang ako nag sungit nung paalis tayo kasi... kasi... kasi...”
“Kasi ano?”
“Kasi ayaw mo akong kasama? Hindi ba ako masayang kasama?” Seryoso? Gusto kong tumawa. Para naman palang bata ang lalaking 'to eh.
“Hindi naman sa gano’n. Hindi kasi kita madalas kasama kaya kapag magkasama tayo ay naiilang pa ako. Hayaan mo, kikilalanin pa kita. Saka 'diba ikaw makakasama ko sa palasyo. Alagaan mo sana ako ah?”
Nagulat ako ng bigla siyang ngumiti. Ito ang unang beses na makita siyang nakangiti. Gwapo at mas bagay sa kanya.
“Oo naman. Talagang aalagaan kita, ‘yun ang utos nila Miss Elidi.” Sagot niya.
Nakakatawa. Okay naman pala siya. Nagkamali pala ako ng kilala sa kanya. Mabait at okay naman pala siya. Sa tingin ko ay wala naman pala akong magiging problema sa palasyo. Naging excited na tuloy ako sa pag punta namin sa palasyo. Pero naalala ko, sino kaya ‘yung Shawn na madadatnan namin d'on? Sana mabait siya. Sana maging close ko din si Mr. Zell. Anyway, for the first time makakarating at makakapasok na ako sa isang palasyo. Palasyo na sa movie o cartoon ko lang nakikita. Ang saya! Hindi na ako makapag-hintay.