Gusto kong tapikin ang sarili ko upang sa gano'n ay magising ako sa panaginip na ito. It couldn't be him! It's impossible. Marahan nang bumalik sina Kuya, Daddy at ilang miyembro ng board sa iniwanan nilang puwesto kanina. Samantalang sina Maureen at Tito Leo ay patuloy pa rin sa kanilang ginagawang pakikipag-usap kay Troy. Nanlalamig na ang pakiramdam ko. Gusto ko na ngang lumubog sa kinauupuan ko ngayon. Hindi ko na yata matatagalan ang investor's meeting na ito. Bakit kaya siya pumunta rito? Magkakilala kaya sila ni Daddy? Inalok kaya siya ni Daddy na mag-invest sa C and S? Kung gano’n man, ang kapal naman ng mukha niyang tanggapin iyon. Parang wala siyang naging atraso sa akin! Mayamaya pa ay dumating na rin ang pinakahuling local investor na hinihintay. Sa tingin ko ay malapit nang

