Minaneho ko ang aking sasakyan papunta sa direksyon na kinaroroonan ng condo tower ni Agatha-ang Atlanta Suites. Nag-file rin kasi siya ng leave of absence ngayong araw sa kanilang opisina nang nalaman niyang umabsent ako para sa art bazaar ng Draw Guild. Pupunta rin daw ngayon si Kate sa condo niya. Matagal-tagal ko na ring hindi nakaka-bonding si Kate dahil abala rin ito sa pamamahala ng negosyo ng kanilang pamilya. Sinalubong agad ako ng isang mahigpit na yakap ni Kate pagkakita niya sa akin sa labas ng pintuan ng unit ni Agatha. "Ano ba 'yan girl ang tagal nating hindi nagkita?" Kate greeted me cheerfully. Saglit siyang kumalas mula sa pagkakayakap niya sa akin. Hinaplos niya ang may alon kong buhok bago muling nagsalita. "I never get the chance to see your tan from Montevista. Ang

