Chapter 19 - The Stylist Plant

2205 Words
Chapter 19 Ana's POV HABANG nagmumuni-muni ako sa training field ay isang lalaki ang biglang lumapit saakin. “Miss Ana, Gusto daw po kayong makausap ni haring Zell," saad ng lalaking naka tuxedo sabay yuko saakin. “Papunta na kamo,’ Sagot ko. Tumayo na ako at pumunta sa kanya. Nasa terrace siya ng palasyo kaya doon ko siya pinuntahan. “Gusto n'yo daw po akong makausap?" Bungad kong sabi sa kanya ng makarating ako sa terrace ng palasyo. “Oo,” Aniya sabay harap saakin. “Ano po ‘yun mahal na hari?” Tanong ko. Ang hirap makipag usap sa hari. Nakakailang. “Itatanong ko lang sa'yo kung may nakapagsabi na sa'yo na kamukang kamuka mo si Queen Tiana noong dalaga pa siya." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. “Po?” “Mukhang wala pa ngang nakakapag sabi. Kamukang kamuka mo kasi si Tiana. Ang asawa ng kapatid kong si Zeus. Kung sakali mang andito din ang Princess Zuzana ay tiyak na kahawig mo din siya.” Nakakawindang ang mga sinasabi ng hari. “Pero king Zell, nagkakamali po kayo. Simpleng tao lang ako. Alam ko pong napakaganda nila Queen Tiana at Princessa Zuzana kaya nakakahiya pong malinya o maikumpara sa mga taong may royalblood na gaya nila." Napaka-imposible naman kasi. kamuka ko si Princess Zuzana at Queen Tiana. Hahaha! Nagpapatawa ata si King Zell eh. “Hindi pa tayo sure, Miss Ana. Sana lang tama ang aking hinala. Sana ikaw si Princess Zuzana,” nagpupumilit niyang sabi. “Favor, Miss Ana?"dagdag niya pang sabi. “Ano po ‘yun mahal na hari? Kunot noo kong tanong. “Pwede ba kitang yakapin?” Ang weird pero pumayag na din ako. “S-sige po,” sagot ko at saka ako lumapit sa kanya. Habang yakap-yakap ko siya ay naramdaman ako ang pag ka-safe. Ang gaan ng pakiramdam ko sa kanya. “Salamat, Miss Ana.” Aniya sabay ngiti. “Tanong lang po, King Zell. Nasaan po ba ang Queen n'yo?” Nakita kong parang nalungkot ang mukha ni King Zell sa tinanong ko. “Wala na siya. Pinatay sila ng mga taong may black magic. Wala silang awa. Pinaslang nila ng walang kalaban-laban ang asawa ko.” Nakiita ko ang galit sa puso ni King Zell. Pati ako ay lalong nagalit sa mga halimaw na’yun. Napakarami na nilang atraso sa mga tao dito. “Apat silang halimaw na walang puso!” May luhang tumulo sa mga mata ni King Zell. Hanggang ngayon ay tila damang dama parin niya ang lungkot sa pagkawala ng asawa niya. Naawa ako bigla kay king Zell. “Tatlo nalang po sila. Napatay ko na ang isa sa kanila. Napatay ko na po si Seraphim. Sumugod kasi siya sa Magenta Academy. Aksidente ko siyang napatay.” Nagulat si King Zell sa nadinig niya. “N-napatay mo ang malakas na si Seraphim?" Gulat na tanong ni King Zell. “Opo, wala na siya. Patay na siya.” “Napakagaling mo naman, Miss Ana. Ikaw ang kauna-unahan na nakapatay ng taong may black magic. Kaya siguro pinangangalagaan ka nila Miss Elidi, dahil ikaw ang alas nila. Dapat nga palang kitang alagaan. Ikaw ang makakatulong para makaganti kami sa mga taong 'yun. Kailangan sa lalong madaling panahon ay magpakalakas kana. Paghusayan mo pa ang pagte-training." Seryoso si King Zell. Lahat sila pinangangalagaan ako. Ganun ba talaga ako kalakas? Pero bakit sa tingin ko mahihina naman ang mga taong may black magic. Pakiramdam ko ay kayang kaya ko silang talunin. “Opo, King Zell. Paghuhusayan ko pa. Asahan n'yo pong magpapalakas ako at ipaghihiganti ko ang pagpaslang nila sa asawa n'yo.” “Hindi na ako makapag-hintay. Sabik na ako. 'Wag mo akong bibiguin, Miss Ana. Aasahan kita na lahat sila ay mapapatay mo. Goodluck sa'yo, Miss Ana. Saludo ako sa galing mo.” Nginitian ko nalang siya. Masarap sa pakiramdam ang pinupuri ka, lalo pa’t Hari ang pumupuri sa’yo. Isang itong malaking karangalan na natamo ko. Ang saya saya sa feeling. Sana lang matalo ko sila. Sana masagip na namin ang Princessa. --**-- KINABUKASAN ay maaga akong ginala ni Zackery. Natutulog pa ako ng ipagluto niya ako ng almusal. Nagising nalang ako na may nakahanda ng mga pagkain sa lamesa ko. Nadatnan kong nakaupo sa kusina si Zackery habang nakangiti. “Goodmorning, Miss Ana. Handa na ang almusal mo. Halika na’t kumain na," Sambit niya habang nakangiti parin. “Ano ‘yan? Hindi mo naman kailangang gawin 'yan. Nakakahiya,” sagot ko. “Okay lang ‘yan. Gusto ko kasi na happy ka," wika niya at saka tumayo sa kinauupuan niya at inakay ako paupo sa harap ng niluto niya. Nakakatuwa 'tong si Zackery. Maling mali talaga ang unang pagkakakilala ko sa kanya. Pakiramdam ko tuloy ay mag-jowa kami. Nakakailang. “Nakakahiya talaga,” sambit ko habang sinisimulan ng kainin ang niluto niya. Impyernes, masarap siyang magluluto. Swerte ng mapapangasawa niya. “Ang sarap mo magluto," puri kosa kanya. “Salamat. Masaya akong nasarapan ka sa luto ko,” sagot niya at pinagsalin pa talaga akong juice sa baso ko. “Salamat ulit,” saad matapos niyang salinan ng juice ang baso ko. “Bakit nga pala ang aga mo?” tanong ko. “Maaga akong nagising. Hindi na ako nakatulog nung nagising ako ng 5 o-clock kaya, naisipan kong ipagluto ka ng almusal.” “Maaga ka sigurong natulog kagabi kaya maaga kang nagising.” " Anyway, wala kang training ngayon. Birthday ni King Zell ngayon kaya may party mamayang gabi sa palasyong ito. Inanyayahan niya tayo kaya kailangan nating mag-ayos mamayang gabi." Nakakahiya. Tiyak na mamaya maraming tao mamaya. “Nahihiya ako. Wala akong magandang damit at mga magagarang alahas. Baka mag-mukha lang akong gusgusin mamaya. Parang ayoko ng pumunta. Dito nalang ako sa kwarto.” Sinabangutan ako ni Zackery. “Hindi ah. Kahit ano naman ang suotin mo, maganda ka parin.” Sambit niya na kinangiti ko. Tama ba ‘yung nadinig ko? Mayamaya ay biglang may kumatok sa pinto ng kwarto ko. “Pasok po!” Sigaw ko. Pumasok ang isang taga-alalay ng hari. May dala siyang malaking kahon. “Magandang umaga po, Miss Ana. Pinabibigay po 'to ni King Zell. 'To po daw ang isusuot mo mamayang gabi sa party niya,” saad ng lalaking alalay at saka inabot sa akin ang kahon. “Oh, ayan may isusuot ka na,” nakagiting wika ni Zackery. “Eh, ikaw?” “Meron na din ako. Pinadalhan na din ako ng King Zell kanina.” Kaya naman panatag siya eh, alam niyang may pa-damit si King zeus saamin. Sana lang ay makayanan kong makisalamuha sa mga royal family na aattend mamaya. --**-- PAG-SAPIT ng hapon ay nag-ayos narin ako. Kaya lang wala akong make-up at hindi ako sanay mag ayos ng buhok kaya hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Nang hapon na’yun ay tila nawalan na naman ako ng gana na umattend sa party na’yun. Pero nagulat nalang ako ng bigla kong maisip ang nagagawa ng kapangyarihan ko. Pumikit ako. Nag imagine ako ng halaman na may glam team. Itinapat ko ang kamay ko sa sahig. Mayamaya ay may halaman na tumubo sa sahig. Magara 'yung halaman. Sa bawat dahon niya ay may mga sari-saring make-up. Meron din siyang mga gamit para sa buhok. Ayos talaga ang naisip ko. Inutos ko sa halaman ko na pagandahin ako. Lumapit ako sa halaman ko at mayamaya ay inumpisahan na niya akong ayusan. Sabay-sabay ang ginawa niya. Mapa make-up at buhok. Para bang ang daming galamay ng halaman ko. Makalipas ang ilang minute ay tapos na agad. Pumunta ako sa harap ng salamin. Pagtingin ko sa salamin ay halos hindi ko makilala ang sarili ko. May itinatago pala akong ganda. Tiyak na hindi ako makikilala ni Zackery mamaya. Kulot ang buhok ko. At ang linis linis ng pagkaka-make-up saakin. Pagkatapos kong mag ayos ay sinuot ko na ang magarang gown at mga alahas na pinadala ni King Zell. "Salamat! Halaman ko. Maari ka nang lumisan." Pagkasabi ko nun ay naglaho na ang halaman ko. Mayamaya ay may kumatok na sa pinto ng kwarto ko. Mukhang nandito na si Zackery. “Pasok po,” Sigaw ko sa loob. “Ikaw na ba'yan, Miss Ana?” tanong niya. Nakatalikod pa ako sa kanya kaya hindi pa niya nakikita ang mukha ko. Nahihiya ako. Baka mapangitan saakin si Zackery. Dahan-dahan akong humarap sa kanya. Pagharap ko ay nakita kong napanganga si Zackery at halos malaglag ang panga. “I-ikaw ba'yan, Miss Ana?” Mautal-utal niyang tanong. “P-pangit ba?” Nahihiya kong tanong. Napangiti siya at titig na titig parin saakin. “Hindi. Ang totoo ay napakaganda mo. Halos hindi nga kita makilala eh. Para kang princessa. Ang swerte ko naman at napaka ganda ng e-escortan ko ngayong gabi,’ nakangiting wika ni Zackery. Hindi talaga maalis ang titig niya saakin. “Ayos lang ba talaga? Nahihiya ako. Baka ang pangit ko." Bakit pakiramdam ko eh, over na pagka-humble ko. hahaha! Nakakahiya kasi sa mga mayayaman na bisita ni king Zell. Sana talaga ay makasabay ako sa pagiging sosyal nila. “Promise! Ayos na ayos nga. Tiyak na ikaw ang pinaka maganda ngayong gabi.”Sa sobrang puri ni Zackery ay lumakas na ang loob ko. “Halika na. Nagsisimula na ang party. Baka kanina pa tayo hinahanap ni King Zell,”aya niya saakin. “Okay...” “'Wag kang mag alala. Hindi ka mapapahiya. Tiyak na pagti-tinginan ka doon mamaya. Napakaganda mo ngayong gabi. Ikaw ang magniningning sa party na’yun.” “Bolang bola na ako sa mga puri mo.” “Nagsasabi lang ako ng totoo.” Seryosong wika ni Zackery. Habang naglalakad kami ay may iilan-ilan nang tumitinginsaakin. Kapag tinitignan ko sila ay ngumingiti sila at kumakaway pa saakin. Nang makarating kami sa party ay halos lahat nga sila ay nakatingin saakin. “Napakaganda naman niya.” “Mukha siyang princessa.” “Napaka amo ng mukha niya.” “Mukha siyang anghel.” “Siguro Princessa siya.” Sari-saring magagandang komento ang nadinig ko. Nakakataba ng puso. Paglapit ko kay King Zell at Prince Shawn ay parehas silang nagulat at napanganga din. Napatayo pa silang sabay. Agad nila akong nilapitan at sinalubong. “Kamukhang kamukha mo si Tiana.” Biglang sabi ni King Zell. “Sino siya?” Tanong ni Shawn. “Ano kaba, Shawn! Si Miss Ana ‘yan,” wika ni King Zell. “Ikaw ba'yan, Miss Ana?" Gulat na tanong ni Shawn. “Ako nga 'to.” Sagot ko. "Sorry, Miss Ana. Hindi kita nakilala. Napakaganda mo. Mukha kang Princessa." Wika ni Shawn na titig na titig saakin. Uupo na sana kami ng lapitan kami ng isang matandang babae. “Sandali, King Zell. Kaaano-ano mo ba ang napakagandang bata na'yan?” “Si Miss Ana? Wala. Nag te-training lang siya dito sa palasyo ko. Nagpapalakas kasi siya dahil siya ang lalaban sa mga taong may black magic.” Paliwanag ni King Zell. “Oh really? Napakalakas at napakatapang naman niya.” “Ang totoo niyan ay napatay na niya ang isa sa kanila. Napatay na niya si Seraphim.” “Oh my gosh! Napakagaling naman pala ng batang 'yan. Kailangan mong alagaan ng mabuti ang batang 'yan. Siya ang magpapanalo sa atin. Saludo ako sa'yo Miss Ana. Galingan mo at magpalakas kapa.” Wika ng matandang babae. “Salamat po. Sige po gagawin ko po ang lahat ng makakaya ko." Sagot ko. --**-- NAPAKASAYA palang umaattend ng party. Napakaraming kumausap saakin. Napakarami ding napagkamalang princessa ako. Madami ding binatang prinsipe ang sinayaw ako. “Miss Ana, pwede kabang makausap?” Wika ni Zackery. “Sige. Dito kausapin mo na ako,” sagot ko. “Gusto ko sa tahimik. Halika doon tayo sa terrace ng palasyo.” Aya niya. Mukhang mahalaga ang sasabihin niya kaya sumunod nalang ako. Naglakad kami papuntang terrace. Pagdating namin do'n ay tumahimik samandali si Zackery. Hinayaan ko muna siya. Hanggang sa magsalita na siya at basagin ang katahimiikan. “Miss Ana… Ano kasi, Hindi ko na kaya 'tong ilihim pa. Pakiramdam ko ay sasabog na ako..." Naguguluhan ako sa mga sinasabi niya. “Pakiramdam ko ay kapag hindi ko 'to sinabi ay aatakihin na ako sa puso." Huminto siya sandal. Tinititigan niya ako sa mata. Konting konti nalang matatakot na ulit ako kay Zackery. “Miss Ana?” mahina niyang wika saakin. “Yes, Zackery?” sagot ko. “M-may pagtingin ako sa'yo." Nasamid ako sa sinabi niya. Totoo ba'tong nadinig ko? “Hoy sabi ko may gusto ako sa'yo." Wika niya na tila ba ang pula-pula na ng mukha niya. Hindi ako makapag salita. Natameme ako. Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. “Hoy natameme ka na. Sige ka, hahalikan kita diyan! Tignan mo’ko namumula na ako. Hindi ko na kaya, Ana." Hindi siya nagbibiro. Nagulat ako ng ilapat niya sa labi ko ang labi niya. Hindi ko alam kung bakit napapikit pa ako. Damang dama ko ang init ng hininga niya sa labi ko. Damang dama ko sa halik niya ang mainit na pagmamahal na gusto niyang iparating saakin. Sa nangyari ngayong gabi ay isang lang ang masasabi ko. KINIKILIG AKO.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD