Chapter 17 - Goodbye, Magenta Academy

2706 Words
Chapter 17 Ana's POV ITO na ang araw ng pag-alis naming sa Magenta Academy. Mamimiss ko talaga ang lugar na'to. Kahit iilang araw palang ako nandito ay parang pakiramdam ko ay matagal na akong taga-dito. Sa iilang araw na pamamalagi ko dito ay marami agad na nangyari. Pangyayari na hindi ko inaakalang kagagawan ng kapangyarihan ko. Kaya naman hinihiling na sa muling pagbabalik ko sa magenta academy ay galamay ko na ang kapangyarihan ko at pinapangako kong gagawin ko ang lahat para tulungan silang mabawi ang princessa sa mga halimaw na may black magic. “Galingan mo ang pag-eensayo mo, Ana,” wika ni Natalia. “Oo nga, dapat pag-balik mo ditto ay magaling kana,” wika naman ni Averil “Kaya mo 'yan, Ana.” Cheer naman ni Arlo “'Yung mga paalala ko Ana, palagi mong tatandaan,” seryosong wika ni Draco. Grabe! Napakarami kong taong mamimiss. Parang gusto ko tuloy umiyak. Mayamaya ay dumating naman ang mga guro dito. “Miss Ana, sana makontrol mo na ang powers mo. Goodluck sa magiging training mo," nakangiting wika ni Miss Elidi “Opo ,Miss Elidi. Gagalingan ko po talaga.” “Miss Ana, maging matatag ka sana. Makakayanan mo din ang lahat,” wika naman ni Miss Saskia. "Opo, Miss Saskia. Tatatagan ko po. Salamat po." 'Yung ibang may mga birthstone nakatingin lang saakin. Wala manlang ba silang sasabihin? “Sumabay ka lang sa pagaspas ng hangin at magtatagumpay ka,” saad naman ni Miss Farasha. Nginitian ko siya. “Oh, Ayan na ata ang sundo n'yo, Miss Ana. Sige na, umalis na kayo at mahaba-haba pa ang lalakbayin n'yo. Mag-papakabait kayo doon,” sambit ni Miss Elidi at hinatid pa kami sa gate ng Magenta Academy. Napatingin ako sa labas ng academy. Nanlaki ang mata ko sa nakikita. Isang mahabang karwahe ang sasakyan namin? Grabe! Ang lakas maka-princessa! Sumakay na kami ni Zackery doon. Inalalayan akong sumakay ni Zackery. Ngayon palang pakiramdam ko ay alagang alaga na ako ni Zackery. At talagang siya pa ang nagdala ng mga gamit ko. Mabait naman pala talaga siya. Masyado lang talaga akong mapanghusga. Im sorry, Zackery! Nadinig kong hinampas na ang kabayo kaya alam kong magsisimula na kaming umalis. Grabe! Ito na, mamimiss ko talaga ang Academy. Di bale mabilis naman ang isang buwan. Babalik din ako dito kaya paghuhusayan ko ang pag-eensayo ko. Mula sa bintana ng karwahe ay nakita kong kumakaway silang lahat. Sa nakita ko ay di ko na napigilan. Napatulo na ang luha sa mga mata ko lalo ng makita ko si Natalia at Averil na malungkot ang mukha. Nang malayo na kami ay bumalik na ako sa wisyo ko. “Sa sobrang haba ng upuan ay pwedeng mahiga,” pambasag ni Zackery sa katahimikan namin. Tama siya. Ang haba nga ng upuan. Magkaharap kaming nakaupo ni Zackery dito sa loob ng upuan. Tabi-tabi niya ang mga gamit namin. Natitigan ko si Zackery. Ang gwapo din naman pala niya. Pero ang dami niya palang sugat na natamo. “Zackery?” “Yes, Miss Ana?” “Sorry!” Sambit ko na kinagulat niya. “Ha? Para saan?” naguguluhan niyang tanong. “Dahil saakin nagkasugat ka nang marami. Sorry talaga.” Nakita kong ngumiti siya. “Wala 'yun. Syempre kailangan n'yo ng tulong kaya dapat tulungan ko kayo.” “Eh, basta naguguilty ako. Ang kinis kinis dati ng balat mo. Tignan mo na ngayon nagkasugat-sugat tuloy. Basta Sorry!” “Oo na, apology accepted. Ikaw talaga Miss Ana ang kulit kulit mo!" saad niya na matawa-tawa pa. This is the first time na nadinig kong humalakhak siya. Ang cute niyang tignan. Ang masungit at maangas pala na si Zackery ay may ganito palang side. Mas bagay sa kanya ang masayahing tao. Sana lagi siyang ganyan. “Oh, bakit nangingiti ka diyan?” Tanong niya habang magkasalubong ang kilay. “Eh kasi, first time lang kitang makitang tumawa.” “'Yun lang ba ang kinangi-ngiti mo?” tanong niya at nagtatawa pa lalo. Dahil doon ay natawa na din ako. “Tama 'yan. Tatawa ka palagi. Mas bagay sa'yo. Mas lalo kang guma-gwapo.” Nakita kong bigla siyang natameme. “Guma-gwapo? Gwapo ang tingin mo saakin?" Nagulat ako ng mayamaya ay namula pa ang kanyang mukha. “Oo. Bakit gwapo ka naman talaga eh,” sagot ko na lalong nag-pamula sa mukha niya. “N-naga-gwapuhan ka saakin?” tanong pa niya ulit na tila hindi naniniwala. “Oo. Gwapo ka naman talaga eh. Lalo na kapag nakangiti. Teka, bakit ba namumula ka?” Nanlaki ang mata niya ng sabihin kong namumula siya. Hindi na siya ngayon makatingin saakin ng direstyo at bigla siyang tumingin sa bintana. “Ah sige, Miss Ana. Magpapahinga muna ulit ako. Maaga kasi akong nagising.” Aniya na tila iniiba ang usapan. Nahiya na ata siya. Masama ata sa kanya ang nasasabihan ng gwapo. Hahaha! Nakakatuwa naman pala 'tong lalaking 'to. “Sige lang. Titingin tingin nalang muna ako sa mga tanawin sa bintana. Sleepwell, Zackery.” Sa bilis ng takbo ng karwahe ay nahilo ako sa kakatingin sa paligid, kaya naman unti-unti ay nakatulog din ako. Hindi ako alam kung nakailang oras ako sa pag-tulog. Naramdaman ko nalang na may sumusundot sa pisngi ko. “Hoy Miss Ana! Gising na at nandito na tayo.” Unti-unti kong minulat ang mga mata ko at si Zackery agad ang nakita ko. “Nandito na ba tayo sa palasyo?” “Yes, Miss Ana, kaya bungangon ka na diyan at bababa na tayo.” Sagot ni Zackery. “Sige, mauna ka ng bumababa at susunod na ako.” “Okay.” Nag-ayos muna ako ng sarili bago bumaba. Syempre palasyo 'tong pupuntahan ko kaya dapat presentable ang datingan ko. Nang pakiramdam kong ayos na ako ay bumababa nadin ako. Napapa-wow lang ako sa laki ng palasyo. Kulay dark blue 'yun na may halong gold. Ang astig! Halatang halatang lalaki ang namumuno dito. “Halina na po kayo sa loob. Kanina pa kayo hinihintay ni King Zell.” Sambit ng isang kakadating palang na lalaking naka-tuxedo. Sumunod kami sa kanya. Nagulat si Zackery ng bigla akong umakay sa kanya. Nahihiya kasi ako. Baka kasi puro mga mayayaman ang nasa loob. “Bakit napakahigpit mo naman makakapit? Natatakot kaba?” Biglang tanong ni Zackery. “Hayaan mo nalang ako. Nahihiya kasi ako eh.” “Okay,” sagot niya at hinayaan nalang ako. Mahaba-haba ang nilakad namin. Ang ganda dito ng mga halaman. Ang dami ding puno na nakatayo. Ganitong-ganito ‘yung nakikita ko sa mga fairytle. Hindi ako makapaniwalang nandito na ako sa isang tunay na palasyo. Nang tuluyan kaming makapasok sa loob ay lalo akong nagulat. Isang lalaking may edad at isang binatang lalaki ang nadatnan namin. Dahil do'n ay nakahinga ako ng maluwag. Akala ko kasi ay maraming tao dito. “Sa wakas! Nakarating na din kayo dito. Ikaw ba 'yung Ana'ng may kakaibang kapangyarihang taglay?” Tanong ni King Zell. “O-opo.” Mautal-utal kong sagot. “Bakit parang ang hina naman niyang tignan,” biglang sabat nung binatang lalaki. Ang yabang niya. Patamaan kita diyan ng fireball ko eh! “Tumigil ka Shawn!” Saway ni King Zell. Ah siya pala 'yung Shawn na sinasabi ni Draco na layuan ko. Dont worry Draco, kalayo-layo naman talaga ang lalaking 'yan. “So, hindi mo pa talaga galamay ang kapangyarihan mo?" Tanong ulit ni King Zell. “Konti po.” Maikli kong sagot. “H'wag kang mag alala at ang Prinsipe na ang bahala sa'yo. By the way, si Shawn ang nag-iisang anak ko.” Wika ng hari na kinagulat ko. Prinsipe pala ang gunggong nayun! Biglang tumayo ‘yung mayabang na prisipeng ‘yun. “Hello. Kingagalak ko kayong makilala,” wika niya sa disenteng pamamaraan. “Ako si Zackery. Magandang araw po sa’yo mahal na Prinsipe." Bati ni Zackery na tinanguan naman ni Shawn. Dahil hindi ko gusto ang prinsipeng ‘yun ay nag “Hi!” lang ako sa kanya. “Halina na kayo at sabayan n'yo na kami sa aming tanghalian.” Naupo narin kami sa hapag-kainan nila at wow na wow sa dami ng pagkain. Tila fiesta. Natatakam tuloy lalo ako. Sari-saring pagkain na masasarap ang natikman naming. Ngayong lang ako nakakain ng ganoong kay sasarap na pagkain. Bundat na bundat nga ako sa kabusugan eh. Matapos naming kumain ay dinala na muna kami sa magiging kwarto namin ng lalaking naka-tuxedo kanina. Malaki ang naging kwarto ko. Tila ako princessa. Malaki pa 'yun sa homeroom ko. Nakakatuwa. Mukang mag-eenjoy ako sa palasyong 'to. Pag sapit ng hapon ay pinatawag na ako ni Shawn sa training field. Tama nga ang sinabi ni Miss Elidi. Mas malaki ang training field nila dito sa palasyo. “Ano ba ang kapangyarihan mo?” Tanong ng Prinsipe habang nasa hawak-hawak niya ang espada niya. “Fire, lightning, Ice, Halamang may blade, Halamang nag sasalita at halamang may poision.” Sa sinabi ko ay nakita kong napalaki ang mata ng prinsipeng ‘yun . Ang buong akala ko ay naniwala na siya sa mga sinabi ko. Hindi inaakalang pagtatawanan pa niya ako. “Nagpapatawa kaba? Ganyan kadami ang kapangyarihan mo?" gulat niyang tanong. “'Di 'wag ka pong maniwala,” sagot ko saka ko siya inirapan. “Seryoso ka ba?” Tanong pa niya ulit. “Mukha po ba akong nag jo-joke?” Naiinis ko ulit na sagot. “Sige na, sige na. Naniniwala na ako.” Sa wakas. Nagka-saysay din ang usapan. “So, paano nyo po ako matutulungan?” “Patamaan mo ako ng kahit anong kapangyarihan mo. Ay hindi! Ayoko, baka masaktan ako. Magpalabas ka nalang ng kahit anong kapangyarihan mo.” “Okay.” Pumikit ako. Inisip ko ang maaliwalas ng lugar. Nagconcentrate akong mabuti. Mayamaya ay nagulat ako ng pagdilat ko ay may fireball na sa kamay ko. “Oh my gosh! Nagawa ko. Nakapag palabas ako ng fireball!” sa sobrang tuwa ko ay nagtatatalon pa ako. Pinaglaruan ko ulit ang fireball sa kamay ko. Ang astig ko na talaga. “Magaling! Ngayon naman ay gusto kong iceball naman palabasin mo. Sige na, itira mo na yan sa pader. Tignan natin kung gaano kalakas ‘yang fireball mo," utos ng prinsipe. Ipinatama ko sa pader ang fireball at doon sumabog 'yun ng sobrang lakas. Nagulat pa nga ako na nabutas ko pa ang pader. “Ops! Nabutas 'yung pader,” sabi ko habang nakangisi. Nahuli kong nakanganga si Shawn. Nagulat din ata. “Magaling! Napahanga mo ako. Iceball naman." Agad kong sinunod ang inutos niya. Ipinikit ko ang mata ko. Inisip ko ang maaliwalas ng kapaligiran. Nagconcentrate ulit ako. Nag imagine ako ng snow na may lightning at sa loob ng yelo. Pagdilat ko ay may iceball na ako sa kamay ko. Iceball na may halong kuryente. “Hala! Nagawa ko na naman. Nasasanay na talaga ako. Alam ko na at mukhang galamay ko na ang kapangyarihan ko.” “Grabe! Anong klaseng babae ka? Bakit ang dami mong kapangyarihan?” naguguluhang tanong ni Shawn. “Tulad mo ay hindi ko din alam,” sagot ko habang nakangiting nakatingin sa iceball kong may halong lightning. “Sige na. 'Wag mo ng paglaruan 'yan at ihagis mo na sa itaas.” Utos ulit ni Shawn. Ginawa ko ang sinabi niya. Inihagis ko sa itaas ang iceball at doon ‘yun malakas na sumabog. Unti-unti ay parang umuulan tuloy ng snow. Ang astig! “Alam ko na. Mag papalabas pa ako ng mga hindi ko pa napapalabas,"saad ko na hinayaan lang ako ng Prinsipe. Mukhang nag eenjoy at ngayon ay hangang-hanga na saakin si Shawn. Pumikit ako at nag isip. Nag imagine ako ng isang halaman. Halamang kayang mag palabas ng tubig. Itinapat ko ang kamay ko sa sahig ng field at doon unti-unting lumabas ang isang halaman. Paglabas ng halaman ay nagulat ako ng mag palabas agad ito ng tubig. Sa bawat damon nito ay may tubig na lumalabas. Para bang may fountain. Ang ganda! “Ano 'yan?” Tanong ni Shawn. “Halaman,” maikli kong sagot. “Ano ang kayang gawin n'yan?” “Kaya ka niyang atakihin.” “Sige nga.” “Halaman ko. Inuutusan kitang lunurin mo ng tubig mo ang lalaking 'yan.” Saad ko at mayamaya’y tumilapon ng malakas si Shawn. Tinira siya ng malakas na tubig ng halaman ko. “Tama na!” Utos ko sa halaman ko. Nilapitan ko ang basang-basa na si Shawn. Inalalayan ko siyang tumayo. “Hindi pala basta-basta ang halaman na'yan.” Wika ni Shawn na iika-ikang maglakad. “Nasaktan ba kita?” seryoso kong tanong. “Okay lang. Kasama sa training ang nasasaktan,” sagot niya at saka siya naupo sa damuhan. “Alam mo Miss Ana. Iba ka nga. Kakaibang nilalang ka," duktong pa niyang sabi. Mukhang ayos naman pala ang shawn na'to. Naramdaman kong naman parang mabait naman siya. "Siguro tama na muna ang training ngayon. Nasaktan kita mahal na Prinsipe. Mabuti pa po ay mag-pahinga na muna tayo at bukas nalang ulit." Sabi ko. “Mabuti pa nga,” sagot niya. Paalis na sana ako ng bigla niya akong tawagin. “Miss Ana? Pwede bang paki-alalayan ako. Hindi kasi ako makalakad ng maayos. Hatid mo lang ako hanggang sa loob ng palasyo at doon sa mga maid na ako mag papatuloy mag paakay," saad niya. Naisip ko ng healing power ko. “Hindi. Ako may gawa niyan kaya ako ang gagamot sayo. “ Nilapitan ko siya. “Anong gagawin mo?” Nagtataka niyang tanong. “Basta, maupo ka nalang diyan.” Ipinikit ko ang mata ko. Hiniwakan ko ang binti niyang masakit. Nag isip ako ng herbal na gamot na magpapagaling sa kirot ng paa niya. Mayamaya ay umilaw ang kamay ko. Nagulat si Shawn sa nakita niya. Matapos nun ay saka ko siya tinanong. “Masakit pa po ba? Subukan nyo na pong tumayo?" Tumayo siya at mayamaya ay biglang nangiti. “Wow! May healing powers kadin? Wow! Kakaiba ka talaga. Ang galing! Nawala ang sakit sa binti. Napahanga mo na ako Miss Ana,” nakangiti niyang wika. “Mabuti po kung gano’n,” sagot ko. “So, paano bukas ulit. Pahinga ka mabuti. Nag-enjoy ako sa'yo, Miss Ana. Excited na ako bukas sa mga bagong mong ipapakita saakin." Saad niya at saka siya naglakad paalis sa harap ko. Napatitig lang ako sa kanya habang palayo. Bigla ko kasing naramdaman na para malapit saakin si Shawn. Pakiramdam ko ay safe at mapagkakatiwalaan siya. Ang weird. Hay naku makapag-pahinga na nga. Makaligo rin at nahihibang na naman ako sa mga pinag-iisip ko. Bumalik na ako sa kwarto ko. Pagkatapos ko maligo ay pahiga na sana ako ng may biglang may kumatok sa kwarto ko. Pagbukas ko ng pinto ay si Zackery na nakangiti ang bumungad doon. “Oh, ikaw pala Zackery? Bakit ka napapunta dito?” Pinapasok ko siya. Naupo siya sa mahaba kong sofa. “Kamusta ang training mo? Sinungitan kaba nung Shawn na'yun?” Tanong niya agad. Umiling ako. “Hindi. Ayos naman siya. Gulat na gulat nga siya sa mga kapangyarihan ko eh. Nag-enjoy daw siya saakin.” “Sinabi n'ya 'yun?” “Oo, bakit?” “Bastos niya magsalita ah. 'Wag niyang uulitin 'yun at kukuryentihin ko talaga siya.” Napakunot noo ako. Anong problema nito. Hindi naman pambabastos 'yun ah? “Ano kaba. Hindi ako binabastos ng Prinsipe. Nag enjoy lang siya kasi kakaiba daw ako.” “Huwag kang naniniwala sa lalaking 'yun. Binobola kalang nun. Sige na, mukhang magpapahinga kana. Aalis na ako.” Tumayo na siya at akmang lalabas sana ng bigla namang siyang bumalik. “Oh, may nakalimutan ka ba?” tanong ko. “Oo, ito.” Bigla niyang hinalikan ang noo ko. “Goodnight! Miss Ana. Tandaan mo na aalagaan kita.” Natameme ako sa ginawa niya. Nakalabas na siya ng kwarto ko pero ito ako. Para parin akong rebolto na walang imik. Bakit niya ginawa 'yun? Kailangan bang may kiss pa sa noo? Dahil tuloy doon ay hindi agad ako nakatulog. Nakatingala ako sa kisami at iniisip kung bakit niya ginawa 'yun. Ay naku binabaliw ako ni Zackery. Bakit ba kasi may kiss-kiss pa sa noo? Tila tuloy ako baliw ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD