Nagdadalawang-isip ko kung papasok ba ako ngayon sa aming opisina. Ayon kay Kuya Vince gusto rin ni Troy na humawak ng posisyon sa aming kumpanya. Kaya naman malaki ang posibilidad na makita ko si Troy ngayon sa loob C and S building. Dali-dali akong naglakad papasok sa loob ng opisina ni Kuya Vince kung saan naroon ang table ko. Sinalubong ako agad ni Miss Mendoza pagkakita niya sa akin. "Ang aga mo pumasok ngayon Elisse, alas siyete pa lang. May pinapatapos ba na report sa iyo si Sir Vincent?" ani Miss Mendoza sabay tingin sa kanyang suot na wristwatch. Agad akong umiling. "Maaga lang akong umalis ng bahay Miss Helen para iwas traffic," tugon ko sa kanya. Pagkalapag ko ng dala kong kulay itim na shoulder bag sa ibabaw ng aking lamesa ay nagtanong ako sa kanya. "Ngayon na rin ba magsi

