Malaki ang espasyo sa harapan ng bahay ni Kate. Under construction pa ang landscaping ng kanyang garden. Sa tantiya ko ay nasa 200 sq.m. ang kabuuang laki ng two-storey single detach na bahay na pinagawa ni Kate; light-yellow ang kulay ng pintura nito. Mayroon itong car garage at veranda. Pagkapasok ko pa lang sa pintuan ng bahay ni Kate binati na niya agad ako ng isang napakahigpit na yakap. "Hi Elisse! Mabuti naman at nakapun-" Hindi na nagawang maituloy ni Kate ang kanyang mga susunod pa na sasabihin pagkakita niya sa lalaking nakasunod ng lakad sa aking gawing likuran. "Good afternoon!" Troy greeted the shock face of my friend Kate. Nakipag-handshake pa si Troy sa kanya. Hinawi ni Kate ang bangs ng kanyang buhok na bob ang istilo. "Maupo ka muna. Maghahanda lang kami ng refreshment

