Chapter 21 Ana's POV KINABUKASAN ay nakalabas narin ako ng hospital. Malakas na ulit ako at mabuti na ang pakiramdam. Dahil kalalabas ko lang ng hospital ay wala muna daw akong training ngayon araw sabi ni Shawn. Saka kakasabak ko lang daw sa laban kahapon kaya magpahinga nalang muna daw ako ng mabuti. Habang nakahiga ako sa kama ko ay biglang sumagi sa isip ko si Zackery. Kamusta na kaya siya? Malungkot parin kaya siya dahil sa ginawa ko sa kanya kahapon? May kumatok sa pinto ng room ko kaya napatayo ako bigla. Pagbukas ko ng pinto ay isang babaeng alipin ang bumungad. “Miss Ana, may sulat pong pinabibigay si Mr. Zackery sainyo. Ito po oh,” aniya sabay abot saakin ng isang emvelope. “Salamat!” Sagot ko saka ko kinuha ang emvelope sa kanya. Matapos niyang ibigay ang sulat ay umalis n

