Chapter 12

2336 Words

“NANAY, pwede na po kayong kumain ng soup. Kailangan po kayong makalabas dito sa ospital kaya magpalakas kayo,” pakiusap ni Nadia. Hawak niya ang mangkok ng corn soup para isubo sa inang si Aling Linda. Pero nakapaling lang ang tingin nito sa bintana ng kuwarto nito sa ospital. Parang lutang at wala sa kanya ang atensiyon. “Hindi ba pa ako dadalawin ni Pocholo? Baka hinahanap niya tayo sa bahay. Iuwi mo na ako sa bahay,” matamlay na sabi ng ina. Puno pa rin ng lungkot ang mga mata nito. Tatlong araw na sila sa ospital at bumuti na ang kalagayan ng ina. Pwede na itong kumain at wala nang dextrose pero pahirapan naman itong pakainin. Wala itong bukambibig kundi ang tatay niya. Gusto niyang sabihin na kung matutunton man sila ng ama, tiyak na may kasama nang pulis para ipadampot siya o kay

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD