Chapter 8

2727 Words

MUNTIK nang sumabog ang puso ni Nadia nang marinig ang boses ni Mang Berto. Natatarantang dumistansiya ang dalaga kay Jameson. Bumalik siya sa upuan at di makatingin nang diretso kay Jameson. Nanginginig ang buong katawan niya. Muntik na niyang halikan si Jameson. Muntik nang may makakita sa kanila. "P-Pauwi na po. Napuwing lang po. Hinihipan ko lang po talaga ang mata niya. Iyon lang po. Wala po kaming ginagawang masama,” paliwanag agad ng dalaga. Hindi niya ma-imagine kung tuluyan niyang hinalikan si Jameson at kung paano siya magpapaliwanag kay Mang Berto. “Wala naman akong sinabi na may ginagawa kayong masama,” nagtatakang tanong ni Mang Bert nagpapalit-palit ang tingin sa kanila. “Meron ba?” “Wala nga po. Uuwi na po kami,” nanghahaba ang ngusong sabi ng dalaga at kinuha ang bag.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD