Chapter 20 - The Enchanted Forest

2356 Words
Chapter 20 Ana's POV MAG-UUMAGA na pero gising parin ang diwa ko. Grabe! Hindi parin mawala sa isip ko ang ginawa at sinabi ni Zackery. Hindi ako makapaniwalang hinalikan niya ako sa labi at hindi rin ako makapaniwalang may gusto siya saakin. Parang nahihiya na tuloy ako sa kanya. Ang pinunta ko dito ay para mag-training at para maging galamay ko ang kapangyarihan ko. Pero ano 'tong nangyari? Pag-ibig ang natagpuan ko. Putakte naman oh, mababaliw na ako kakaisip kay Zackery. Bakit ba kasi ako pa? Dahil hindi ako makatulog, naligo at nag almusal na ako. Maaga akong nagpunta sa training field. Napaka-aliwalas ng hangin dito sa training field. Inilibot ko ang paningin ko. Napunta ang tingin ko sa terrace ng palasyo. Naalala ko tuloy ang nangyari kagabi. Diyan naganap ang first kiss ko. Diyan din nagtapat ng pag-ibig si Zackery. Grabe talaga ako. Para parin akong nananaginip hanggang ngayon. “Ang aga ata ng estudyante ko?” Nagulat ako sa biglang pag-sulpot ni Shawn. “Oo nga eh. Actually hindi ako nakatulog kaya maaga na akong nagtungo dito.” 'Yun ay dahil kay Zackery. Buong mag damag siya ang iniisip ko. “Bakit naman?” Tanong niya. “Nagka-insomnia ako.” Pagsisinungaling ko. “Aw! Di’bale, mag training na lang tayo.” Aya niya. “Okay.” Sumunod nalang ako sa kanya. Ngayong araw ay tinuruan ako ni Shawn kung paano umilag, paano kumilos ng mabilis at kung paano um-attack ng mabilis sa kalaban. Tinuruan din niya ako ng mga mano-manong pag suntok sa kalaban sakaling makalapit ako sa kalaban. Tinuro din niya ako ng mga technique kung paano sumuntok at sumipa. Marami akong natutunan kay Shawn ngayon. Pati nga pagtambling tinuro din niya eh. Para daw 'yun sa technique ng pag iwas sa atake ng kalaban. Nakakatuwa lang na natutunan ko naman agad ang mga itinuro niya. Sanay na ako tumambling. “Ano napagod kaba?” Tanong niya. “Medyo, siguro dahil sa puyat ako,” sagot ko. “Marami ka naman bang natutunan?” Tanong pa niya. “Oo, Salamat sa'yo. Konting-konti nalang ay makakayanan ko ng makipag-laban sa mga taong may black magic.” “Masaya akong may natututunan ka sa mga tinuturo ko. Anyway, gumayak ka. Ipapasyal kita sa labas ng palasyo. Para naman ma-fresh-fresh ang katawan mo. Gumayak ka na ngayon at lalakad na tayo pagkaraan ng kalahating oras. See you later." Aniya sabay ako tinalikuran. Saan naman kaya niya ako ipapasyal? Tumuloy na ako sa kwarto ko. Naligo ulit ako dahil pinawisan ako sa training. Matapos akong maligo ay gumayak na ako. Pag gayak ko ay tumungo kaagad ako sa gate ng palasyo. Nando'n na pala si Shawn. Mukhang pinag-hintay ko pa ata siya. Nakakahiya. “Kanina ka pa nag-hihintay?” Nahihiya kong tanong. “Hindi naman. Mga 10 munites lang naman akong nakatayo dito. Dibale, So, let's go?” Aya niya. Kapwa na kaming sumakay sa malaking karwahe. “Saan ba tayo pupunta?” Tanong ko ng makasakay kami sa karwahe. Ngumiti siya bago sumagot. “Basta masisiyahan ka mamaya. Suprise 'to.” “Okay." Sagot ko saka ko siya nginitian. Habang naglalakbay kami ay napansin ko na malayo ang mga bahay sa palasyo. Puro bukirin kasi ang nakikita ko. At dahil wala pa akong tulog buong gabi, nagkaroon ako ng oras para matulog sa biyahe. Unti-unting sumarado ang talukap ng aking mga mata. Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nakatulog. Basta nagising nalang ako na tinatapik-tapik na ako sa braso ni Shawn. “Miss Ana, gising na. Nandito na tayo,” wika niya. Unti-unti akong nagising. Nagulat pa nga ako kay Shawn kasi nasa harap ko siya. “Hala sorry! nakatulog pala ako,” sambit ko saka ako nagmadaling tumayo. “Okay lang. Alam ko naman na wala kapang tulog eh.” Sambit niya habang nakangiti. “So, halika na. Nandito na tayo," Aya niya. Bumaba na kami sa karwahe. Pagbaba ko ay nanlaki ang mga mata ko. Nagulat kasi ako sa nakita ko. Amazing! 'Yung mga damo kulay pink. “Wow! Ngayon lang ako nakakita ng pink na damo. Ang ganda!” Sambit ko habang nakanganga. “Halika, marami pa akong ipapakita sayo,” Aniya sabay hinila ako. Dinala niya ako sa isang batis na napakalinaw ng tubig. "Wow! Ang linis ng tubig. Napakintab.” Saad ko. “Maghintay ka lang. May makikita ka pang kakaiba diyan," aniya na titig na titig sa batis. Mayamaya ay nagulat ako ng may lumitaw na isdang may pakpak. Bigla 'tong lumipad sa himpapawid. “Woah! Isdang lumilipad? Grabe! Kakaiba naman ang lugar na'to!” Tuwang tuwa kong sabi. Ang gara kasi. 'Yung isda lumilipad hahaha! “Halika dito naman tayo.” Hinila naman ako ni Shawn sa isang punong malaki. “Ano naman ang mayroon diyan?” Tanong ko. Nakakatuwa talaga dito. “Hawakan mo 'yung puno,” Utos niya na ginawa ko naman. Hinawakan ko nga 'yung puno. Mayamaya ay biglang umalog ang puno at bigla itong kuminang. Nagulat nalang ako ng biglang magkabunga ang puno. Natuwa ako dahil ibat-ibang prutas ang bunga na biglang lumabas. May apple, Orange, Grapes, manggo, strawberry at marami pang-iba. “Grabe! Ang gara din niyang puno na’yan!" Tuwang tuwa kong sabi. Pumitas ako ng apple. Bago ako makapitas ay lumipad muna ako. Mataas kasi 'yung puno. Kinuha ko din ng Orange si Shawn. “Shawn, ano nga pala ang tawag sa lugar na'to?" Tanong ko habang kinakain ko 'yung apple. “Ang tawag sa lugar na'to ay Enchanted forest,” Sagot niya. “Ang galing! Ang astig talaga dito,” sagot ko. Habang kumakain ako ng Apple ay bigla akong dinapuan ng maraming violet na butterfly. “Bakit sila dumapo saakin?” Nakita kong nanlaki ang mata ni Shawn.” “Zuzana? Ikaw si Zuzana!” Sambit bigla ni Shawn. “A-anong ibig mong sabihin?” Nalilito kong tanong. "Si Zuzana lang ang dinadapuan ng mga violet na paru-parong 'yan. Ganitong-ganito ang nangyayari sa panaginip ko. Mula pagka-bata hanggang sa paglaki ko ay palagi kong napapanaginipan ‘to. Sigurado ako. Ikaw talaga si Princess Zuzana," seryoso si Shawn. Naluha pa nga siya e. “Nagkakamali ka. Hinding hindi ako magiging si Princess Zuzana. Imposible! Mabuti pa’y umuwi na tayo. Napapagod na ako. Saka inaatok na ulit ako.” Binugaw ko na ang mga paru-parong dumapo saakin. Tumayo na ako at naglakad patungo sa karwahe. Pag sakay ko sa karwahe ay pumikit ako at natulog na. Ayoko muna kasing makausap si Shawn. Hindi kasi nakakatuwang kinukumpara ako sa princessa. Pinapahalagahan ko ang royal family. Isa pa, ayokong magulo na naman ang isip ko. Nakauwi kami sa palasyo ng hindi kami nag uusap ni Shawn. Tuloy-tuloy ako sa kwarto ko. Nasusura kasi akong pinagpipilitan niyang ako ang princessa. Imposible. Nakakahiya. Baka isipin ng ibang mga tao, pilingera ako. Ayokong kasurahan ako ng ibang mga tao. Itinulog ko nalang ang pag-kainis ko. Banda na hapon na nang magising ako. Paglabas ko ng kwarto ko ay nakita ko si Zackery. Todo ngiti pa ang bundol. “Gising ka na pala. Ito oh, ginawan kita ng miryenda. Pinagluto kita ng spaghetti at pancake,” aniya sabay hila saakin para maupo sa lamesa. “Hindi mo naman kailangang gawin 'to. Nakakahiya, Zackery.” “Ginagawa ko 'to kasi nanliligaw ako," seryoso niyang sabi kaya bigla na naman akong namula. Ayan na naman siya. “Pero, Zackery masyado pa tayong bata. Makakapag-hintay ka naman diba?" Sambit ko. Masyado pa kasi kaming Bata. Wala pa sa isip ko ang love-love na'yan. “Oo, naman. Kahit ilang taon pa. Maghihintay ako. Basta 'wag kang magpapa-ligaw sa iba. Akin ka lang." Tumango nalang ako. Kainis. Masyado niyang pinakikilig ang puso ko. Baka mamaya niyan sumabog na ako. Hindi paman ako handing umibig, pero hindi naman ako manhid para hindi kiligin sa napaka-seryoso niyang linyahang matatamis. Nakakatakot kasi baka langgamin na ako. Habang kumakain ako ay may pagsabog kaming biglang nadinig. Napatayo kami ni Zackery at tuloy-tuloy takbo sa labas. Paglabas naming ay nagulat kami sa nakita namin. Ang haring si Zell ay hawak-hawak sa leeg ng isang lalaking nakaitim na green ang mata. “Sh*t! Si Bifrons nandito...” sambit ni Zackery. “Sinong Bifrons?” Tanong ko. “Isa 'yan sa mga taong may black magic.” sagot niya. Si Shawn ang patuloy na nakikipag laban kay bifrons. Nakikita kong sugatan na siya. Masyadong malakas ang Bifrons na'yun. Tinitira siya nito ng Lazer na may lightning. Hindi ko na kaya ang nakikita ko. Kailangan ko ng tumulong. Tumakbo ako patungo kay Bifrons. “Bitawan mo ang hari!” Sigaw ko. “At sino ka namang asungot ka?” Nakatawa niyang sambit. “Hayaan mong magpa-kilala ako." Matapang kong sabi sa kanya. Pumukit ako. Nag imagine ako ng tatlong halaman na higanti. Apoy, tubig at kuryente. Itinapat ko sa lupa ang kamay ko. Doon unti-unting tumubo ang tatlong higanting halaman. Nang malaki na ang mga halaman ko ay inutusan ko na sila na labanan ang halimaw. Nakita kong nagulat si Bifrons. “Ako si Ana. At ito ang kapangyarihan ko. Atakihin n'yo ang lalaking 'yan!” Utos ko sa mga halaman ko. Habang umaatake ang mga halaman at dapat umaksyon din ako. Nag imagine ako ng apoy na may kidlat. Gumawa ako ng malahiganting fireball na may halong kidlat. Napatingin saakin si Bifrons na makitang niyang may ipapatama ako sa kanya. “Tanggapin mo'to!” Sigaw ko saka ko inihagis sa kanya. Kita kong gulat na gulat siya. Swerte ko lang at tinamaan siya. Nabuwal siya at halos sunog ang buong katawan. Hindi ko na sinayang ang pagkakataon na mahina na siya. Nagpalabas ako ng blade sa kamay ko at pinugutan ko ng ulo si Bifrons. Sumabog siya at unti-unting naging abo. Nakita kong nagsipalakpakan ang mga tao sa palasyo. Ganun din Sina king Zell, si Shawn at si Zackery. “Ang galing mo, Miss Ana. I’m proud of you. Isang taong may black magic na naman ang napatay mo. Salamat at niligtas mo ang buhay ko. Utang ko ang buhay ko sa'yo,” Wika ng hari at saka ako niyakap ng mahigpit. “Ang galing galing mo talaga, Miss Ana. Proud ako na isa ka sa mga estudyante ko. Maraming salamat at niligtas mo ang Papa ko." Sambit ni Shawn na nagpupunas pa ng luha. Sugatan siya dahil sa pakikipaglaban kanina. Tumakbo si Zackery palapit saakin. “Ang galing talaga ng mahal ko. Proud na proud ako sa'yo," bulong niya ay saka ako niyakap. Bigla akong nakaramdam ng panghihina. Marami kasi akong kapangyarihan na napakawala kaya ganito ako. “Zackery nanghihina ako. Pwede bang dalin mo ako sa Hospital?” utos ko sa kanya. Biglang nag-alala si Zackery. “Sige-sige. Halika at bubuhatin na kita,” aniya. Habang buhat-buhat niya ako ay nawalan na ako ng malay-tao. Nanghina na talaga ako. --**-- GABI na ng magising ako. Nagulat ako na nasa kwarto ko sa hospital ang hari, si Shawn at si Zackery. “Gising na po siya,” dinig ko sambit ni Zackery. Agad-agad na lumapit saakin si king Zell at si Shawn. “Kamusta ang pakiramdam mo, Miss Ana?” Tanong ng Hari. “Medyo okay naman na po,” sagot ko. Ang sakit ng tiyan ko. Kumukulo. Pakiramdam ko ay nagugutom ako. Wala ng hiya-hiya na pinaalam ko ‘yun sa hari. “N-nagugutom po ako mahal na hari,” sambit ko. Nakita kong natawa ng konti si Zackery. Inirapan ko nga. “I-utos sa kusinera na magluto ng makakain. Mag madali kayo!” Utos ng hari sa mga kawal niya. “Nagpapasalamat kami at okay na ang pakiramdam mo.” Ani Shawn. “Ikaw ba? Ayos naba ang mga sugat mo?” Tanong ko. “Oo. Nalinis na ng mga nurse kanina,” sagot niya. Ang bobo ko. Hindi ko napansin na may mga benda na pala ang mga sugat niya. Nakita kong sumibangot si Zackery. Umalis siya at naupo nalang sa upuan dito sa hospital. Magkasalubong ang kilay niya. Tila ba galit siya. Anong problema niya? May ginawa ba akong mali? “Magpagaling ka, Miss Ana. Marami pa akong ituturo sa'yo.” Ani Shawn habang hinahaplos ang ulo ko. “Oo, magpapagaling ako.” Sagot ko. “Maiwan muna kita, Miss Ana. Kailangan ko na kasing magpahinga. Gabi na. Paki-hintay nalang ang pagkain mo. Muli, nagpapasalamat ako sa pagligtas mo sa buhay ko." “Wala pong anuman mahal na Hari. Sige po, mag-pahinga na po kayo," sambit ko. Umalis na ang Hari kasama ni Shawn. Kami nalang ni Zackery ang nasa kwarto ko ngayon. Ganun parin siya. Magkasalubong parin ang kilay. “Hoy! May problema kaba?” Tanong ko. “Ewan ko sa'yo!” Hala. Bakit nagalit ang mokong na'to? “Bakit nagalit ka? May nagawa ba akong mali?” Tanong ko. Napapaano na naman ba ang lalaking 'to? Na-a-abno na naman siya. “Bakit ba kasi ang sweet mo sa Shawn na'yun?” Galit niyang tanong. Ah 'yun naman pala. Natawa ako. Nagseselos pala ang bundol. “Anong sweet? Hindi ako nakikipag-sweet do'n ah!” “Hindi daw! Bakit ka pumapayag na hinahaplos niya ang buhok mo?” Galit niya paring tanong. Nakakaasar na ah. “Hoy sinasakal mo na ako ah. Hindi pa tayo, pero ang higpit mo na. Ayoko ng ganyan, Zackery, ayoko ng ina-under ako. Diyan ako mabilis mainis!” Nakita kong biglang umaliwalas ang mukha niya. Bigla siyang lumapit saakin. “Sorry! Sorry na!” Panunuyo niya saakin. Naku, nainis na talaga ako. “'Wag mo muna akong kausapin. Layuan mo muna ako. Ayoko munang makita ang mukha mo. Naiinis ako.” Galit kong sabi. “Sorry na, Ana.” Suyo parin niya. “Please, layuan mo muna ako. Hayaan mo munang mawala ang ang inis ko.” Galit kong sabi. Wala siyang nagawa. Lumabas siya ng kwarto ko ng nanglulumo. Ayoko kasi ng ganun. Hindi pa kami tapos ang higpit na niya. Nakakainis! Pero naawa ako sa kanya bigla. Nakakaawa yung itsura niya habang palabas sa kwarto ko. Sorry, Zackery. Kailangan ko munang mag galit-galitan. 'Wag kang mag alala, hindi ako galit. Pinagti-tripan lang kita. Ang cute mo kasing mag-selos. Nakakakilig!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD