Chapter 1 – The Heir

1797 Words
“No, this isn't true!” Wala akong tigil sa pag-iling habang pinagmamasdan ko ang mga attachment photo sa e-mail na kapapadala pa lang sa akin ng kabarkada naming si Kate.   Hindi rin makapaniwala at nanlaki ang mga mata ng kaibigan kong si Agatha na katabi ko rito sa aking kama. Magkasabay naming binasa ang e-mail na iyon na galing kay Kate sa aking tangan na cell phone.   Ang mga larawang iyon ay kuha umano mula sa isang sikat na fine dining restaurant sa New York. Sweet na sweet na magkaakbay at masayang nagde-date ang boyfriend kong si Eric at ang best friend kong si Maureen.   Kung hindi lang ako agad napigilan ni Agatha ay kamuntik ko nang maibalibag itong hawak kong cellphone.   It should be our first year anniversary next month then I caught him cheating with my plastic and pathetic best friend or should I say ex best friend.   *** Anim kaming magkakabarkada; ako, si Kate, Agatha, Harold, Maureen at Eric. Lahat kami ay magkakaklase sa kursong Business Management sa Montreal University-ang pinakamahal at pinakasikat na eskwelahan sa buong Pilipinas. Almost every heir of the largest companies and corporations in the country studied and trained in our school.   Wala sa hinagap ko na magagawa akong ahasin ng pinakamabait at pinakamapagmahal na kaibigan na nakilala ko sa buong buhay ko. Grade school pa lang kami ay matalik na kaming magkaibigan ni Maureen. Business partners ang pamilya namin sa C & S Corporation-isang processed meat business. Hanggang college ay magkaklase kami.   “A toast for your happiness my friend! I hope that you will find the satisfaction in every drop of liquor that will enter your system,” nakangising sambit sa akin ni Agatha.   Nagsipagtaasan kaming lahat ng mga hawak naming baso. Lasing na si Agatha habang inaangat sa ere ang hawak niyang shot glass.   Puro hard drinks ang iniinom namin. Nadi-distract ang aking mga mata sa intensity ng ilaw na ginagamit dito sa loob ng LK Hub. It was combination of blue and white spotlight that alternately surrounded lights to all corners of this party venue.   Enjoy na enjoy naman sa pagsasayaw ang mga clubbers sa gitna ng dance floor. Halong amoy ng sigarilyo at alak ang bumabalot sa puwesto ko. Nasa isang pahabang lamesa kami, kasama ang mga kabarkada naming sina Kate, Harold at ang girlfriend niyang si Riza.   “That f*ckboy and your ex best friend will come back next week. Wala ka bang ihahandang welcome party para sa kanila?” sarkastikong wika ni Kate.   Agad kong tinungga ang tequila mula sa shot glass na hawak ko. Buong atensyon silang nakatingin sa akin.   “Sure. I'm planning to throw a pity party!” Humalakhak si Agatha na nakaupo sa tapat ko. Malalapad na mga ngiti naman ang iginagawad ng iba ko pang mga kaibigan patungo sa akin.   “Sorry, I’m not sorry. I think they deserve each other. That social climber Eric! For sure he and his family just wanted to have more connections in the business world. Balita ko ay pabagsak na ang mga negosyo nila kaya naghahanap talaga ang hampaslupang iyon ng makakapitan!” Uminom pa muli ako ng alak mula sa baso.   “And my desperate ex best friend! Dapat pala nakahalata na 'ko. Ibang klase siyang makatitig kay Eric sa tuwing magkakasama tayo. Ginawa lang naman siyang patulan ng hampaslupang 'yon pagkatapos niyang ma-promote bilang vice president for Finance!” Naiirita ko pang bwelta.   Pagkatapos naming magpakasasa sa alak ay inaya na akong magsayaw ng mga kabarkada ko sa gitna ng dance floor. I danced as if there's no tomorrow. My slim body swayed alongside the dj's strident music beats. My almond shape brown eyes became slightly dizzy because of the wild crowd dancing behind us. My flawless and fair skin on my back was exposed after I tucked my long hair in ash blonde hue behind my left shoulder.   Ilang minuto pa ang lumipas ay may naramdaman akong matitipunong mga braso na humapit sa baywang ko. Paglingon ko ay nakita ko si Paul-isa sa mga naging ex fling ko.   Pinuntirya ng sensuwal niyang mga halik ang leeg ko hanggang sa dumako iyon sa aking labi. I guess the effect of the alcohol began to take control of me as his skilful tongue entered my mouth. Ipinalupot ko ang aking magkabilang braso sa likod ng kanyang ulo habang tinutugon ko ang marahas na paraan ng paghalik niya sa akin.   “My place after this?” malanding wika niya. Sinabayan niya pa iyon ng pilyong pagngisi. Agad akong umiling.   “I have a scheduled flight tomorrow,” sagot ko habang hinahawi ang mga braso niyang nakapalupot pa rin sa aking baywang.   “Saglit lang naman. Three hours would be fine,” mabilis niyang tugon. Inirapan ko siya. Knowing him three hours wouldn't be enough to satisfy him. Ang maniac kaya niyan!   Lumayo ako sa puwesto na kinatatayuan niya pero sinundan niya pa rin ako. Naiirita ko siyang nilingon.   “Stop following me, please lang Paul! We’re done for tonight! Find another w***e who can scratch your itching crotch!” Dumiretso na ako ng punta sa parking lot.   Ite-text ko na lang mamaya ang mga kaibigan ko na nauna na akong umuwi. Baka masira lang ang buong gabi ko dahil sa gagawing pagbuntot-buntot sa akin ng Paul na 'yon. Besides may flight akong hahabulin bukas. Alas onse ng umaga ang schedule ng flight ko.   ***   “Saan na naman ang punta mo Elisse?” malakas na saad ni Kuya Vince. Mabilis akong naglalakad palabas ng aming bahay. Nakasuot na siya ng corporate suit; papasok na sa aming kumpanya sa may Ayala. Nakasunod sa akin ang isang maid na may hila-hilang luggage bag na may imprentang magkakadikit na letrang L at V.   Agad ko siyang hinarap.   “Nasa Pilipinas pa rin ang lugar na pupuntahan ko Kuya. I just want to take two weeks’ vacation before I headed back for my job at C & S,” walang pag-aalinlangan kong tugon.   Kumunot ang noo ng kapatid ko. Magkasalubong ang kanyang dalawang kilay habang matamang nakatingin sa akin.   “Isang taon ka ng nakabakasyon Elisse. Last year ka pa naka-graduate. Hanggang ngayon wala ka man lang na iko-contribute sa kumpanya ng pamilya natin. Bakit hindi ka gumaya sa kaibigan mong si Maureen? She's only twenty three; she is on the top of the heap of her career. Kailan mo ba balak seryosohin ang career mo? Hindi na nakapagtataka kung bakit masama palagi ang loob ni Daddy sa 'yo. “   Ginantihan ko lang siya ng isang pilit na ngiti. Ang daming pwedeng ipagkumparahan, kay Maureen pa talaga?   “Okay Kuya, tapos ka na ba? Dinaig mo na talaga si Daddy sa galing mong manermon sa akin. LQ na naman ba kayo ni Ate Farah kaya ba on beast mode ka?”   Unti-unting sumilay ang mga ngiti sa labi ng kapatid ko. Agad niya akong inakbayan at sinamahan sa paglalakad patungong garahe. Napapikit siya nang mariin bago muling nagsalita.   “It's the time of the year right?” tanong niya.   Walang imik akong tumango. Nagbago ang ekspresyon ni Kuya; pumanglaw ang kanyang mga mata kaya naman niyakap ko siya nang mahigpit.   April 17 ngayon. Dalawang araw na lang ay death anniversary na ni Mommy. Alam ni Kuya na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin matanggap ang pagkamatay ng aming ina.   Fourth year highschool ako nang namatay si Mommy dahil sa sakit niyang breast cancer. Nakaugalian ko na  tuwing sasapit ang April 19 taon-taon ay pumupunta ako sa isang malayong lugar. Timing din ang pagiging heartbroken ko. I badly needed this vacation.   “I know that you can take care of yourself but still promise me that you'll come back in whole, okay? Enjoy your two weeks’ vacation. Pagbalik mo tatambakan kita ng paper works sa opisina mo.”  Sumakay na ako sa front seat ng amimg BMW upang maihatid na ako ng driver airport.   ***   The cool breezy wind touched my skin as I stepped out from the plane. Our Philippine Airlines flight was smooth all the way to Laguindingan Airport.   Bahagyang nilipad ang laylayan ng suot kong dilaw na floral dress habang naglalakad ako papunta sa direksyon ng private plane na pagmamay-ari ng Del Mundo Estates.   Malalaking letra na may nakasulat na “DEL MUNDO” ang natanaw ko sa katawan ng eroplano. Ito ang private plane na magdadala sa aming mga turista patungo sa isang high-end beach resort - ang Montevista.   Ang resort na ito ay matatagpuan sa isang private island na pagmamay-ari ng pinakakilalang pamilya sa larangan ng hotel industry sa Pilipinas. The said island belonged to the province of Montevista from where the resort gets its name. It was located at Bohol Sea about 15 kilometers off the northern coast of Mindanao.   Nakatulog ako sa buong byahe. Inabot din ng halos kalahating oras ang paglipad ng sinasakyan naming private plane. Pagmulat ng mga mata ko ay agad kong binuksan ang bintana. Nakalapag na pala kami sa local airport ng Montevista.   “We had landed safely. Welcome to the island of Montevista!” bati sa aming lahat ng isang morenang cabin crew. Matamis ang kanyang pagngiti sa aming mga pasahero.   Pagkatanggal ko ng seatbelt ay agad na akong tumayo upang daluhan ang mga kasakay kong pasahero pababa ng eroplano.   May isang babaeng representative ang sumaluno sa amin. Kaiga-igayang pagmasdan ang suot niyang uniporme-light blue na blouse at palda na tinernuhan ng puting scarf sa leeg. Sumakay kami sa isang Hi-Ace van na magdadalawa sa amin sa Montevista Beach Resort. Ilang sandali pa ay sinalubong na kami ng malawak na baybayin. Kaagad na rin kaming bumaba ng sasakyan.   “All your luggage will be deliver directly to your respective room at the resort. Enjoy your stay here at Montevista Beach Resort!” sabi ng babaeng sumaluno sa amin.   Maagap kong hinubad ang suot kong sunglass at pinagala ang aking paningin sa makapigil-hiningang tanawin ngayon sa aking harapan.   The sight of the enticing pristine blue waters of the sea was very relaxing. Sobrang pino ng napakaputing mga buhangin. Bahagyang lumulubog ang suot kong wedges sandals habang patuloy kaming naglalakad sa kahabaan ng shoreline. Napakapresko sa pakiramdam ang bawat pagdampi ng malakas na hangin na nagmumula sa dagat.   Fresh seawater scent enveloped the atmosphere. Tall coconut trees surrounded the whole beach. Good thing that the weather was calm, the sky was in perfect blue hue decorated with white fluffy clouds. The sound of the waves excites me to get into my two-piece bikini and stroll at the beach side all day long.   Habang papalapit kami sa entrance ay narinig ko ang mahihinang pagbubulungan ng dalawang babae sa aking likuran.   “That's him!” kinikilig na bulong ng isang morenang babae na nakasuot ng puting lacey dress sa kanyang katabi.   “Is that Troy?” tugon naman ng babaeng kausap niya.   “Yeah that's him! Oh my God. Mabuti na lang at nandito siya ngayon sa resort nila!” sagot ng babaeng naka-white lacey dress. Tila kinakapos pa ito ng hininga sa paraan ng kanyang pagsasalita dahil sa nararamdamang excitement.   Dagli kong sinulyapan ang taong pinag-uusapan nila. Mula sa kinatatayuan ko ay tanaw ko ang isang matangkad at maputing lalaki na nakasuot ng puting polo; nakalupi ang mga manggas sa may bandang siko. Tinernuhan ito ng itim na slacks pants. Seryoso siyang nakikipag-usap sa isang lalaking empleyado ng resort.   It’s definitely him...   He is no other than Troy Del Mundo!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD