Buong araw na iyon naging tutok si Kuya Vince sa pagtuturo sa akin tungkol sa management procedure ng C and S Corporation. Aabutin ng dalawang linggo ang magiging training ko rito. Pagkaraan noon ay tungkol naman sa manufacturing process ng aming kumpanya ang aking pag-aaralan. Pinag-out na ako ni Kuya pagdating ng alas singko. May usapan kami ngayon ni Agatha na magpa-spa treatment pagkatapos naming kumain ng dinner. Kaya agad na akong pumunta ng parking lot. Isang pamilyar na kotse ang nagpawala ng kulay sa balat ko. Pinanlamigan ako ng aking katawan pagkatanaw ko sa plate number noong itim na Toyota Vios-ERC 420. Nakatabi pa ito ng park sa kotse ko. Napako na ako nang tuluyan sa aking kinatatayuan. Ilang saglit pa ay biglang bumukas ang pintuan ng driver's seat ng Toyota Vios. Then m

