I tried to compose myself and gasped a deep sigh. Troy had the guts to tell me that he missed me! I-miss niya iyong mukha niya! If only my sharp stares were daggers, malamang nasa emergency room na 'tong si Troy ngayon. Panay irap ang ibinibigay ko sa kanya habang naglalakad kami papunta sa reserved table kung saan nakaupo ang aking pamilya. "Good evening Dad," bati ko kay Daddy pagkatapos kong makipag-beso sa kanya. Kasunod kong binati sina Kuya Vince at Ate Farah. "Ang tagal mong bumaba, akala ko kailangan pa kitang ipasundo sa mga tauhan ni Dad," pabirong saad sa akin ni Kuya Vince. Inirapan ko siya habang marahan na akong umuupo sa isang bakanteng upuan sa tabi ni Ate Farah. "Love, hayaan mo na. Alam mo naman kaming mga babae we always wanted to look at our best," wika naman ni Ate

