Chapter 2 – Dare

1657 Words
Troy Del Mundo... He was considered as one of the sought-after eligible bachelors in the country. Their family runs almost fifty percent of the five star and exclusive hotels and resorts in the Philippines. Base sa pagkakatanda ko ay na-meet ko na siya ng tatlong beses noon sa ilang elite party na napuntahan ko. And I knew for a fact that Troy Del Mundo was known to be as a notorious playboy. Given na siguro iyon dahil hindi maipagkakaila na sobrang gwapo niya at galing pa sa isang napakayaman at maimpluwensyang pamilya. Madalas siyang nali-link noon sa ilang sikat na showbiz personality at beauty queens. *** Pagkahiga ko sa napakalambot na kama ay biglang tumunog ang ringtone ng cellphone ko. Agad ko iyong kinuha sa ibabaw ng lamesita. Nakarehistro sa screen ang pangalan ni Agatha. Sinagot ko ang tawag. "Hello!" mabilis kong bati kay Agatha sa kabilang linya. "Miss Elisse Cervantes? Where are you?" nagmamadaling tanong niya. "Di ko ba nasabi sa 'yo kagabi? Nandito na ako ngayon sa Montevista Beach Resort," pagpapaliwanag ko. Hinawi ko ang kumot na nakatakip sa aking katawan. "Oh! Itinuloy mo pala 'yang vacation trip mo?" nagtataka niyang wika. For sure na may hang-over pa ito kaya tila wala pa ito sa kanyang sarili. "Oo! Di ba't sabi mo pa nga na sa susunod ka na lang sasamang mag-out of town trip sa akin kasi baka mapagalitan ka ng daddy mo. Kailangan mong mag-inventory ng mga tela n'yo," tugon ko. Sinabayan ko pa ng paghalaklak. Katulad ko rin si Agatha na walang ka-amor-amor sa negosyo ng aming mga sariling pamilya. Pero nakaugalian na kasi ng mayayamang mga negosyante na ipamana ang kanilang mga negosyo sa mga anak. Kaya't wala na ring nagawa si Agatha kung hindi ang mapilitang pamahalaan ang textile factory na pagmamay-ari ng kanilang pamilya. "Kainis, pwede naman akong mag-file ng leave of absence. Si Ate Dess naman ang pipirma noong leave ko," giit niya. "Akala ko kasi talaga sabi mo hindi ka pwede," pag-uulit ko. "Hindi ko kasi alam na ngayon na pala iyong flight mo. Akala ko next week pa. Busy kasi tayo kagabi. Gustong-gusto ko pa namang pumunta riyan sa Montevista baka sakaling makita ko si Troy," natatawang sambit pa ni Agatha. Sa tantiya ko ay kinikilig din ito ngayon habang sinasabi niya ang pangalan na "Troy." Isa rin kasi siya sa nabiktima ng kagwapuhan ni Troy Del Mundo. Sa kanya ko nga nalalaman ang mga latest chismis tungkol sa lalaking iyon. "Nakita ko nga siya kanina sa may entrance pagkadating ko," pagbabalita ko sa kanya. "OMG! As in? Nariyan siya ngayon? Maibaba na nga itong tawag at makapag-book na agad ng flight papunta riyan!" Natatawa na talaga ako sa mga reaksyon nitong si Agatha. Hindi ko alam kung seryoso ba itong kaibigan ko sa mga pinagsasabi niya. "Mas gugustuhin mo pa talagang mapagalitan ka ng daddy mo, makita mo lang ang notorious playboy na si Troy Del Mundo?" pang-aasar ko pa. "Bakit? Don't tell me Elisse na hindi ka nag-gwapuhan sa kanya? Walang panama ang ex mong si Eric sa kanya 'no! Naku, lalo na kapag makikita mo ang abs niya. Baka malaglag ang panga mo, pati panty mo!" Nanlaki ang mga mata ko dahil sa mga sinabing iyon ni Agatha. May pagka-baliw rin talaga ang isang 'to. Napatikhim na lang ako. "Hmm. Actually hindi talaga ganoon kalakas ang appeal niya sa akin," walang pag-aatubili kong tugon. "Akala mo lang 'yon. I dare you Ellise! Hayaan mo, kung sakali na mapansin ka niya riyan sa resort hindi ako magtatampo sa 'yo. Magpaparaya na ako dahil magkaibigan naman tayo!" Gusto kong humagalpak ng malakas na tawa dahil sa mga sinasabi nitong si Agatha. "At siyempre, broken hearted ka kasi ngayon. Malay mo si Troy pala ang makagagamot sa sugatang puso mo!" Agatha's idea was a little bit obtuse. "As if magkakagusto ako ro'n!"natatawa kong tugon. "Sige na nga, kailangan ko pang sumaglit ngayon sa office. I need to report kahit dalawang oras lang. Masesermunan ako ni Dad for sure kapag umabsent ako. Bye! Enjoy your vacation! Don't forget our dare. I know na bibigay ka rin sa kamandag niyang si Troy maniwala ka!" sambit pa ni Agatha bago niya tuluyang putulin iyong tawag. Nakaramdam ako ng pagod dulot ng ilang oras naming byahe kanina kaya naman agad akong nakatulog. *** Bandang alas sais ng gabi na ako nagising. Naisipan kong bumaba sa lobby upang makakain ng dinner sa restaurant ng hotel. Pagkababa ko mula sa elevator ay napahanga na naman akong muli sa napakagandang lobby ng Montevista Hotel. No wonder why it was considered as one of the finest hotels in the country. Hindi nakapanghihinayang na gumastos ako ng halos seventy five thousand pesos sa kabuuan ng vacation trip ko. Mataas ang kulay puting ceiling na napapalamutian ng malalaking chandelier. May mga tila gazebo na gawa sa kahoy ang nakapalibot sa kabuuan ng lobby kung saan may mga berde at dilaw na mga upuan sa loob. May mga miniature na coconut tree rin ang nakatayo sa paligid. Pinapatingkad ang ganda at pagka-elegante ng lugar ng mga centerpieces na upuang kulay gray, brown at puti. Yari ito sa hinabing mga kahoy na binalutan ng foam. Hindi maipagkakailang nilikha ang mga ito ng pinakasikat na designer na si Kenneth Cobonpue. Pagkakain ko ng hapunan ay agad na akong nagpalit ng damit. Naisipan ko kasing mag-chill out sa club area ng resort. Puting halter style blouse ang suot ko katerno ang isang itim na jeggings. Pinusod ko ang aking buhok pagkalagay ko ng make-up. I went directly to the bar's flaring area of Club Empress. Nahirapan akong makapasok dahil sa dami ng taong aking nakakasalubong. Pinaghalong amoy ng alak, sigarilyo at pabango ang nangingibabaw sa paligid. Salit-salitan sa pagsayaw ang mga ilaw na kulay puti, dilaw at asul sa bawat sulok ng bar. Pagkaupo ko sa stool chair, kinuha agad ng isang waiter ang order ko. "Margarita," tugon ko sa kanya. Tumalikod ako ng upo at pinagala ang paningin sa kabuuan ng bar. Enjoy na enjoy sa pagsasayaw ang mga tao sa dance floor. Nahagip ng tanaw ko sa di-kalayuan ang lalaking pinagpapantasyahan ng kaibigan kong si Agatha. It's no other than Troy Del Mundo. I guess it's not unusual for me to see him once in a while because he owns this whole place. May hawak siyang sigarilyo sa kanang kamay habang abala sa pakikipag-usap sa mga kainuman sa isang pabilog na lamesa. Nakasuot siya ng itim na long sleeve polo at asul na pantalon. Ilang saglit pa ay dumating na ang inorder kong drinks. Ginawang abala ko ang aking sarili sa pag-inom. Napapitlag ako nang may naramdaman akong mainit na kamay na humawak sa kaliwang balikat ko. Then I saw a tall white guy who looked European stood in front of me. It's obvious that he is good looking but his actions turned me off. He blinked at me twice. "Hey Miss I'm Adam! Care if I join you?" he uttered in a strong British accent. Matapang na amoy ng alak ang nalanghap ko sa kanyang hininga. Nairita ako sa kanya kaya't agad akong umiling. Hindi pa rin siya umalis sa harapan ko. Pinanlamigan ako ng katawan nang bigla niyang hinimas ang kaliwang braso ko. I couldn't believe that I will encounter a p*****t tonight! "Would you just leave sir before I call the security!" matigas kong wika. Tinaasan ko siya ng isang kilay. Nakakabuwisit ang kanyang pagngisi. Ngising manyak! "Don't be shy Miss, I know Filipinas adore foreign guys!" malandi niyang wika gamit ang makapanindig balahibong husky voice. Ang kanyang kamay na nakahawak sa braso ko ay akmang ilalagay naman niya sa tagiliran ko. Agad kong hinawi iyon. Nanginginig na ang magkabilang tuhod ko. Isang baritonong boses ang umagaw sa aking atensyon, "Miss may problema ba rito?" Napatingala ako sa lalaking nagsalita. Napaawang ang labi ko pagkakita ko kay Troy na nakatayo ngayon sa tabi ni Adam. Nakakunot ang kanyang noo habang tinitignan niya nang masama ang lalaking katabi niya. "Who are you?" matapang na bulyaw ni Adam kay Troy. Pinanlakihan niya ng mga mata si Troy na naka-tiim bagang na. "Will you mind your own business? Me and my girl here are just having a little argument!" pagpapalusot pa nito habang titig na titig pa rin sa akin. "Looks like she doesn't want your presence!" deretsahang usal ni Troy sa kanya. Hindi sinagot ni Adam si Troy bagkus ay naging mabilis ang kanyang mga kamay at agad hinawakan ang kaliwang braso ko. Agad akong tumayo upang makaiwas sa tangkang paghawak na naman sa akin ni Adam. Hinawakan ni Troy ang kanang kamay ko. Hinarang niya ang kanyang katawan upang mailayo ako nang tuluyan kay Adam. Habang nasa likuran ako ni Troy ay rinig na rinig ko ang pagpapalitan nilang dalawa ng maaanghang na mga salita. "Will you mind your own f*cking business! Just leave us alone!" sigaw ni Adam kay Troy. "No, you won't be able to talk to her anymore! Because I'm gonna kick you out from this bar!" bulyaw naman ni Troy sa kanya. Halos lahat ng taong nasa loob ng Club Empress ay nakatuon na ang buong atensyon sa aming tatlo. Sobrang intense ng mga nangyayari, tila ilang sandali na lang ay magsusuntukan na ang dalawa. Malakas na ang kalabog ng dibdib ko. Napangisi lamang si Adam na halatang langong-lango na sa alak. "And how the hell can you do that?" maangas na tanong ni Adam kay Troy. Bumilis ang t***k ng puso ko nang makita ko ang ginawang pag-kwelyo ni Troy sa suot na polo shirt ni Adam. "Yes I can do that! I can even throw you out from this island!" Dinuro-duro siya ni Troy habang sinasabi iyon sa kanya. Mabilis na lumapit ang dalawang bouncer kay Adam at hinawakan ng mga ito ang kanyang magkabilang braso. Habang hawak siya ng mga bouncer ay patuloy pa ring nagpupumiglas itong si Adam. Pangisi-ngisi pa rin ito habang sumisigaw kay Troy. "And how can you f*cking do that?" Inawat din si Troy ng isa pang bouncer ng bar. Akmang susugurin na naman ni Troy si Adam. Pinigilan siya ng katabi niyang bouncer. Troy yelled at Adam while wearing a dark face. "Because I own this club! I own this resort! I even own this whole island!"  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD