Magkasama kami ni Agatha hanggang sa pagkain ng dinner. All this time iniisip niya pa rin na si Eric ang dahilan ng depresyon ko. Inaya niya rin akong magpa-spa bukas after office para ma-relax daw ako ng husto. Desidido na akong ipaalam kay Kuya Vince mamaya pagdating ko sa bahay na magsisimula na akong magtrabaho sa aming kumpanya bukas. Siguro kapag mas nakapag-focus na ako sa pagtatrabaho mas makakalimutan ko iyong nangyari sa akin sa Montevista. Bandang alas nuwebe ng gabi nang dumating ang BMW naming sasakyan na susundo sa akin mula sa basement parking ng condo ni Agatha. Kasalukuyang nanonood ng tv sa entertainment area sina Kuya Vince at Daddy pagkadating ko ng bahay namin. Nanonood sila ng isang palabas sa isang news channel. Nakipagbeso ako kay Kuya pagkalapit ko sa kanya pag

