NANG mainin ang kanin ay tinawag na n'ya ang anak.
"Tawag na 'ko ng tatay. Mamaya na lang uli tayo maglaro. Kakain muna ako, ha." Paalam ni Tintin sa kalaro.
Kumaway pa ang anak niya sa kalarong naglakad na para umuwi. Pinagsaluhan nilang mag-ama ang ulam na natira ng asawang unang kumain. Matapos magkape ay muli itong nahiga sa sofa. Panay ang makahulugang tinging ipinupukol sa kanya. Malagkit ang tingin at mapang-akit ang ngiti.
Nakakaramdam siya ng kilig sa ginagawa nito. Ang paraan ng pagtingin at pagngiti sa kanya ay puno ng kapilyahan. Nakalilis pa ang damit nito at natatanaw n'ya ang suot na panty dahil sa ginagawang pagbuka-buka ng mga hita. Binabasa rin nito ang mga labi at saka dahan-dahang kinakagat. Nakapatong ang ulo nito sa gilid ng upuan at ang buhok ay inilugay. Kaakit-akit ang ginagawa nitong paghawi. Maging ang isang tirante ng suot na pang-itaas ay kalag at nakalitaw ang punong dibdib. Halos hindi siya makakain sa magandang tanawing nakikita. Nag-iinit ang buong katawan niya. Buhay na buhay ang kanyang pagkalalake sa loob ng suot na pantalon.
LIHIM namang natatawa si Eva sa nakikitang pag-aalumpihit ni Domeng. Napapahinto ang lalaki sa pagsubo at nakatitig lang sa kanya. Kung maisubo man ang pagkain ay hindi nagagawang nguyain nang tuluy-tuloy. Panay ang pag-inom nito ng tubig na tila nahihirinan, at pagkatapos ay naiiwang nakanganga ang bibig.
Lalo nitong pinag-igi ang ginagawang panunukso. Naroong sadyang ihulog ang panali sa sahig at saka dahan-dahang dadamputing patalikod habang ang damit ay nakalilis. Sadyang ipinupwesto ang katawan sa posisyong animo may katalik. Nang maupo naman paharap ay ipinatong ang isang paa at hinayaang liparin ng hangin mula sa bentilador ang damit. Buong kapilyahan pa nitong dahan-dahang pinasadahan ng magaang na paghagod ang leeg pababa sa dibdib, sa tiyan at saka nagtuloy sa mga hitang bahagyang pinaghiwalay. Pagnanasa, pangangailangan, pagkauhaw sa tawag ng laman ang ipinadadalang mensahe sa asawang panay ang lunok na animo natutuyuan ng laway.
Nalinga tuloy ni Domeng si Tintin, nag-alala na baka makita ang ina sa ginagawa. Nang makitang sige lang sa pagkain ang anak ay napanatag na ang loob niya. Kapag gan'ong kasama nilang mag-ama ang ginang ay hindi n'ya ito sinusubuan at hinahayaang kumain mag-isa.
"Tatay, busog na po ako," sabi nito.
"Sigurado ka bang busog ka na?" Paniniguro niya.
Nang tumango si Tintin ay tinapos na rin niya ang pagkaing halos hindi nagalaw.
"Tintin," malambing na tawag ni Eva.
Magkasabay silang mag-amang napalingon dito.
"Gusto mo bang manood ng TV?"
"Opo!" mabilis at nasasabik na sagot ng paslit.
"Sira ang TV natin kaya makinood ka na lang sa mga ninang mo. Kung gusto mo ay makipaglaro ka na rin muna sa kinakapatid mo. Marami s'yang laruan sa bahay nila, 'di ba?" sabi pa rin ni Eva.
Sunud-sunod ang naging pagtango ni Tintin. Hindi nawala sa mukha ang malapad na pagkakangiti. Nag-aya agad ito sa ama at nagpapahatid.
"Teka lang. Dapat maligo ka muna para mabango ka pagpunta roon. Nakakahiya kung amoy pawis ka," sabi naman ni Domeng.
Nagmamadaling nagtanggal ng suot na damit si Tintin at nagtuloy agad sa banyo. Nagahol pa si Domeng sa pagsunod sa anak. Sandali n'ya itong pinaliguan at mabilis na binihisan.
Saglit lang ay karga na n'ya ang anak para ihatid sa bahay ng kumare.
Nagmano ang bata sa nakangiting ninang na dinatnan. Tuwang-tuwa naman ang nag-iisa nitong anak. Magkasing edad ang dalawa at magkasundo sa paglalaro.
"Sira kasi ang TV namin, mare. Gusto raw n'yang manuod at makipaglaro sa kinakapatid n'ya kaya nagpahatid dito." Nahihiyang sabi ni Domeng na kalahating totoo at kalahating hindi.
Ngumiti ang ginang at magiliw na nagsalita, "Iwanan mo na dito si Tintin. Mainam nga at inihatid mo na. Susunduin ko nga sana s'ya. Miss na miss na rin namin siya, e."
Napanatag ang loob niya. Nabawasan ang nararamdamang hiya. Matapos bilinan ang anak na huwag maglilikot at magpapakabait ay iniwan na n'ya ito.
Mabilis ang pagtibok ng kanyang puso habang pabalik sa bahay. Alam n'ya ang ibig mangyari ng asawa sa pagpapaalis nito sa anak.
Sa pagbungad palang ng pintuan ay naamoy na niya ang bango ng shampoo na ginagamit ng asawa sa paliligo. Kahit nakaharang ang kurtinang plastik sa pinto ng kanilang banyo ay parang nakikita na n'ya ang hubad nitong katawan. Matagal na n'ya itong pinananabikan.
Pasimple na n'yang naisara ang mga bintana at pinto ng kanilang bahay kanina. Napangiti s'ya at kinantyawan ang sarili nang bahagyang manginig ang mga kamay.
"Putang-ina, Domeng, sa tagal na wala kang praktis baka mangalog agad ang mga tuhod mo. Baka bumubungad ka pa lang ay labasan ka na sa sobrang atat!" aniya sa sarili na sinundan ng mahinang pagbungisngis.
Napaigtad s'ya at agad na lumingon nang marinig ang kurtinang nahawi. Nakita n'yang nakatayo na sa tapat ng pintuan ng banyo ang asawa at nilalaro ng dila ang sariling mga labi. Napalunok s'ya. Ang panunuyo ng lalamunan ay muling naramdaman.
Muling napangiti si Eva sa nakitang reaksyon ng asawa. Nakatapis lang ito ng twalya at hinayaang tumulo ang tubig sa balikat mula sa buhok na sadyang hindi pinunasan. Lalo nitong pinasabik ang asawang halos lumuwa ang nagliliyab na mga mata sa tindi ng pagnanasa.
Dahan-dahang humakbang ang ginang palapit sa kabiyak na hindi na nakagalaw sa kinatatayuan. Sinadya nitong ilaglag sa nilalakaran ang twalyang nakatakip sa katawan. Pagkatapos ay nilapitan si Domeng at hinila papunta sa sofa. Naging masunurin naman ito .
Naupo si Eva at mapanuksong inilapit ang bibig sa mukha ni Domeng. Ipinadarama ang mainit na singaw ng hininga.
Naging maagap si Domeng, maalab na hinalikan ang mga labi ng maybahay. Lumaban ito ng higit na alab kung kaya napatid na ang kanyang pagtitimpi.
Pinagapang n'ya ang bibig papunta sa leeg nito, nilaro ng dila ang tubig na tumutulo. Pagkatapos ay bumaba sa balikat ang malikot n'yang dila. Kinintalan ng halik at banayad na pagkagat ang malambot nitong balat. Pagkaraan ay nagtuloy ang bibig n'ya sa dibdib nito na kahit may isang anak na ay matayog pa rin at malaman. Isinubo n'ya ang nasa tuktok n'on at saka hinitit, habang ang kakambal ay walang kapagurang hinahaplos at marahang pinipisil. Nang magsawa ay lumipat naman s'ya sa kabila at iyon naman ang sinupsop at kinagat-kagat. Narinig n'ya ang pag-ungol ni Eva, kaya lalo n'yang pinag-igi ang ginagawa.
Bumaba pa ang bibig n'ya patungo sa tiyan nito at tinuyo ng mga labi ang tubig na nasa balat. Napasandal ito at lalong lumiyad, sarap na sarap sa ginagawa n'yang pagmamasahe sa magkabila nitong kambal.
Gumawi ang kanyang bibig sa mga hita ng asawang bahagyang nakabuka. Ang mga hitang 'yon ang salitan n'yang tinuyo. May nais pang marating ang kanyang bibig. Nang pumagitna ang ulo n'ya sa pagitan ng mga hita nito ay naramdaman n'yang umangat ang katawan nito upang bigyan s'ya ng mas maluwag na malulusutan. Kung kaya natagpuan agad ng kanyang bibig ang isang bibig ng asawang hindi nakapagsasalita. Hinalikan n'ya ang bahaging 'yon. Halik na nananakop. Tila isang napakasarap na pagkaing sa labis na gutom ay kanyang nilamon.
"Oooh.." daing na nagmula sa bibig ni Eva. Naramdaman n'ya ang pagsabunot nito sa kanyang buhok. Sa bawat paghagod ng dila n'yang naglilikot ay sumasabay ang balakang nito. Nang patulisin n'ya ang dila upang mas maabot pa ang nasa loob at laruin ang tila maliit na ilong ay lalong naglumiyad ang katawan nito. Hindi s'ya nakuntento, isinubo n'ya ang dalawang daliri na akala mo'y nililinis. At pagkatapos ay isinuksok nang dahan-dahan sa lagusang basang-basa na. Kasabay ng naglilikot na dila ang dalawa n'yang mga daliring may hinahanap yata at mabilis na kumikiwal sa loob.
"Oooh, Domeng. Ang sarap. Ang srap n'yan! D'yan, huwag mong iibahin. D'yaaaan, oooooh!" Utos nito na buong lugod n'yang sinunod.
"Malapit na, Domeng. Ayan na, Domeng. Ayan naaaa. Ooooh!" daing nito na musika sa kanyang pandinig.
Hindi s'ya nagpabaya. Ang katas na isinuka ng bibig nito sa ibaba ay sinimsim n'ya. Tumukod ang kamay nito sa kanyang noo at itinutulak iyon palayo. Ngunit hindi s'ya pumayag. Nanatili s'ya sa bahaging 'yon at muling inulit ang paglalaro.
Lalong lumakas ang pagdaing nito. Naglulumiyad ang katawan sa ginagawa n'yang paghagod sa lagusan nitong anumang sandali ay handa na sa kanyang pagdating.
"Domeng, halika na please. Hindi ko na kaya, halika na." Pag-aaya nito habang hinihila ang kanyang braso.
Nang tumayo s'ya at umpisahang maghubad ay tumulong na ito. At nang sumungaw ang kalabang hinamon ay agad nang inilawit ang ibabang bahagi ng katawan. Wala na s'yang inaksayang sandali, ang biyayang nasa harapan ay nais n'yang lasapin.
Lumuhod s'ya sa harapan ng asawa. Iginiya ang galit na galit na pagkalalake sa madulas nitong lagusan. Walang kahirap-hirap s'yang nagtuloy. ibinaon ang sarili sa kumikimbot na lamang nakasakmal sa kanyang kargada. Maririin ang ginawa n'yang pag ulos. Nais parusahan ang ginang sa nagawang kasalanan.
Malakas ang pagdaing nito. Napapasigaw sa t'wing isasalpok n'ya ang kanyang balakang.
"Domeng! Tang-ina! "
Naramdaman n'ya ang papalapit na pagwawakas. Pinabilis n'ya ang pakikipagsalpukan. Ilang magkakasunod na pamatay na ulos ang ipinatikim n'ya sa kalaban. Hanggang magkasabay nilang marating ang kasukdulan.
Nakabihis na silang mag-asawa nang buksan niya ang pinto. Sinundo na n'ya si Tintin at pagkatapos ay nagpaalam na sa asawa upang balikan ang naghihiintay na gawain.
Mula tainga hanggang tainga ang kanyang pagkakangiti habang naglalakad pabalik sa loob sementeryo.