Biglang tumigil ang malakas na tugtugin na pumapapailanlang sa loob ng Club Empress. Hindi na rin magkamayaw ang mga tao sa pakikiisyoso sa mga nagaganap. Napatakip na lamang ang kamay ko sa aking bibig habang wala pa ring tigil sa pagbaba't taas ang dibdib ko dala ng sobrang kaba.
Mabibikasan pa rin ng galit ang reaksyon ng mukha ni Troy habang patuloy na hinihila ng mga bouncer papalabas ng bar ang nagwawala pa ring si Adam. Nakakuyom ang mga kamao ni Troy at bahagya pang nanginginig.
Unang gabi ko pa lang ngayon dito sa Montevista Beach Resort sobrang maaksyon na ang mga pangyayari. Sana naman sa susunod na mga araw ay maging tahimik na ang pagbabakasyon ko.
“Ayos ka lang ba Miss?” Binalingan ko ng tingin si Troy. His eyes were gloomy yet full of concern. I nodded at him and smiled heartily.
Nilingon niya ang crowd na nakatuon pa rin ang atensyon sa aming dalawa. Itinaas ni Troy ang kanyang kanang kamay at agad na nagsalita. “Hey everyone sorry for that short interruption. The club's operation will resume in a few minutes. I hope everyone is still in their party mood.”
Kahit na labis na na-stress si Troy kanina ay biglang umaliwalas ang kanyang mukha habang siya ay nagsasalita. Mas naaaninag kong mabuti ang itsura niya sa tuwing natatamaan ng liwanag na nanggagaling sa spotlight ng bar ang kanyang mukha. There is no doubt that he is really good looking. He has well defined jaw that perfectly matched his heart shaped face. Ang nipis ng labi niya. Iyong mga mata naman niya para kang malulunod kapag ikaw ay kanyang tinititigan.
“As the General Manager of this resort I'll make sure that everybody is highly compensated most especially our beloved guests. All drinks that you will order from this moment onwards are all free.”
Nagpalakpakan at naghiyawan ng malakas ang mga taong naroroon . Ilang sandali pa ay tumugtog na ulit ang maingay na musika na nanggagaling sa sound system ng bar.
That was so breezy! Napatingin ako sa katabi kong si Troy na napakalaki ng pinapakawalang pagngisi. By his gestures, hindi maipagkakailang napakahusay niyang magpalakad ng Montevista Resort. Iniisip niya palagi iyong kapakanan at mararamdaman ng mga guest nila. No wonder he was given a bigger responsibililty already by his whole family who owns this business because he deserves it.
Mayamaya pa ay nilapitan siya ng kanyang mga kaibigang kainuman kanina. Nakipag high-five ang mga ito sa kanya.
“Nice one bro!” bati sa kanya ng isang naka-kulay pulang polo shirt. Nasa anim ang bilang ng mga kaibigan niyang lumapit sa kinatatayuan naming dalawa. Saglit nilang kinausap si Troy pagkaraan ay umakyat na sila sa second floor ng bar. Dagli namang itinuon ni Troy ang kanyang buong atensyon sa akin.
“Miss, pasensya na ulit. Kailangan ko muna kasing pakalmahin ang crowd baka kasi magsipag-uwian sila! Let me say sorry for that rude guest. The management will assure you that he will be permanently ban from this resort,” maingat na pagpapaliwang ni Troy.
“Don't worry Mr. Del Mundo, alam kong walang kinalaman ang resort ninyo sa inasal ng bastos na guest na 'yon,” magiliw kong tugon. Idinikit ni Troy ang kanyang tainga sa bibig ko habang ako'y nagsasalita upang mas marinig niya nang maayos ang mga sinasabi ko. Sobrang ingay na naman kasi dito sa bar.
“Thank you for saving me from that p*****t,” dugtong ko pa.
“My pleasure,” sagot niya. Napalingon ako sa direksyon ng dance floor, enjoy na ulit sa pagsasayaw ang mga guest na naroon.
“Do you want some cocktail drinks? It’s for free!” pag-aalok niya. Napako ang paningin ko sa mapupungay niyang mga mata.
Bakit para akong yelong unti-unting natutunaw sa mga oras na ito? Labis na nakabibighani ang mapupulang labi niya sa malapitan. Biglang nanlambot ang aking magkabilang tuhod. Mukhang tama nga itong si Agatha, iba nga ang kamandag ng Troy na 'to! I tried to compose myself before I spoke.
“Thank you Mr. Del Mundo, pero balak ko na kasing bumalik sa hotel room ko.” Seryosong tingin ang iginagawad ko sa kanya.
Troy arched an eyebrow followed by his shy smile. “Mukhang nawala ka na sa mood mo mag-party night out?” aniya. Mabilis akong tumango.
“Do you want me to accompany you to your hotel room?” buong-galang niyang wika.
Mataman ko siyang tinitigan. Ayokong mag-isip ng masama but knowing his past rendezvous with different woman somehow gave me warning signals.
Kung nakaligtas man ako sa m******s na foreigner na iyon kanina mukhang mapapasabak naman ako sa laro nitong si Troy. But still, I don't want to question his sincerity. Baka naman nagpapaka-gentleman lang talaga siya. Medyo late na kasi. Delikado na kung maglalakad ako nang mag-isa sa labas lalo na at marami na ring lasing.
Kaya naman pumayag na rin ako sa alok niyang paghahatid sa akin. “Sige,salamat.”
Habang papalabas kami ng bar ay marami kaming nakakasalubong na mga guest at empleyado na bumabati sa kanya. Marahan niya akong inaalalayan sa aking kaliwang braso.
“I already held your arms but I still didn't know your name,” natatawang wika ni Troy nang makalabas na kami sa glass door. Napangisi rin ako sa kanya. Huminto muna kami sa paglalakad.
“My name is Elisse Cervantes.” Inabot ko sa kanya ang isang kamay ko. Tinanggap niya naman agad ito.
“It's a pleasure to meet you Miss Cervantes. I'm Augustus Troy Del Mundo,” Troy said while wearing his boyish grin. Nagpatuloy na kami sa aming paglalakad papunta sa direksyon ng hotel. Silence swiftly enveloped us.
“Taga-Manila ka?” his ice breaker question.
“Makati,” matipid kong tugon. Napatitig na naman ako nang mariin sa kanya. There is no doubt! Troy Del Mundo is drop dead gorgeous! He can be lined up to those Greek Gods.
His languid eyelashes of velvet-black blinked once slowly, before he started to reply. “Doon ang main office ng mga business namin. Paminsan-minsan doon ako naka-base. Actually sa Makati ako tumira pagka-graduate ko ng college sa US.”
I nodded at his statement. Kaya siguro hindi siya kakikitaan ng Visayan accent kasi hindi naman talaga sila matagal na tumira rito sa Montevista. Ilang saglit pa ay narating na namin ang entrance ng hotel.
“Mr. Del Mundo okay na siguro kung hanggang dito mo na lang ako sa entrance ihatid. Baka hinihintay ka na ng mga kaibigan mo sa Club Empress.” I smiled warmly as I stared at him.
Tumango siya. “If you'll need anything don't hesitate to ask anyone of my staffs,” he uttered in a chivalrous manner.
Humakbang na ako sa hagdan patungong entrance. Nilingon ko siya saglit at saktong nakatingin din siya sa akin. Kumaway ako sa kanya bago ako tuluyang pumasok sa loob ng double doors.
***
Kinabukasan, nagising ako dahil sa pagtunog ng doorbell. Agad kong tinignan mula sa cellphone ang oras. It’s 7:20 AM.
Nagsuot ako ng tsinelas habang kinukusot ang magkabilang mata. Wala akong matandaan na may inorder akong pagkain para ngayong umaga. Bakit mukhang may room service sa labas? Tinignan ko muna ang sarili ko sa salamin bago ko binuksan ang pinto.
Bumungad sa akin ang dalawang lalaking empleyado ng hotel. Napakarami nilang dalang tray ng pagkain. Kunot noo akong nagtanong sa kanilang dalawa.
“Sa pagkakaalala ko, hindi naman ako umorder ng breaksfast. Baka po hindi para sa akin 'yan?”
Napatikhim ang staff na nasa bandang kaliwa ko.
“Ah Ma'am pinapa-deliver po ito para sa inyo ni Sir Troy.” Napangisi pa siya nang makahulugan. Napatango na lamang ako at hinayaan silang ihatid sa loob ng kwarto ko ang mga dala nilang pagkain.
Pambawi siguro ito ni Troy sa nangyari sa Club Empress kagabi. Sinundan ko sila sa dining room ng aking suite.
Nanlaki ang mga mata ko sa dami ng pagkain na nakahain sa mesa. May bacon, ham, hotdog, sunny side-up egg, beef tapa, pancakes with maple syrup, French bread, toasted bread, fried rice at prutas na saging, mangga, mansanas at ubas. Mayroon din silang dalang orange juice at mainit na kape. Grabe! Ang daming pagkain! Ano bang akala ng Troy na 'to ako si Godzilla? Paano ko kakainin ang lahat ng ito?
“Sige po Ma'am enjoy your meal!” pagpapaalam ng dalawang staff. Nginitian ko sila bilang tugon.
Umupo ako sa silya at nakapangalumbaba kong tinanaw ang napakaraming pagkain.
Paano ko uubusin ang lahat ng ito? Ang daming mga batang nagugutom sa mundo. Hindi ako pwedeng magsayang ng pagkain!
Tumusok ako ng isang hotdog gamit ang tinidor. Makaraan ng kalahating oras na pagkain ko ng agahan ay tila hindi pa rin nababawasan ang laman ng mesa ko.
Tumawag ako sa room service bandang alas otso upang ipakuha na sa kanila iyong aking pinagkainan. Nakapanghihinayang talaga dahil ang daming natira! Pagkaalis ng room service ay nag-shower na ako.
I wanted to seize the day! Marami akong gustong puntahan dito sa Montevista. Ang alam ko ay nag-aalok sila rito ng snorkeling, island hopping, scuba diving at iba't iba pang water activities. Pagkatapos maligo ay nagpalit na ako ng itim na two-piece swimsuit. Tinapisan ko ng cream na sarong ang baywang ko. Dinala ko iyong clutch bag ko na naglalaman ng aking Go Pro at Gucci shades.
Pagkalabas ko ng hotel ay dumiretso na ako ng punta sa may beach front.
“Good morning, gusto ko sanang mag-snorkeling sino po ba ang in-charge?” tanong ko sa isang lalaking staff ng hotel na napadaan sa harap ko.
“Saglit lang Ma'am magtatanong lang ako rito sa bangkero ng resort,” aniya. Tumalikod siya saglit upang kausapin ang isang lalaking nakaupo sa isang kahoy na bench.
“Naa na bay nakauna namu nga mga turista nilakaw,” tugon ng kausap niya.
“Sayang Miss, hindi ka nakaabot sa bangkang bumiyahe. Alas singko kasi ng madaling araw nagsisimulang mag-byahe ang mga bangka para hindi pa masyadong mainit ang araw,” paglalahad ng lalaking staff.
Sayang naman, late na rin kasi ako nagising. Mukhang bukas ng umaga pa ako nito makakapag-snorkeling. Naagaw ang atensyon ko ng taong nagsalita mula sa aking likuran.
“Do you want me to accompany you?” wika niya gamit ang baritonong boses. Agad ko siyang nilingon. My heart was hammering inside my chest when I learned that it was Troy!
Napalunok yata ako ng sampung beses pagkakita ko sa hubad niyang katawan. He was wearing a green board short while his upper body was naked. Parang magpa-palpitate ako nang matanaw ko ang abs niya. Maaaninag din ang V-Line niya dahil medyo mababa ang pagkakasuot ng kanyang short. May pumapatak pang tubig mula sa kanyang buhok pababa sa balikat. Kagagaling lang niya siguro sa shower room. I also saw drips of water on his chest that made him looked hotter!
Ano na bang nangyayari sa akin at tila kinakain ko na ang mga nasabi ko kay Agatha kahapon?
“Pwede kitang samahan kung gusto mo. Gamitin natin ang yate ko,” pag-aalok pa niya. Doon lang ako nakabalik sa ulirat ko.
“Baka busy ka Troy. Bukas na lang siguro ako mags-snorkeling aagahan ko na lang ang gising.” Habang sinasabi ko iyon kay Troy ay tila mapapaso ako sa paraan ng pagtitig niya sa akin. Pakiramdam ko ay sinusuri niya ako nang husto sa mga sandaling iyon.
“You are a guest. It will always be my pleasure,” he replied with mix of confidence and sexiness on his voice. Agad niyang tinawag iyong staff na kausap ko kanina.
Well, who am I to turn down such a first-class offer?
“Hintayin mo na lang ako roon sa may shore. Ipahahanda ko lang iyong gagamitin nating yate,” anito. I nodded in agreement. Umalis siya kasama ang staff niya.
Ilang minuto ang lumipas ay natanaw ko na si Troy. Nagpalit siya ng isang puting t-shirt at itim na board short.
Marahan kaming naglakad patungo sa boardwalk. Ayon kay Troy mula rito ay sasakay kami ng bangka papunta sa daungan ng kanyang yate. Naabutan namin ang isang bangkero na nakaantabay roon. Inilahad ni Troy ang isang kamay niya para matulungan akong makasampa sa bangka.
Habang papalapit kami sa daungan ay naaninag ko ang pangalang “Empress” na nakasulat sa katawan ng yate.
Sa pagkakaalala ko Empress din iyong pangalan ng bar ng resort. Could it be the name of his girlfriend?
“Sino si Empress?” tanong ko kay Troy habang naglalakad na kami papunta sa deck. He tilted his head in order to make a response on my inquiry.
“My sister,” he said calmly before he continued to walk.
Napahanga ako sa ganda ng yate. Para kang nasa loob ng isang executive suite ng isang five star hotel. Mayroon ding kusina, living room at entertainment area rito.
Habang naglalayag ay pumuwesto ako sa sun lounger sa may deck.
“Ilang oras ang byahe natin papuntang snorkeling site?” tanong ko kay Troy na kagagaling lang sa cockpit. May sarili kasi siyang driver.
“I think in about thirty minutes ay naroon na tayo,” saad niya. Tinabihan niya ako ng upo.
“Na-explore mo na ba ang buong isla ng Montevista?” tanong ko sa kanya habang nakatingin siya sa malawak na baybayin.
“I've been here for almost a year, marami na rin kaming nakitang prospect tourist spot sa area,” wika niya.
Malakas na hangin ang sumasalubong sa amin. Ang mahabang buhok ko ay nililipad at kumakalat na sa mukha ko. Inabutan niya ako ng kulay orange na life vest na kinuha niya sa gilid ng deck. Agad ko itong isinuot.
“May rock formation na akong napuntahan,” pagkekwento pa niya habang sinusuot ang life vest sa kanyang katawan.
“You must love nature,” tanong ko pa. Isang matamis na ngiti ang iginawad ko sa kanya. Marahan siyang tumango.
“And the beach of course,” dugtong ko pa. Then he flashed his dashing smile. His perfect set of teeth flaunted. I couldn't help but got magnetized. I looked at him impassively in order to compose myself.
“Iyong mga kalapit na isla rito napuntahan mo na rin ba?” tanong ko pa sa kanya.
Maagap siyang sumagot. “Yeah, marami-rami na rin akong napuntahan na isla rito. Nakikita mo iyong isla na ‘yon? Maganda ang sand bar doon. Iyon nga lang pagdating ng alas onse ng umaga nawawala na rin iyon agad. May kuweba naman doon pero unexplored pa. Bawal pa papuntahan sa mga turista.”
“Iyong island na ‘yon nakapunta ka na ba roon?” Tumagilid ako ng upo upang mas mamasdan ko nang mabuti iyong isla na tinutukoy ko. Wala akong narinig na sagot mula sa katabi ko. Agad akong lumingon sa puwesto na kinauupuan niya. Ngayon ko lang napansin na kanina pa pala siya titig na titig sa akin. Nakaramdam na naman ako ng panglalambot ng mga tuhod ko na sinasabayan pa ng kakaibang pintig ng puso ko.
“Gwapa jud ka tinuod,” wika niya.