Pagkatapos ng isang oras na pagsa-sightseeing namin sa Taal Volcano at Tagaytay City ay tinahak na ng sinasakyan naming chopper ang direksyon ng Tagaytay Rotonda kung saan magkakahilera ang nakatayong mga condomium at hotel. Abala si Captain Hernandez sa pakikipag-usap sa air traffic controller habang papalapit na ang helicopter sa helipad ng isang gusali. Isang malaking letrang-H na nakasulat sa kulay puting pintura ang natanaw ko sa rooftop ng Eminence Hotel. Isa itong sikat na five star hotel dito sa Tagaytay. I am now wondering if Troy's family also owns this place. "Care to join me for brunch?" magiliw na alok sa akin ni Troy habang papalapag na sa helipad ang sinasakyan naming chopper. Ang suwabe niyang boses mula sa headset na suot ko ay naging sanhi na naman ng malakas na pagpin

